Pilipinas v. Tsina
Republika ng Pilipinas v. Republikang Bayan ng Tsina | |
---|---|
Hukuman | Permanent Court of Arbitration |
Buong pangalan ng kaso | Arbitration between the Republic of the Philippines and the People’s Republic of China (Arbitrasyon sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at ng Republikang Bayan ng Tsina) |
Kasapi sa Hukuman | |
Mga Nakaupong Hukom | Pangulo: Thomas A. Mensah Mga Kasapi: Jean-Pierre Cot Rüdiger Wolfrum Alfred H. Soons Stanislaw Pawlak |
Ang Pilipinas v. Tsina ay ang hablang isinampa ng Pilipinas laban sa Republikang Bayan ng Tsina sa ilalim ng Annex VII ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nilalaman ng hinaing ng Pilipinas ang mga batayang legal ng mga pag-aangkin nito pati na rin ang pagtalakay sa katangian ng mga anyong lupa sa Timog Dagat Tsina.[1]
Kaligiran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang alitan sa teritoryo nang bitawan ng Japan ang pagmamay-ari nito sa Kapuluang Spratly at walang naitalagang bansang papalit rito na magmamay-ari ng kapuluan nang ratipikahan nito ang Tratado ng San Francisco. Dahil dito, naging bukás upang okupahin ang kapuluan sa bisa ng terra nullius. Subalit sa ilalim ng isang tratado noong 1952 sa pagitan ng Japan at Republika ng Tsina (sa Taiwan), inilipat ng Japan ang pagmamay-ari ng Kapuluang Spratly sa Tsina.[2]
Nilalaman ng habla
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalayon ng Pilipinas na magkaroon ng kapasiyahan na nagsasaad na ang mga pag-aangkin sa Timog Dagat Tsina ay kailangang tumalima sa UNCLOS nang sa gayon maisantabi ang siyam na gatlang na guhit na siyang batayan ng pag-aangkin ng Tsina; ituring ang mga lupaing sakop ng Tsina rito na mga batuhan, lupaing litaw-kapag-hibas, o mga nakalubog na pampang, at hindi mga pulo; at kilalanin ang karapatan ng Pilipinas na makagana sa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko at kalapagang kontinental nito gaya ng isinasaad sa UNCLOS nang hindi ginigipit ng Tsina.[1]
Hurisdiksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang tinalakay ng hukuman, kung ito'y may hurisdiksiyon sa naturang kasong isinampa ng Pilipinas. Unang dininig ang petisyon ng Pilipinas noong Hulyo 7, 2015 sa pangunguna ng Taga-usig Panlahat Florin Hilbay at sinundan ni Kalihim ng Ugnayang Panlabas Albert Del Rosario.
Posisyon ng Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi pinansin at pinalagpas ng Tsina ang palugit na itinakda ng Hukuman upang ito'y tumugon sa isinampang kaso ng Pilipinas. Ngunit naglabas noong Disyembre 7, 2014—eksaktong isang linggo bago ang itinakdang petsa na Disyembre 15—ng posisyong papel ang Ministeryo Panlabas ng Tsina ukol sa hurisdiksiyon ng arbitrasyon sa Dagat Timog Tsina na isinampa ng Pilipinas. Ayon sa posisyong papel, walang hurisdiksiyong ang Hukuman dahil sasaklawin nito ang pagdetermina ng soberanya ng mga teritoryo.[3]
Pahayag ng Vietnam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 11, 2014, naghain sa Hukuman ng mga pahayag ang Vietnam na kumikilala sa hurisdiksiyon nito sa kaso, isang tahasang pagkontra sa posisyong inilabas ng Tsina.[4] Hiniling din ng Vietnam na "isaalang-alang" ang legal na karapatan at interes nito sa Spratlys, at Paracels at sa eksklusibong sonang ekonomiko at kalapagang kontinental nito sa pagpapasya ng merito ng kaso ng Pilipinas. Tahasan din nitong tinutulan ang siyam na gatlang guhit ng Tsina, bilang batayan ng pag-aangkin ng Timog Dagat Tsina, at sinabing "wala itong legal na batayan".[5] Ang paghahain ng mga pahayag sa Vietnam ay hindi paglahok sa naturang kaso, bagkus nais lamang nitong mabatid ang kanilang opinyon dahil posibleng makaapekto sa pag-aangkin nito ang maaaring maging desisyon ng Hukuman, isang hakbang upang maiwasang direktang kumprontahin ang Tsina.[6]
Gaya ng inaasahan, tinutulan ng Tsina ang mga naging pahayag ng Vietnam at tinawag ang mga pag-aangkin ng Vietnam na "ilegal at walang batayan", at inulit na "(h)indi kailanman tatanggpin ng Tsina ang mga naturang pag-aangkin." Dagdag pa nito, hinikayat ng tagapagsalita ng Ministeryong Panlabas ng Tsina Hong Lei, na "kilalanin ng Vietnam ang soberanya nito at karapatang pandagat at lutasin kasama ng Tsina ang mga pagtatalo kaugnay sa Nansha batay sa pagrespeto ng katunayang pangkasaysayan at pandaigdigang batas upang magkasamang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Dagat Timog Tsina."[6]
Ani naman ni Charles Jose, tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, "(t)inuturing namin na labis na makakatulong ang mga naging pahayag ng Vietnam. Kinukumpirma lamang nito na may hurisdiksiyon ang tribunal at matatag ang kaso ng Pilipinas".[4]
Pagmasid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi binuksan sa publiko ang mga pagdinig ng hukuman ngunit pinayagan nito na magmasid ang mga kinatawan ng pamahalaan ng Australia,[7] Malaysia, Indonesia, Vietnam, Thailand at Japan.[6] Tinanggihan naman ng Hukuman ang kahilingan ng Estados Unidos na magmasid sa kaso, sa kadahilanang hindi ito partido sa Kumbensiyon.[7][8]
Merito ng kaso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos pagpasiyahan ng Hukuman na ito'y may hurisdiksiyon sa ilang hinaing na idinulog ng Pilipinas, itinakda ng Hukuman ang pagdinig ng mga merito ng kaso mula Nobyembre 24 hanggang Nobyembre 30, 2015.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Arbitration on the South China Sea: Rulings from The Hague" (sa wikang Ingles). Asia Maritime Transparency Initiative. Nakuha noong Disyembre 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Treaty of Peace with Japan". Taiwan Documents Project. 2013. Nakuha noong Nobyembre 19, 2013.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "China's position paper on South China Sea". China Daily. China Daily. Nakuha noong 9 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Esmaquel, Paterno II. "PH to tribunal: Vietnam boosts case vs China". Rappler. Rappler. Nakuha noong 8 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zuraidah, Ibrahim; atbp. "Beijing rejects Hanoi's legal challenge on Spratly, Paracel islands disputes". South China Morning Post. Nakuha noong 9 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: Explicit use of et al. in:|first1=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Parameswaran, Prashanth. "Does the Philippines' South China Sea Case Against China Really Matter?". The Diplomat. The Diplomat. Nakuha noong 8 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Esmaquel, Paterno II (Disyembre 1, 2015). "US barred from watching PH vs China hearing" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Disyembre 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Calleja, Niña P. (Disyembre 1, 2015). "US request to send observers in PH case vs China denied". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 1, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Viray, Patricia Lourdes (Nobyembre 11, 2015). "Philippines vs China oral hearing set on November 24". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 1, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)