Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
Buod
May-akdaUsman Awang
BansaMalaysia
(Mga) UriTula
Bersiyon sa Tagalog
NagsalinA.B. Julian

Ang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan ay isang tulang Malay na akda ni Usman Awang. Tungkol ito sa kapayapaan.

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang tema ng tula ay kapayapaan, kaya't ito ang nagbibigay ng bagong pag-asa sa maraming tao sa daigdig.[1]

Teksto[baguhin | baguhin ang batayan]

Narito ang teksto ng tula.

Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,
Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap ay kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na pumapailanlang.

Puting kalapati, libutin itong sandaigdigan
Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala
Sa iyong hninga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan.

Ngunit ikaw na palamara
Tulad ng alabok, humayo ka't mawala
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksyon nitong buhay na mapayapa.

Aral[baguhin | baguhin ang batayan]

"Kapayapaan ay kayamanan sa buhay kung maranasan; sa pagkakaisa at pang-unawa ito'y tunay na makakamtan."

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sipi[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Puting Kalapati,Libutin Itong Sandaigdigan - EL LAMPARA elampara.weebly.com Retrieved July 23, 2019

Mga Pinagkukunan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 54-55, 57-58, 61-62