Pumunta sa nilalaman

Parmigiana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Parmigiana
LugarItalya
Rehiyon o bansa
Pangunahing SangkapTalong, mozzarella, parmesan, sarsang kamatis
BaryasyonManok, bulo, hipon, almondigas[1]

Ang parmigiana ( /ˌpɑːrmɪˈɑːnə,_ʔˈʒɑːʔ/, Italyano: [parmiˈdʒaːna]), tinatawag ding parmigiana di melanzane (Italyano: [parmiˈdʒaːna di melanˈdzaːne; -ˈtsaːne]) o melanzane alla parmigiana (Italyano: [melanˈdzaːne; -ˈtsaːne ˌalla parmiˈdʒaːna]), ay isang lutuing Italyanong gawa sa pinirito, hiniwang talong na nilagyan ng keso at sarsang kamatis, at pagkatapos ay inihurno. Kapwa inaangkin ang pinagmulan ng ulam ng mga Katimugang rehiyon ng Calabria, Campania, Apulia at Sicilia. Kabilang sa iba pang mga baryasyon na maaaring makikita sa labas ng Italya ang manok, bulo, o ibang uri ng karne, o palamang gulay.

May ilang teorya tungkol sa pinagmulan nitong putahe. Kadalasan iniuugnay ang pag-imbento nito sa Parma, Sicilia o Campania.[2][3] Ang kaso para sa Parma ay tumutukoy ang parmigiana sa Parma at dahil pinoprodyus ang kesong Parmesano roon. May iba't ibang paliwanag para sa pinagmulang Sisilyano ang mga manunulat ng pagkain sa Silicia. Ayon sa may-akda na si Pino Correnti, hinango ang salitang parmigiana sa salitang Sisilyano na damigiana, isang sulihiya na panlagay sa mga bote ng alak at ang mainit na kaserola kung saan pinaghahandaan at pinaghahainan ang putahe. Isinulat ng mga awtor na sina Mary Taylor Simeti, Vincent Schiavelli, at iilan pa na hinango ang pangalan mula sa salitang Sisilyano para sa binatanilya, palmigiana. Kahawig ng mga angguladong, pahalang na slat ng bintanilya sa pagpapatong ng mga hiniwang talong sa putahe. Iminungkahi ng manunulat na si Franca Colonna Romano Apostolo na parmiciana ang pangalan na may kahulugang Persa sa Sisilyano.[4][5]

Binakas ni Wright ang pinagmulan ng parmigiana sa Napoles. Lumilitaw ang ninuno nitong modernong putahe sa panlutong aklat ni Vincenzo Corrado, Il cuoco galante, mula noong 1786. Inilarawan sa kanyang resipi ang talong na tinimplahan ng mantikilya, yerba, kanela, iba pang espesya at kayod na kesong Parmesano, na tinakpan ng sarsang makrema na gawa sa pula ng itlog bago ihurno sa oben. Pagkatapos ng ilang taon, lumitaw ang modernong bersiyon na may Parmesano at ragù de-kamatis bilang pangunahing sangkap sa panlutong aklat ni Ippolito Cavalcanti, Cucina teorico-pratica, na inilathala sa Napoles noong 1837. Ayon kay Wright, iminumungkahi nito na nag-ebolb ang putahe sa Napoles noong panahong ito, kasabay ng pagtaas ng kasikatan ng kamatis sa lutuing Italyano.[6][5] Sumasang-ayon ang may-akda na si Marlena Spieler sa Napolitanong pinagmulan ng putahe sa gayunding mga kadahilanan.[7]

Mga pagkakaiba-ibang Italyano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Napoles, inihanda din ang Parmigiana gamit ang zucchini o alkatsopas bilang kapalit ng mga talong.[8]

Sa Apulia, ang Parmigiana ay inihanda hindi lamang sa pagprito ng mga talong kundi pati na rin sa pag-eempanada nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Clark, Melissa (Enero 30, 2015). "Parmigiana Dishes to Warm Weary Souls" [Mga Putaheng Parmigiana na Pampasigla sa Mga Pagod na Kaluluwa]. The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 17, 2018. Nakuha noong Marso 24, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Eggplant Parmigiana: one dish, many versions - true-italian.com" [Ang Parmigianang Talong: isang putahe, maraming bersiyon - true-italian.com] (sa wikang Ingles). 2020-02-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-04. Nakuha noong 2023-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "What's the Deal With Eggplant Parmigiana?". La Cucina Italiana (sa wikang Ingles). 2022-06-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-04. Nakuha noong 2023-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wright, Clifford A. "A History of Eggplant Parmesan" [Isang Kasaysayan ng Parmesanong Talong]. CliffordAWright.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobyembre 2019. Nakuha noong 4 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Wright, Clifford A. (2012). Mediterranean Vegetables: A Cook's Compendium of All the Vegetables from the World's Healthiest Cuisine, with More Than 200 Recipes [Mga Mediteraneong Gulay: Isang Kompendiyo ng Kusinero sa Lahat ng Mga Gulay mula sa Pinakamalusog na Lutuin sa Mundo na May Higit sa 200 Resipi] (sa wikang Ingles). Boston, Massachusetts: The Harvard Common Press. pp. 133–134. ISBN 9781558327757. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-04-30. Nakuha noong 2019-11-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Wright, Clifford A. "A History of Eggplant Parmesan" [Isang Kasaysayan ng Parmesanong Talong]. CliffordAWright.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobyembre 2019. Nakuha noong 4 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Spieler, Marlena (2018). A Taste of Naples: Neapolitan Culture, Cuisine, and Cooking [Isang Tikim ng Napoles: Napolitanong Kultura, Lutuin, at Pagluluto] (sa wikang Ingles). London: Rowman & Littlefield. pp. 189–191. ISBN 9781442251267. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-04-30. Nakuha noong 2019-11-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Francesconi, Jeanne Caròla (1995) [1965]. La vera cucina di Napoli (sa wikang Italyano). Roma: Newton Compton Editori. pp. 219–20. ISBN 8881830213.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)