Pumunta sa nilalaman

Pambansang Unibersidad ng Malaysia

Mga koordinado: 2°55′30″N 101°46′53″E / 2.925°N 101.7814°E / 2.925; 101.7814
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangunahing pasukan sa unibersidad

Ang Pambansang Unibersidad ng Malaysia (daglat: UKM; Malay: Universiti Kebangsaan Malaysia; Ingles: National University of Malaysia) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Bangi, Selangor na 35 kilometro (22 milya) sa timog ng Kuala Lumpur. Ang ospital sa pagtuturo ng unibersidad, ang Pusat Perubatan Universiti Kebangsaan Malaysia (PPUKM) ay matatagpuan sa Cheras at meron ding sangay na campus sa Kuala Lumpur. Merong 17,500 undergraduate na mag-aaral na nakaenrol, at 5,105 postgraduate na mag-aaral na kung saan 1,368 ay mga banyagang mag-aaral mula sa 35 bansa.[1]

Ang Universiti Kebangsaan Malaysia ay isa sa limang mga unibersidad sa pananaliksik sa bansa. Ito ay nararanggo bilang ika-259 sa mundo ng QS World University Rankings para sa taong 2014.[2] Ito ay nararanggong ika-98 sa 100 mga pinakamahusay na bagong unibersidad na itinatag sa loob ng huling 50 taon sa mundo. Ito ay ang tanging unibersidad mula sa Malaysia na nakapasok sa 2012 Quacquarelli Symonds (QS) Top 50 Universities Under 50 Years Old na may ranggong ika-31. Ito ay nairanggong ika-56 at ika-56 sa QS Top 500 Asian University Rankings para sa taong 2014 at 2015, ayon sa pagkakabanggit.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "UKM, the National University of Malaysia, About Us". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-17. Nakuha noong 2017-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-17 sa Wayback Machine.
  2. "University of Hertfordshire Rankings". topuniversities.com. QS Quacquarelli Symonds Limited. Nakuha noong 16 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Global Malaysians Network, UKM now ranked way ahead of UM Naka-arkibo 2007-12-28 sa Wayback Machine., Retrieved on 4 Nobyembre 2007

2°55′30″N 101°46′53″E / 2.925°N 101.7814°E / 2.925; 101.7814 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.