Pumunta sa nilalaman

69 (posisyong pangpagtatalik)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Posisyong 69)
Isang lalaki at isang babae na nagsasagawa ng nagbibigayang pagtatalik na pambibig na nasa posisyong 69.
Dalawang babae na nasa posisyong 69.

Ang Animnapu't siyam, na mas kilala sa katawagang Ingles na Sixty-nine o 69, na nakikilala rin sa tawag sa wikang Pranses na soixante-neuf (bigkas: /swa-sangt-nuf/), ay isang pangkat ng mga posisyon sa pakikipagtalik kung saan ang dalawang tao ay ipinuporma o inihahanay ang kanilang mga sarili upang ang bibig ng bawat isa'ng tao ay malapit sa mga organong pangkasarian ng kanilang katalik, na sabayang nagsasagawa ng pagtatalik na pambibig.[1][2][3] Kung gayon, ang mga nakikilahok ay nagpapalitan o nagtuturingan na nakabaligtad sa isa't isa, na katulad ng mga nasusulat na mga bilang na 6 at 9 upang tila bumubuo ng bilang na 69, na napagkunan ng pangalan ng posisyon.[3][4] Ang posisyong ito ay maaaring kasangkutan ng anumang tambalan o kumbinasyon ng mga kasarian. Ang 69 ay maaari ring isagawa na ang magkapareha ay nakatagilid, o kaya ay nasa mas maginhawang posisyon.

Kasama sa mga baryasyon ng posisyong 69 ang nagbibigayang pagtatalik na pagdidilaan ng butas ng puwit (kilala sa Ingles bilang anal-oral sex, anilingus, o double-rimming), at nagbibigayang pagdadaliri ng puki (kilala sa Ingles bilang digital penetration o fingering, sa diwang ito ang digit ay tumutukoy sa mga daliri ng kamay) o pagdadaliri ng butas ng puwit. Sa ganitong mga posisyon, ang mga nagtatalik ay sinasabing nakakaranas ng nagkakasabayang estimulasyong seksuwal, subalit maaari ring mabaling ang pansin ng mga sumusubok na tumuon lamang sa pagpapaligaya ng sarili. Ang posisyon ay alangan o nakakaasiwa para sa mga nagtatalik na hindi magkatulad ang taas o haba ng katawan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rojiere, Jean (2001). The Little Book of Sex. Ulysses Press. ISBN 1-56975-305-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Julie Coleman, "Love, sex, and marriage: a historical thesaurus", Rodopi, 1999, ISBN 9042004339, p.214
  3. 3.0 3.1 Aggrawal, Anil (2009). Forensic and Medico-legal Aspects of Sexual Crimes and Unusual Sexual Practices. Boca Raton: CRC Press. p. 380. ISBN 1420043080.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. René James Hérail, Edwin A. Lovatt, "Dictionary of Modern Colloquial French", Routledge, 1990, ISBN 0415058937, p.484
  5. Rathus, Spencer A.; Nevid, Jeffrey S.; Fichner-Rathus, Lois; Herold, Edward S.; McKenzie, Sue Wicks (2005). Human sexuality in a world of diversity (ika-ika-2 edisyon (na) edisyon). New Jersey, USA: Pearson Education. p. 221. ISBN 1-205-46013-5. {{cite book}}: Check |isbn= value: checksum (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)