Pumunta sa nilalaman

Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (Pilipinas)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad
National Economic and Development Authority
Pagkakatatag1972
KalihimArsenio Balisacan
Salaping GugulinP11.90 bilyon (2020)[1]
Opisyal na websaytwww.neda.gov.ph

Ang Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (Ingles: National Economic and Development Authority), dinadaglat bilang NEDA, ay isang independiyenteng ahensiyang may antas ng gabinete ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad. Pinamumunuan ito ng Pangulo ng Pilipinas bilang tagapangulo ng lupon ng NEDA, kasama ang Kalihim ng Sosyo-ekonomikong Pagpaplano, na siya ring Direktor-heneral ng NEDA, bilang pangalawang tagapangulo. Ilan sa mga kasapi ng Gabinete, ang Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang tagapangulo ng Metropolitan Manila Development Authority, ang gobernador ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao, ang Tagapangulo ng Komisyon sa Teknolohiyang Pangimpormasyon at Pangkomunikasyon, ang Tagapangulo ng Subic-Clark Area Development Corporation, at ang Pambansang Pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines ang mga kasapi ng lupon ng NEDA.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kasalukuyang porma ng NEDA ay binuo ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Hulyo 22, 1987 sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 230. Itinakda nito ang kabuuan ng Lupon ng NEDA at ang Kalihiman at ang mga kapangyarihan at tungkulin nito, ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Awtoridad at ng kanyang mga komitiba.[2]

Noong 26 Hulyo 1994, nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Kautusang Memorandum Blg. 222 na muling bumuhay sa Tagapagpaganap na Lupon ng NEDA at nagtakda na ang desisyon ng Tagapagpaganap na Lupon ng NEDA ay pinal, isasakatuparan at iiral sa Lupon ng NEDA.[3]

Noong 27 Hulyo 1992, nilagdaan ni pangulong Ramos ang Batas Republika Blg. 7640, na nagbubuo sa Legislative-Executive Development Advisory Committee (LEDAC). Ang LEDAC ang nagsisilbing lupo ng konsultasyon at pagpapayo ng Pangulo bilang tagapangulo ng NEDA at nagbibigay ng mga payo sa ibang mga programa at patakaran, na mahalaga as pagkakamit ng mga mithiin ng pambansang pag-unlad.[4]

Lupon ng NEDA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kapangyarihan at tungkulin ng NEDA ay nasa Lupon ng NEDA. Ito ang pangunahing lupon sa pagpaplanong panlipunan at ekonomiko at pagtutugma ng patakaran. Ang Lupon ay binubuo ng Pangulo bilang tagapangulo, Kalihim ng Soyso-Ekonomikong Pagpaplano at Direktor-Heneral ng NEDA bilang pangalawang tagapangulo, at ang mga sumusunod bilang kasapi: ang Kalihim Tagapagpaganap at ang mga Kalihim ng Pananalapi, Kalakalan at Industriya, Pagsasaka, Kapaligiran at Likas na Yaman, Pagawaing Bayan at Lansangan, Pagbabadyet at Pamamahala, Paggawa at Empleyo, at Interyor at Pamahalaang Lokal.

Simula noon naidagdag na ang mga sumusunod bilang kasapi ng lupon: ang kalihim ng Kalusugan, Ugnayang Panlabas, at Repormang Pansakahan (alinsunod sa Kautusang Memorandum Blg. 164, noong 21 Marso 1988); ang Kalihim ng Agham at Teknolohiya (alinsunod sa Kautusang Memorandum Blg. 235, noong 19 Mayo 1989); at ang Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon (alinsunod sa Kautusang Memorandum Blg. 321, noong 26 Setyembre 1990). Bilang karagdagan, ang Kalihim ng Enerhiya (alinsunod sa Batas Republika Blg. 7638, naaprubahan noong 9 Disyembre 1992) at ang Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (alinsunod sa seksiyon 124 ng Batas Republika Blg. 7653, naaprubahan noong 14 Hunyo 1993).

Noong 22 Abril 2006, ang lupon ng NEDa ay muling binuo sa pamamagitan ng Kautusang Administratibo Blg. 148, na nagdagdag ng walo pang kasapi at nagpalit sa limang orihinal na mga kasapi.

Ang mga kasalukuyang kasapi ng Lupon ng NEDA ay sina:

Board Position Incumbent Office
Chairman: Bongbong Marcos Pangulo ng Pilipinas
Vice-Chairman: Arsenio Balisacan Kalihim ng Sosyo-ekonomikong Pagpaplano
Members: Chief Justice Lucas Bersamin (Ret.) Kalihim Tagapagpaganap
Zenaida Angping Kalihim ng Gabinete
Felipe Medalla Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Benjamin Diokno Kalihim ng Pananalapi
Amenah Pangandaman Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala
Alfredo E. Pascual Kalihim ng Kalakalan at Industriya
Manuel Bonoan Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
Jaime Bautista Kalihim ng Transportasyon
Jose L. Acuzar Secretary of Human Settlements and Urban Development
Raphael Perpetuo Lotilla Kalihim ng Enerhiya
Maria Belen S. Acosta Chairperson of the Mindanao Development Authority

Ang Lupon ay tinutulungan ng anim na may antas gabineteng inter-ahensiyang lupon:

  1. Development Budget Coordination Committee (DBCC)
  2. Infrastructure Committee (InfraCom)
  3. Investment Coordination Committee (ICC)
  4. Social Development Committee (SDC)
  5. Committee on Tariff and Related Matters (CTRM)
  6. Regional Development Committee (RDCom)
  7. National Land Use Committee (NLUC)

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Aika Rey (Enero 8, 2020). "Where will the money go?" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong 29 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. autusang Tagapagpaganap Blg. 230
  3. "Kautusang Memorandum Blg. 222". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-17. Nakuha noong 2009-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-03-17 sa Wayback Machine.
  4. Batas Republika Blg. 7640