Pundasyong Katala
Ang Katala Foundation, Inc. (KF) ay isang hindi-pangkalakal, hindi-nangangapital, at hindi-pampamahalaang organisasyon. Subalit isa itong masipag na tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga hayop ng kalikasan, partikular na ang mga lubos na nanganganib na katalang Cacatua haematuropygia, isang katutubong loro ng Pilipinas at iba pang mga natatanging hayop sa Pilipinas. Pinatutupad nito ang Programang Pagpapanitili ng mga Katala ng Pilipinas, na may puntiryang mga sityo sa pulo ng Palawan, kung saan naninirahan ang karamihan sa mga uri ng katala. Itinuturing ng samahang ito ang katala bilang isang pangunahing uri ng katala, subalit gumagamit naman ng pamamaraang ekolohiko at sistematiko, maging ang pagharap na may impluwensiya ng bayanihan. Ang huli ay isang paraan na nabibigyan ng mga mahahalagang katungkulan ang mga mamamayan sa pagsasagawa ng kabuuan ng proyekto. Kabilang sa mga gawain ng PCCP ang pangangalaga sa mga pugad, mga gawaing pangkabuhayan, pangangalaga ng mga likas na tirahang pang-hayop, at ang pagbibigay ng kaalaman kung paano maibabalik at masasagip ang mga katala at iba pang mga hayop.
Katulong ng Pundasyong Katala ang Loro Parque Fundación, ang Zoological Gardens of Chester, ang Conservation des Espèces et des Populations Animales (CEPA), at maging ang Zoologische Gesellschaft für Arten- und Populationsschutz e.V. (ZGAP).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga talaugnayang panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang opisyal na websayt ng Katala Foundation, Inc.
- Loro Parque Fundación
- Zoological Gardens of Chester Naka-arkibo 2007-10-22 sa Wayback Machine.
- Conservation des Espèces et des Populations Animales (CEPA)
- Zoologische Gesellschaft für Arten- und Populationsschutz e.V. (ZGAP) Naka-arkibo 2007-12-03 sa Wayback Machine.