Pumunta sa nilalaman

Ekonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pangkabuhayan)

Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito. Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor. Ang mga paktor na ito ay nagbibigay ng konteksto at nagtatakda ng mga kondisyon at parametro kung saan ang ekonomiya ay gumagana. Ang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya ay maaaring mailarawan bilang pang-espasyong limitadong network na panlipunan kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay malayang nalilikha at naipapalit ayon sa pangangailangan(demand) at suplay sa pagitan ng mga kalahok(mga ahenteng ekonomiko) sa pamamagitan ng barter o isang medium ng pagpapalit na may halagang kredito o debito na tinatanggap sa loob ng network. Ang kapital(puhunan) o trabaho ay maaaring gumalaw ng malaya sa buong mga lugar, industriya at mga negosyo sa paghahanap ng mas mataas na tubo, dibidende, interes, mga kompensasyon at mga benepisyo. Ang renta sa lupa ay naglalaan ng pangkalatang nakapirmeng pinagkukunang ito sa mga magkakatunggaling tagagamit. Ang kontemporaryong kapitalismo ay isang ekonomiyang pamilihan kung saan ang karamihan ng kapasidad ng produksiyon ay pag-aari o dinidirekta ng pribadong sektor. Ang papel ng pamahalaan ay limitado sa pagbibigay ng pagtatangol at panloob na seguridad, paglalapat ng hustisya at mga bilangguan, paggawa ng mga batas at regulasyon, pagpapatupad ng mga kontrata, batas at regulasyon, pagtutuwid ng mga imperpeksiyon sa pamilihan at mga kabiguan, pagsisiguro ng buong trabaho nang walang inplasyon, pagtataguyod ng paglagong ekonomiko at pag-unlad, pagbibigay sa mga mahihirap, bata at matatanda, pagpoprotekta at pagtulong sa mga emerhensiya at mga natural na kalamidad, pagbibigay ng mga basikong oportunidad sa lahat ng mga kasapi ng lipunan, pagpipigil ng mga pang hinaharap na kalamidad at sakuna, at pagpupursigi ng mga pambansang layunin na itinatag ng pangkalahatang lipunan gaya ng proteksiyon ng kapaligiran at mga natural na mapagkukunan. Sa kabilang dako, ang tradisyonal na sosyalismo ay isang nakabatay sa utos na ekonomiya kung saan ang mga pamilihan at ang malayang pagpapalit ng mga kalakal at serbisyo gayundin din ang pagmamanupaktura, produksiyon, kalakalan at distribusyon ay pinapalitan o ginagawa ng isang sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo. Sa ekonomiyang ito, ang lahat ng mga pribadong may ari ng kapital(na tinatawag na kapitalista) at ng lupain(mga may ari ng lupain) ay hindi pinapayagan o pinagbabawalan at ang tanging pinapayagang pribadong pag-aari ay ng mga kalakal ng konsumpsiyon. Ang kapital at lupain ay itinatakda ng estado at ang galaw ng trabaho ay labis na nililimitahan. Walang mga tubo, dibidende, interes o renta. Ang mga kompensasyon sa trabaho at mga benepisyo ay pinagpapasyahan ng mga sentral na nagpaplano. Ang pinakahuli na isang halong ekonomiya ay naglalaman naman ng mga elemento ng parehong kapitalismo at sosyalismo na nangangahulugang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya na may iba ibang digri ng sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo.

Saklaw

Sa kasalukuyan, ang saklaw ng mga larangan ng pag-aaral na sumusuri sa ekonomiya ay umiikot sa panlipunang agham ng ekonomika ngunit maaari ring kinabibilangan ng sosyolohiya(ekonomikong sosyolohiya), kasaysayan(ekonomikong kasaysayan), antropolohiya(ekonomikong antropolihiya at heograpiya( ekonomikong heograpiya). Ang mga praktikal na larangan na nauugnay sa mga gawaing pantao na kinasasangkutan ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at konsumpsiyon, ng mga kalakal at serbisyo bilang kabuuan ang inhinyerya, pangangasiwa, administrasyon ng negosyo, at pinansiya. Ang lahat ng mga propesyon, trabaho, mga ahenteng ekonomiko o mga gawaing ekonomiko ay nag-aambag sa ekonomiya. Ang mga konsumpsiyon, pagtitipid at pamumuhunan ay nagbabagong mga sangkpat sa ekonomiya na tumutukoy sa markoekonomikong ekwilibrium. Mayroon tatlong mga pangunahing sektor ng gawaing ekonomiko: pangunahin, pangalawa, at tersiyaryo. Dahil sa papapalagong kahalagahan ng sektor na pinansiyal sa mga modernong panahon, [1] ang terminong tunay na ekonomiya ay ginagamit ng mga analista[2][3] as well as politicians[4] upang tukuyin ang bahagi ng ekonomiya na nauukol sa aktuwal na paglikha ng mga kalakal at serbisyo,[5] na tila sinasalungat ng ekonomiyang papel o ang panig na pinansiyal ng ekonomiya,[6] na nauukol sa pagbili o pagbebenta sa mga pamilihang pinansiyal. Ang alternatibo at pangmatagalang terminolohiya ay nagtatangi sa mga sukat ng ekonomiya na inihahayag sa mga halagang real(na isinaayos para sa inplasyon gaya ng tunay na GDP, o sa mga halagang nominal(isinaayos para sa inplasyon).[7]

Mga yugtong ekonomiko ng pagkakauna-una

Ang ekonomiya ay maaaring isaalang alang na umunlad sa pamamagitan ng mga sumusunod na yugto o antas ng pagkakauna-una (precedence).

  • Ang sinaunang ekonomiya(ancient economiya) ay pangunahing batay sa substinstensiyang pagsasaka.
  • Ang yugtong himagsikang industriyal ay nagbawas ng papel ng subsistensiyang pagsasaka sa huling tatlong mga siglo. Ang paglagong ekonomiya ay pangunahing naganap sa mga industriyang pagmimina, konstruksiyon at pagmamanupaktura. Ang komersiyo ay naging mas mahalaga sanhi ng pangangailangan para sa napabuting pagpapalit at distribusyon ng prodyus sa buong pamayanan.
  • Sa mga ekonomiya ng yugtong lipunang konsumer, may isang lumalagong bahaging ginagampanan ng serbisyo, pinansiya at teknolohiya na ekonomiyang kaalaman.

Sa mga modernong ekonomiya, ang mga yugtong presedensiyang ito ay medyo ibang inihahayag sa mga digri ng gawain.

  • Ang Pangunahing yugto/digri ng ekonmiya ay sumasangkot sa ekstraksiyon(paghango) at produksiyon ng mga hilaw na materyal gaya ng mais, kahoy at bakal. Ang isang minero ng coal at isang mangingisda ay mga manggagawa sa digring pangunahin.
  • Ang Ikalawang yugto/digri ng ekonomiya ay sumasangkot sa transpormasyon ng hilaw o panggitnang mga materyal sa mga kalakal e.g. pagmamanupaktura ng bakal sa kotse o mga textile sa damit. Ang isang tagapagtayo ng bahay at mananahi ang mga manggagawa sa digring pangalawa. Sa yugtong ito, ang nauugnay na ekonomiyang industriyal ay nahahati rin sa ilang mga sektor na ekonomiko na tinatawag ring mga industriya.
  • Ang Tersiyaryong yugto/digri ng ekonomiya: ay sumasangkot sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga konsumer gaya ng pag-aalaga ng sanggol, pelikula at pagbabangko. Ang isang taga-ingat ng tindahan at akawntant ang mga manggagawa sa digring tersiyaryo.
  • Ang Kwarternaryong digri/yugto ng ekonomiya: ay sumasangkot sa pagsasaliksik at pagpapaulad na kinakailangan upang lumikha ng mga produkto mula sa mga natural na mapagkukunan at sa mga kalaunang produkto nito. Ang isang kompanya ng pagtotroso ay maaaring magsaliksik ng mga paraan upang gumamit ng isang bahaging sinunog na kahoy na maiproseso upang ang hindi napinsalang mga bahagi nito ay magawang sapal para sa papel. Ang edukasyon ay minsang isinasama sa sektor na ito.

Ang ibang mga sektor ng umunlad na pamayanan ay kinabibilangan ng:

  • Ang publikong sektor o sektor na estado(na kinabiblangan ng parlamento, mga korte ng batas at mga sentro ng pamahalaan, iba't ibang mga serbisyong emerhensiya, kalusugan ng publiko, mga tirahan para sa mga mahihirap, mga pasilidad na pangsasakyan, mga daungan, mga hospital, paaralan, aklatan, museo, mga naingatang gusaling historikal, mga parke, mga reserba ng kalikasan, mga ilang unibersidad, pambansang stadium/palaruan, pambansang bulwagan ng sining/konsiyerto o mga teatro at mga sentro.
  • Ang pribadong sektor o pag-aaring pribadong mga negosyo.
  • Ang sektor na panlipunan o sektor na boluntaryo.

Mga sukat ekonomiko

Mayroon mga paraan upang masukat ang gawaing ekonomiko ng isang bansa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng:

GDP

Ang GDP o Gross domestic product ng isang bansa ay isang sukat ng laki ng ekonomiya nito. Ang pinakakonbensiyonal na analisis ekonomiko ng isang bansa ay mabigat na umaasa sa mga indikator nitong ekonomiko gaya ng GDP at GDP kada capita. Bagaman kadalasang magagamit, dapat tandaan na ang GDP ay tanging nagsasama ng gawaing ekonomiko kung saan ang salapi ay ipinapalit.

Ekonomiyang inpormal

Ang ekonomiyang inpormal ay isang gawaing ekonomiko na hindi binubuwisan o minomonitor ng isang pamahalaan na sinasalungat ng isang ekonomiyang pormal. Kaya ang ekonomiyang inpormal ay hindi kasma sa GNP ng pamahalaang ito. Bagaman ang ekonomiyang inpormal ay kadalasang nauugnay sa mga umuunlad na bansa, ang lahat ng mga sistemang ekonomiko ay naglalaman ng ekonomiyang inpormal sa ilang proporsiyon. Ang gawaing ekonomikong inpormal ay isang dinamikong proseso na kinabibilangan ng maraming mga aspeto ng teoriyang ekonomiko at panlipunan kabilang ang pagpapalit, regulasyon at pagpapatupad. Sa kalikasan nito, ito ay kinakailangang mahirap na mapagmasdan, pag-aaralan, ilarawan at sukatin. Walang isang mapagkukunan na handa o autoritatibong naglalarawan ng ekonomiyang inpormal bilang isang unit ng pag-aaral. Ang mga terminong "sa ilalim ng mesa"(under the table) at "wala sa mga aklat"(off the books) ay karaniwang tumutukoy sa ganitong uring ekonomiya. Ang terminong pamilihang itim(black market) ay tumutukoy sa isang spesipikong pangilalim na hanay ng ekonomiyang inpormal. Ang terminong "inpormal na sektor" ay ginagamit sa maraming mga sinaunang pag-aaral at karamihang napalitan sa mas kamakailang mga pag-aaral na gumagamit ng mas bagong termino. Ang mikroekonomika ay nakapokus sa indibidwal na tao sa isang ibinigay na lipunang ekonomiko at ang makroekonomika ay tumitingin sa ekonmiya bilang buo(bayan, siyudad, rehiyon).

Pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa GDP noong 2012

Talaan ng 30 pinakamalaking mga ekonomiya sa nominal na GDP noong 2012 ayon sa International Monetary Fund[8][9] Talaan ng 30 pinakamalaking mga ekonomiya sa GDP(PPP) noong 2012 ayon sa International Monetary Fund[10][11]
Ranggong pandaigdig Ranggong G20 Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigang GDP
  Daigdig 71,896.504 100.00%
1  European Union 17,070.011 23.74%
1 2  United States 15,609.697 21.71%
2 3  China 7,991.738 11.12%
3 4  Japan 5,980.997 8.32%
4 5  Germany 3,478.772 4.84%
5 6  France 2,712.026 3.77%
6 7  United Kingdom 2,452.689 3.41%
7 8  Brazil 2,449.760 3.41%
8 9  Italy 2,066.934 2.87%
9 10  Russia 2,021.896 2.81%
10 11  Canada 1,804.575 2.51%
11 12  India 1,779.279 2.47%
12 13  Australia 1,585.964 2.21%
13 -  Spain 1,397.776 1.94%
14 14  Mexico 1,207.820 1.68%
15 15  South Korea 1,163.532 1.62%
16 16  Indonesia 928.274 1.29%
17 17  Turkey 817.298 1.14%
18 -  Netherlands 802.070 1.12%
19 18  Saudi Arabia 651.652 0.91%
20 -  Switzerland 620.903 0.86%
21 -  Sweden 549.351 0.76%
22 -  Poland 528.460 0.74%
23 -  Norway 501.582 0.70%
24 -  Belgium 496.767 0.69%
25 -  Iran 496.243 0.69%
26 -  Taiwan 480.459 0.67%
27 19  Argentina 472.815 0.66%
28 20  South Africa 419.925 0.58%
29 -  Austria 409.628 0.57%
30 -  United Arab Emirates 386.390 0.54%
Mga natitirang bansa 9,631.232 13.40%
Rank Ranggong G20 Bansa GDP (mga bilyong USD) Bahagi ng pandaigdigang GDP
  Daigdig 82,646.727 100.00%
1  European Union 16,025.363 19.39%
1 2  United States 15,609.697 18.89%
2 3  China 12,387.048 14.99%
3 4  India 4,824.551 5.84%
4 5  Japan 4,588.972 5.55%
5 6  Germany 3,158.090 3.82%
6 7  Russia 2,510.791 3.04%
7 8  Brazil 2,393.954 2.90%
8 9  United Kingdom 2,308.503 2.79%
9 10  France 2,257.015 2.73%
10 11  Italy 1,834.946 2.22%
11 12  Mexico 1,743.474 2.11%
12 13  South Korea 1,629.904 1.97%
13 14  Canada 1,443.108 1.75%
14 -  Spain 1,405.437 1.70%
15 15  Indonesia 1,208.542 1.46%
16 16  Turkey 1,112.265 1.35%
17 -  Iran 1,006.540 1.22%
18 17  Australia 954.296 1.15%
19 -  Taiwan 919.027 1.11%
20 -  Poland 802.145 0.97%
21 18  Argentina 756.226 0.92%
22 19  Saudi Arabia 733.143 0.89%
23 -  Netherlands 709.488 0.86%
24 -  Thailand 643.266 0.78%
25 20  South Africa 577.159 0.70%
26 -  Egypt 533.739 0.65%
27 -  Pakistan 511.664 0.62%
28 -  Colombia 500.576 0.61%
29 -  Malaysia 472.942 0.57%
30 -  Nigeria 448.495 0.54%
Mga natitirang bansa 12,661.724 15.32%

Mga ekonomiyang may pinakamalaking kontribusyon sa pandaidigang paglagong ekonomiko mula 1996 hanggang 2011

Talaan ng 20 pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa inkremental na nominal na GDP mula 1996 hanggang 2011 ayon sa International Monetary Fund[12][13] Talaan ng 20 pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa inkremental na nominal na GDP mula 1996 hanggang 2011 ayon sa International Monetary Fund[10][14]
Ranggo Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigan inkremental na GDP Pan-taunang paglagong GDP
  Daigdig 39,555.368 100.00% 8.7%

 European Union 8,590.950 21.72% 6.1%
1  United States 7,226.341 18.27% 6.1%
2  China 6,132.386 15.50% 47.8%
3  Brazil 1,677.875 4.24% 13.3%
4  Russia 1,493.128 3.77% 25.4%
5  India 1,467.162 3.71% 26.0%
6  United Kingdom 1,260.125 3.19% 6.9%
7  France 1,234.680 3.12% 5.2%
8  Japan 1,212.836 3.07% 1.7%
9  Germany 1,190.811 3.01% 3.3%
10  Canada 1,144.904 2.89% 12.4%
11  Australia 1,079.758 2.73% 16.8%
12  Italy 985.759 2.49% 5.2%
13  Spain 913.829 2.31% 9.8%
14  Mexico 798.152 2.02% 13.7%
15  South Korea 590.846 1.49% 6.9%
16  Indonesia 583.589 1.48% 15.5%
17  Turkey 519.201 1.31% 14.2%
18  Netherlands 440.176 1.11% 7.0%
19  Saudi Arabia 402.551 1.02% 17.0%
20  Poland 375.097 0.95% 16.0%
Mga natitirang bansa 8,826.162 22.31%
Ranggo Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigan inkremental na GDP Pan-taunang paglagong GDP
  Daigdig 44,637.666 100.00% 8.7%
1  China 9,259.491 20.74% 30.0%
2  United States 7,226.341 16.19% 6.1%
 European Union 7,046.287 15.79% 5.4%
3  India 3,294.148 7.38% 18.7%
4  Japan 1,446.900 3.24% 3.3%
5  Russia 1,441.025 3.23% 10.3%
6  Germany 1,241.305 2.78% 4.5%
7  Brazil 1,239.214 2.78% 7.7%
8  United Kingdom 1,018.702 2.28% 5.5%
9  South Korea 950.875 2.13% 10.5%
10  France 946.698 2.12% 5.0%
11  Mexico 851.188 1.91% 7.0%
12  Spain 706.292 1.58% 6.7%
13  Canada 699.905 1.57% 6.8%
14  Indonesia 636.440 1.43% 8.7%
15  Turkey 634.219 1.42% 10.1%
16  Italy 623.271 1.40% 3.4%
17  Iran 573.686 1.29% 10.7%
18  Taiwan 540.237 1.21% 10.4%
19  Australia 499.933 1.12% 8.0%
20  Poland 463.329 1.04% 10.2%
Mga natitirang bansa 10,344.467 23.17%

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. The volume of financial transactions in the 2008 global economy was 73.5 times higher than nominal world GDP, while, in 1990, this ratio amounted to "only" 15.3 ("A General Financial Transaction Tax: A Short Cut of the Pros, the Cons and a Proposal" Naka-arkibo 2012-04-02 sa Wayback Machine., Austrian Institute for Economic Research, 2009)
  2. "Meanwhile, in the Real Economy", Wall Street Journal, July 23, 2009
  3. "Bank Regulation Should Serve Real Economy", Wall Street Journal, October 24, 2011
  4. "Perry and Romney Trade Swipes Over ‘Real Economy'", Wall Street Journal, August 15, 2011
  5. "Real Economy" Naka-arkibo 2018-02-09 sa Wayback Machine. definition in the Financial Times Lexicon
  6. "Real economy" definition in the Economic Glossary
  7. • Deardorff's Glossary of International Economics, search for real.
       • R. O'Donnell (1987). "real and nominal quantities," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 4, pp. 97-98.
  8. "International Monetary Fund, World Economic Outlook Database, April 2012: Nominal GDP list of countries. Data for the year 2011". Imf.org. 1999-12-04. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "2011 Nominal GDP for the world and the European Union". Imf.org. 2006-09-14. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "International Monetary Fund, World Economic Outlook Database, April 2012: GDP (PPP) list of countries. Data for the year 2011". Imf.org. 1999-12-04. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "2011 GDP (PPP) for the world and the European Union". Imf.org. 2006-09-14. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "International Monetary Fund, World Economic Outlook Database, September 2011: Nominal GDP list of countries. Data for the year 2010". Imf.org. 2006-09-14. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Nominal GDP for the world and the European Union". Imf.org. 2006-09-14. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "GDP (PPP) for the world and the European Union". Imf.org. 2006-09-14. Nakuha noong 2011-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)