Pitsi-pitsi
Clockwise from the top: Pitsi-pitsi with latik and cheese, Pitsi-pitsi with coconut, Pitsi-pitsi with cheese | |
Ibang tawag | Pichi-pichi |
---|---|
Uri | Kakaning balinghoy |
Kurso | Panghimagas |
Lugar | Pilipinas |
Rehiyon o bansa | Quezon |
Ihain nang | Temperatura ng silid |
Pangunahing Sangkap | Gata ng niyog, balinghoy, lihiya, asukal |
Baryasyon | Nilagyan ng keso at/o latik, iginulong sa gadgad na niyog |
|
Ang pitsi-pitsi, na binabaybay din na pichi-pichi, ay isang uri ng panghimagas sa lutuing Pilipino na gawa sa mga bola ng pinasingawang harina ng kamoteng-kahoy o ginadgad na kamoteng kahoy na hinaluan ng asukal, sabaw ng buko, pampalasa/pampakulay at lihiya o baking powder. Karaniwan din itong pinalalasahan ng dahon ng pandan. Iginugulong ito sa bagong gadgad na niyog, keso, o latik (coconut caramel) bago ihain.[1][2][3]
Sinasabing nagmula sa lalawigan ng Quezon ang tradisyunal na kakanin na ito na kilala sa mga pista ng pag-aani kagaya ng Pista ng Pahiyas, kung saan maraming tao ang gumagawa ng mga panghimagas ng puto o kakanin at nagtitinda sa mga namamasyal sa mga pyesta.[4][5][6] Bukod sa pagiging lokal na terminong tumutukoy sa maligat at malagulaman na kakaning balinghoy, ang pitsi-pitsi sa salitang Tagalog ay metaporikal ding tumutukoy sa "mga bagay na munti o munti ang halaga."[7] Minumungkahi din na hinalaw ang pangalan ng kakanin sa Araucanian na pichi na ibig sabihin ay “maliit”, na ginamit ng Spanish Americans noong ika-19 na siglo.[8]
Bagama't ang pitsi-pitsi at palitaw ay magkahawig at parehong iginulong sa kinayod na niyog, magkaiba ang mga pangunahing sangkap nito. Ang pitsi-pitsi ay gumagamit ng balinghoy bilang base nito, samantalang ang palitaw ay gumagamit ng galapong at binubudburan ng buto ng linga at asukal, na wala sa pichi-pichi. Ang katulad na kakanin sa pitsi-pitsi ay ang putli mandi ng mga Tausug at Yakan. Katulad ang paghahanda nito, pinagkaiba lamang ay mayroon itong palaman ng mga pinatamis na kayod ng niyog (hinti).[9] Ito ay katulad din ng palitaw, kaibhan ng palitaw ay ginawang manipis na patag na kakanin at ginawa gamit ang malagkit na harina.
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kamoteng kahoy ay unang binalatan, ginadgad, at hinugasan. Ang gadgad na kamoteng kahoy ay hinaluan ng tubig, asukal, at lihiya at pagkatapos ay inilipat ang timpla sa mga kawali o hulmahan na pagkatapos ay ilagay sa pasingawan hanggang sa maluto at lumambot ang timpla. Ang nilutong pitsi-pitsi ay maaaring igulong sa bagong kayod na niyog o lagyan ng gadgad na keso at latik. Ang ilang mga manininda ay nagdaragdag ng pangkulay ng pagkain sa timpla bago pasingawan.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pichi Pichi Recipe | Pinoy Food Guide" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Recipe, Lutong Bahay (2019-03-13). "Pichi Pichi". Lutong Bahay Recipe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Pichi-Pichi Kakanin Filipino-Recipe". www.filipino-recipes-lutong-pinoy.com. Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ramesh, Nisha (2019-05-14). "Pichi Pichi". 196 flavors (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TagalogLang (2023-12-16). "Kakanin: Mga Uri ng Kakanin Ng Pilipinas: Listahan". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ #Abuhan | How to make Pichi-pichi, One News PH, nakuha noong 2023-12-17
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TagalogLang (2018-01-25). "PITSI-PITSI: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Manzon, Jenilyn C. Leksikograpiya ng mga kakanin sa pilipinas (Tisis) (sa wikang Filipino). Polytechnic University of the Philippines.
- ↑ "Putli-mandi or pichi-pichi - Recipe Petitchef". en.petitchef.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)