Pumunta sa nilalaman

Kuwentong bibit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pantasyang kuwentong-bibit)
Ang Europeong kuwentong bibit na Little Red Riding Hood at Lobo sa pinta ni Carl Larsson noong 1881.

Ang kuwentong bibit[1] (Aleman: Märchen, Kastila: cuento de hadas, Ingles: fairy tale, Pranses: conte merveilleux) ay mga kuwentong tungkol sa mga engkanto, engkantada, at engkantado. Kadalasang kinukuwento ito sa mga bata bilang nakakaaliw na kuwentong pambata. Kabilang mga maikling kuwentong bibit sa uring kuwentong-bayan.[2] Tipikal na tinatampok ng mga ganoong kuwento ang mahika, pag-e-engkanto, at mga katha o mitikal na nilalang. Sa karamihan ng mga kalinangan, walang malinaw na linya na hinihiwalay mula sa mito sa kuwentong pambayan o bibit; lahat ng mga ito kapag pinagsama-sama ay binubuo ang panitikan ng mga lipunan bago ang literato.[3] Maaring ipagkaiba ang mga kuwentong bibit mula sa ibang istoryang bayan tulad ng mga alamat (na pangkalahatang kinakasangkutan ng paniniwala sa katotohanan ng mga pangyayaring sinalarawan)[4] at tahasang kuwentong moral, kabilang ang mga pabulang halimaw. Kabilang sa mga elementong laganap ang mga duwende, dragon, diwata, higante, lamanlupa, gripon, sirena, nagsasalitang hayop, trol, unikornyo, halimaw, mangkukulam, salamangkero, at mga pag-e-engkanto.

Maaring nasa pasalita o pasulat na anyo ang mga kuwentong bibit. Marami sa mga kasalukuyang kuwentong bibit ay nabuo mula sa mga istoryang dantaon na ang tagal na lumitaw, na may baryasyon, sa maraming kalinangan sa palibot ng mundo.[5]

Mahirap na mabakas ang kasaysayan ng kuwentong bibit dahil mga anyong pampanitikan lamang ang tumagal. Lalo pa, sang-ayon sa mga mananaliksik sa mga pamantasan sa Durham at Lisbon, maaring petsahan ang mga ganoong istorya sa mga libong taon, ilan sa mga ito noong Panahong Bronse.[6][7] Ginagawa pa rin ngayon ang mga kuwentong bibit, at mga gawang hinango mula sa kuwentong bibit.

Marahil ang mga kuwentong Jataka ang pinakalumang koleksyon sa panitikan, at malaking bahagi ng natitira pa ay maipapakita na mas higit sa isang libong taon ang tanda. Tiyak na karamihan (marahil isang-kalima) ng popular na panitikan sa makabagong Europa ay hinango mula sa mga pirasong yaon ng malaking bulto na ito na nanggaling sa mga Krusada sa pamamagitan ng mga medyum ng mga Arabe at Hudyo.[8]

Inuuri ng mga polklorista ang mga kuwentong-bibit sa iba't ibang paraan. Ilan sa mga pinakakapansin-pansin ang sistemang klasipikasyon na Aarne-Thompson-Uther at ang morpolohikal na pagsusuri ni Vladimir Propp. Ipinakahulugan ng ibang polklorista ang kahalagaan ng kuwento, subalit walang paaralan ang tiyak na naitatag para sa kahulugan ng mga kuwento.

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ninais ng ilag mga polklorista ang paggamit ng katawagang Aleman na Märchen or "kuwentong kababalaghan"[9] upang tukuying ang uri sa halip na kuwentong bibit, isang kasanayan na binigyang bigat ng depenisyon ni Thompson sa kanyang edisyong 1977 [1946] ng The Folktale.[10]

Ang mga karakter at paksa ng kuwentong bibit ay payak at arketipiko: mga prinsesa at babaeng-mangagansa; pinakabatang anak na lalaki at matapang na mga prisepe; mga ogro, dambuhala, dragon, trol, masamang madrasta, at huwad na bayani; ninang na engkantada at ibang tumutulong na mahiko, kadalasang nagsasalitang mga kabayo, soro, o ibon; mga bundok na salamin; at mga pagbabawal at paglabag sa mga ipinagbabawal.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Kuwentong bibit". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jorgensen, Jeana (2022). Fairy Tales 101: An Accessible Introduction to Fairy Tales (sa wikang Ingles). Fox Folk Press. 372 pahina. ISBN 979-8985159233.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bettelheim 1989, p. 25.
  4. Thompson, Stith (1972). "Fairy Tale". Sa Leach, Maria; Fried, Jerome (mga pat.). Funk & Wagnalls Standard Dictionary of Folklore, Mythology & Legend (sa wikang Ingles). Funk & Wagnalls. ISBN 978-0-308-40090-0.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gray, Richard (5 Setyembre 2009). "Fairy tales have ancient origin". The Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-09-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Fairy tale origins thousands of years old, researchers say". BBC News (sa wikang Ingles). 20 Enero 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2018. Nakuha noong 20 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Blakemore, Erin (20 Enero 2016). "Fairy Tales Could Be Older Than You Ever Imagined". Smithsonion Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2019. Nakuha noong 4 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Jacobs, Joseph (1892). "Notes and References" . Indian Fairy Tales  (sa wikang Ingles). p. 230 – sa pamamagitan ni/ng Wikisource.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Davidson, Hilda Ellis; Chaudhri, Anna (2006). A companion to the fairy tale (sa wikang Ingles). Boydell & Brewer. p. 39. ISBN 978-0-85991-784-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Thompson 1977, p. 8.
  11. Byatt 2004, p. xviii.