Quora
Mga wikang mayroon | Arabe Bengali Danes Olandes Ingles Pinlandes Pranses Aleman Guharati Ebreo Hindi Indonesian Italyano Hapones Kannada Malayalam Marathi Noruwego Polako Portuges Espanyol Suweko Tamil Telugu[1] |
---|---|
Kita | $20 milyon(2018)[2] |
URL | quora.com |
Pagrehistro | Opsiyonal/Kailangan, maaaring magtanong at magsulat nang hindi kilala |
Kasalukuyang kalagayan | Aktibo |
Ang Quora ( ko-ra ) ay isang websayt kung saan maaaring magtanong, magsagot, sumabaybay, at mag-edit ang mga tagagamit. Kadalasang naglalaman ito ng mga paksang ukol sa katotohanan o sa anyo ng mga opinyon. Ang may-ari nito, Quora Inc., ay nakabase sa Mountain View, California, Estados Unidos .[3]
Ang kumpanya ay itinatag noong Hunyo 2009, at ang websayt ay isinapubliko noong Hunyo 21, 2010.[4] Ang mga gumagamit ay maaaring makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-edit ng mga katanungan at pagmumungkahi sa mga sagot na naisumite ng iba pang mga gumagamit.[5]
Noong 2020, ang websayt ay binisita ng tinatayang 590 milyong mga magkakaibang indibidwal bawat buwan.[6]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magkasamang empleyado ng Facebook sina Adam D'Angelo at Charlie Cheever na nagtaguyod sa Quora noong Hunyo 2009. Sabi ni Cheever tungkol sa pamimili ng pangalang orihinal, unang ginamit ang "quorum" o pagsasama-samang pampubliko. Isinulat daw nila ang mga ideyang napag-isipan hanggang sa nakakuha sila ng 5 o 6 na mga kandidato. Ang pinakamalapit na sana sa halip na "Quora" ay "Quiver" ngunit ginamit na lang ang naunang "Quora".[7]
Ang plataporma ng Quora ay lumago nang mabilis noon pang 2010.[8] Simula noong Abril 2017, sinabi ng Quora na nagkaroon ng 190 milyong buwanang mga natatanging bisita, mula sa 100 milyong mga tagagamit makalipas lamang ng isang taon.[9]
2010–2013: Maagang paglaki
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2011 ng Hunyo, ibinago ng Quora ang paraang paggamit ng kanilang websayt. Nakalathala sila ng opisyal na app sa iPhone noong ika-29 ng Setyembre, 2011, at isang app pang-Android noong ika-5 ng Setyembre, 2012.
Noong Setyembre ng 2012 inanunsiyo ng Quora na iiwanin ni Charlie Cheever ang kaiyang puwesto sa kompanya, ngunit mananatili siya bilang tagagabay.[10]
Noong Enero ng 2013, inilunsad ng Quora ang blogging platform upang makapaglathala ang mga tagagamit sa kanilang mga profile, kahit na hindi ito pansagot.[11]
Inilunsad ng Quora ang opsyon para sa pambuong paghahanap sa teksto (full-text search) ng mga katanungan at kasagutan sa websayt noong Marso 20, 2013[12] at idinagdag ito sa mga kagamitang mobile noong kahulihan ng Mayo 2013.[13] Inihayag din noong Mayo 2013 na ang kabuuang bilang ng gumagamit nito ay nagdoble kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.[14] Noong Nobyembre 2013, ipinakilala ng Quora ang isang tampok na tinatawag na "Stats" upang payagan ang lahat ng mga gumagamit ng Quora na makita ang buod at detalyadong mga istatistika tungkol sa kung gaano karaming mga tao ang tumungo, bumoto, at nagbahagi ng kanilang mga katanungan at sagot.[15][16] Iniulat ng TechCrunch na, kahit na walang agarang pagpaplano ang Quora para sa pinagkukunan ng kita, naniniwala sila na ang mga search ad ay maaaring makatulong sa kanilang mga mapagkukunan sa kalaunan.[17]
2014–2017: Patuloy na paglaki at mga pagdaragdag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Quora ay umuusbong sa "isang mas organisadong Yahoo Answers, isang klaseng Reddit, isang mapagpalagay na Wikipedia" at naging tanyag sa mga teknikal na pangkat.[18] Noong Abril 2014, nakalikom ang Quora ng $ 80 milyon mula sa Tiger Global sa isang naiulat na halagang $ 900 milyon.[19][20]
Noong Marso 2016, napasakamay ng Quora ang websayt na Parlio.[21]
Noong Abril 2016, sinimulan ng Quora ang isang limitadong paglulunsad ng mga anunsiyong pampatalastas sa websayt.[22] Sa susunod na ilang mga taon, unti-unting nagsimulang magpakita ng higit pang mga ad ang websayt, ngunit pinapanatili pa rin ang mga pagsisikap na limitahan ang bilang ng mga ad at ipakita ang mga ito na nauugnay sa mga tagagamit.[23]
Noong Oktubre 2016, inilunsad ng Quora ang isang bersyon sa Espanyol ng websayt sa publiko;[24] noong unang bahagi ng 2017, isang bersyong beta sa Pranses ang inihayag. [25] Noong Mayo 2017, ipinakilala ang mga beta na bersyon sa Aleman at Italyano. [26] Noong Setyembre 2017, isang beta na bersyon sa Hapones ang inilunsad.[27] Noong Abril 2018, ang mga bersyong beta sa Hindi, Portuges, at Indones ay inilunsad.[28] Noong Setyembre 2018, inihayag ng Quora ang mga karagdagang bersyon sa Bengali, Marathi, Tamil, Telugu, Finlandes, Noruwego, Suweko, at Olandes ay susunod.[29]
Noong Pebrero 9, 2017, inanunsyo ng Quora ang mga pagbabago sa kanilang tampok na "anonymity feature", na naghihiwalay sa mga katanungan at mga pagbabagong patago mula sa mga orihinal na akawnt na kaakibat nito. Dahil dito, ang mga ibang tagagamit ay hindi maaaring makahanap sa mga tunay na akawnt na naglathala sa mga pagbabago o katanungang ginawa.[30]
Noong Abril 2017, sinabi ng Quora na mayroong 190 milyong mga buwanang natatanging mga bisita, mula sa 100 milyon noong nakaraang taon. Sa parehong buwan na iyon, iniulat ng Quora na nakatanggap sila ng pagpopondo na may tinatayang $ 1.8 bilyon.[31]
2018–ngayon: Maunlad na paglago at karagdagang isyu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Setyembre 2018, iniulat ng Quora na tumatanggap ito ng 300 milyong natatanging mga bisita bawat buwan. Sa kabila ng malaking bilang ng mga nakarehistrong gumagamit, ang Quora ay hindi pa rin nagtataglay ng parehong antas ng pangunahing katanyagan tulad ng Twitter, na, sa panahong iyon, ay mayroong humigit-kumulang 326 milyong mga rehistradong tagagamit. Maaaring ito ay dahil sa malaking bilang ng mga nakarehistrong tagagamit sa websayt na hindi gumagamit nang regular at marami ang hindi alam na mayroon silang mga nagawang akawnt. Karamihan sa kanila ay nakalikha ng akawnt ngunit hindi namamalayan sa pamamagitan ng iba pang mga websayt na kaakibat sa Quora o nilikha ang mga ito dati pa nang ilang taon at nakalimutan ito. Gumagamit ang Quora ng iba't ibang paraan upang pilitin ang mga gumagamit na mag-login o magrehistro bago nila makita ang higit pang mga nilalaman.
Noong Disyembre 2018, inihayag ng Quora na humigit-kumulang na 100 milyong mga akawnt ng mga gumagamit ang naapektuhan sa isang paglusob sa datos. Kasama sa mga na-hack na impormasyon ang mga pangalan ng mga gumagamit, mga direksiyon ng e-liham, nakatagong password, datos mula sa mga social network tulad ng Facebook at Twitter kung pinili ng mga tao na i-link ang mga ito sa kanilang mga akawnt sa Quora, mga katanungan na tinanong nila, at mga sagot na isinulat nila. Sinabi ni Adam D'Angelo na karamihan sa mga nilalaman ng Quora ay naisapubliko na ngunit sa paglusob ng mga pribadong datos, ito ay seryosong usapin.
Pagsapit ng Mayo 2019, ang Quora ay nagkakahalaga ng $ 2 bilyon bilang isang kumpanya at tinatapos nito ang kabuuang $ 60 milyon na pamumuhunan, na pinangunahan ng Valor Equity Partners, isang pribadong kumpanya ng equity na may kaugnayan sa Tesla, Inc. at SpaceX. Sa kabila nito, nagpakita pa rin ang websayt ng napakaunting mga ad kumpara sa iba pang mga websayt na kauri nito at nagpupumilit pa rin ang kumpanya na makaipon, na kumita lamang ng $ 20 milyon sa kabuuang kita noong 2018. Maraming mga namumuhunan ang hindi muna umasa sa pagkakataong mamuhunan sa Quora, na nagbanggit sa kadahilanang "hindi maayos na pagtatala ng kumpanya sa aktwal na kita."
Noong Disyembre 2019, inihayag ni Quora na bubuksan nito ang kauna-unahang internasyonal na tanggapan ng Inhenyeriya sa Vancouver, na haharapin ang pag-aaral ng makina at iba pang mga pagpapaandar sa aspeto nito. Sa buwan ding iyon, inilunsad ng Quora ang mga bersyon sa wikang Arabe, Guharati, Ebreo, Kannada, Malayalam, at Telugu.
Noong Hunyo 2020, bilang resulta ng pandemya ng coronavirus, inanunsyo ni Adam D'Angelo na ang Quora ay magiging "remote first", nangangahulugang ang karamihan sa mga empleyado ay hindi kailangang pumunta sa opisina upang magtrabaho.
Talaan ng mga kapanahunan ng Quora
[baguhin | baguhin ang wikitext]Petsa | Uri/Anyo | Mga ulat |
---|---|---|
Hunyo 2009 | Produkto | Itinatag ang Quora |
Marso 2010 | Pamumuhunan | Namuhunan ang Quora ng $11 milyon sa series A, kasama ang Benchmark Capital bilang ang namumuhunan |
Hunyo 2010 | Produkto | Iniulat ng Quora na magiging bukas ito para sa publiko |
Enero 2011 | Kompanya | Tumiwalag si Marc Bodnick mula sa Elevation Partners upang sumali sa Quora |
Pebrero 2011 | Teknolohiya | Pinili ng Quora ang C++ kaysa sa C dahil sa mabilisan at epektibong kakayahan nito |
Hulyo 2011 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang seksyong "Video" sa pahina ng mga Q&A |
Hulyo 2011 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang seksyong "Credits" sa pahina ng mga Q&A |
Setyembre 2011 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang paraang pagboto at pagkakasapi (thread) ng mga komentaryo |
Mayo 2012 | Pamumuhunan | Nakakuha ang Quora ng $50 milyon sa puhunan sa series B, kasama sina Peter Thiel at Adam D'Angelo bilang mga namumuhunan |
Setyembre 2012 | Kompanya | Tumiwalag ang isa sa mga tagapagpatatag na si Charlie Cheever |
Nobyembre 2012 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang programa ng mga nangungunang manununulat (Top Writers Program) |
Enero 2013 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang mga blog |
Marso 2013 | Produkto | Ipinakilala ng Quora ang polisiya tungkol sa mga sagot na larawan lamang |
Abril 2014 | Pamumuhunan | Nakakuha ng Quora ang $80 milyong puhunan sa series C na mayroong halaga na $900 milyon, kasama ang Tiger Global Management at Y Combinator bilang mga namumuhunan |
Enero 2016 | Produkto | Inanunsyo ng Quora ang bounty system (kaparaanan ng gantimpala), na nagbibigay ng kabayaran para sa napiling pinakamahusay na kasagutan (ipinipili ng nagtanong) sa mga piling na katanungan |
Marso 2016 | Produkto | Nakuha ng Quora ang Parlio, isang websayt online na pang-Q&A na sinimulan ni Wael Ghonim |
Abril 2016 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora na magsisimula ito ng mga paunang promosyon (advertisements) sa ilang mga pahina at tanong |
Mayo 2016 | Kompanya | Si Marc Bodnick, isa sa mga pangunahing tauhan at pinuno ng Quora, ay nag-anunsiyo na tumiwalag sa kompanya |
Agosto 2016 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng wikang Espanyol |
Nobyembre 2016 | Kompanya | Ang katiwala ng Wikimedia Foundation na si Kelly Battles ay inanunsiyo bilang panibagong pangunahing opisyal sa pananalapi (chief financial officer; CFO) |
Pebrero 2017 | Produkto | Isinama ng Quora ang Wikidata sa pangangasiwa nito ng mga paksa |
Abril 2017 | Pamumuhunan | Nakakuha ng Quora ang $85 milyong puhunan sa series D na mayroong halaga na $1.8 bilyon, kasama ang Collaborative Fund at Y Combinator bilang mga namumuhunan |
Hulyo 2017 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng wikang Aleman at Italiano |
Setyembre 2017 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng wikang Hapones |
Abril 2018 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang pagsagot sa pamamagitan ng bidyo |
Abril 2018 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang Quora Partner Program |
Hunyo 2018 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng mga wikang Hindi, Indones, at Portuges |
Pebrero 2018 | Produkto | Inanunsyo ng Quora ang pagtatampok ng "Links", na nagpapakita ng mga kawing sa mga artikulo sa iba pang mga websayt sa feed ng mga gumagamit. Una, ang mga kawing ay awtomatikong pinagsunod-sunod ayon sa mga paksa at nailalathala ng software sa mga feed ng mga gumagamit alinsunod sa mga paksang sinusunod, at lumilitaw din sa isang tab na "Links" sa mga pahina ng paksa. Ang tab na "Links" ay natanggal sa paglaon mula sa mga pahina ng mga paksa nang walang anunsyo. |
Mayo 2018 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang "Sharing", isang uri ng muling pag-blog (reblogging) |
Agosto 2018 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora kakayahan ng mga tagagamit na magbahagi ng mga kawingan (links) |
Setyembre 2018 | Tagagamit | Naabot ng Quora ang bilang ng mga buwanang tagagamit sa 300 milyon |
Nobyembre 2018 | Produkto | Itinampok ng Quora ang "Spaces" at sunod na inilipat ang mga kasalukuyang blog sa plataporma na ito |
Disyembre 2018 | Seguridad | Isinawalat ng Quora ang isang panlulusob sa mga datos na nakaapekto sa halos 100 milyong mga tagagamit |
Enero 2019 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng mga wikang Olandes, Danes, Noruwego, Suweko, Marathi, Bengali, at Tamil |
Disyembre 2019 | Kompanya | Inanunsiyo ng Quora ang unang pagbubukas nito ng internasyonal na opisina sa Vancouver |
Disyembre 2019 | Produkto | Inanunsiyo ng Quora ang paggamit ng mga wikang Arabe, Gujarati, Ebreo, Kannada, Malayalam, at Telugu |
2020 | Kompanya | Ilang mga empleyado ng Quora ang pansamantalang itinanggal sa trabaho dahil sa pandemya ng Covid-19[32] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Languages on Quora". Quora.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangSchleifer2019
); $2 - ↑ "Working at Quora, Inc". Glassdoor. Nakuha noong Enero 14, 2021
- ↑ Kincaid, Jason (Hunyo 21, 2010). "Quora's Highly Praised Q&A Service Launches To The Public (And The Real Test Begins)". Techcrunch.com. Nakuha noong Abril 6, 2013.
- ↑ Wortham, Jenna (Marso 12, 2010). "Facebook Helps Social Start-Ups Gain Users". New York Times. Nakuha noong Marso 29, 2010.
- ↑ Schleifer, Theodore (Mayo 16, 2019). "The question-and-answer Quora platform is now worth $2 billion". Vox. Nakuha noong Hulyo 15, 2020.
- ↑ Cheever, Charlie. "Charlie Cheever's answer to How did Adam D'Angelo and Charlie Cheever come up with the name Quora?". Quora. Quora, Inc. Retrieved May 17, 2019.
- ↑ Lewenstein, ed. (Nobyembre 28, 2010). "Quora Signups Explode". Nakuha noong Enero 24, 2011.
- ↑ Constine, Josh. "Q&A app Quora valued around $1.8 billion in $85 million fundraise". TechCrunch. Nakuha noong Disyembre 5, 2018
- ↑ Cutler, Kim-Mai (Setyembre 11, 2012). "Quora Co-Founder Charlie Cheever Steps Back From Day-To-Day Role At The Company". TechCrunch
- ↑ Constine, Josh (Enero 23, 2013). "Quora Launches Blogging Platform With Mobile Text Editor To Give Every Author A Built-In Audience". TechCrunch. Nakuha noong Pebrero 1, 2013.
- ↑ Russell, Jon (Marso 21, 2013). "Quora finally introduces full-text search to boost content discovery". The Next Web. Nakuha noong Nobyembre 14, 2013
- ↑ Constine, Josh (Mayo 29, 2013). "Quora Brings Full-Text Search To Mobile To Unlock FAQ&As For Any Keyword". TechCrunch. Nakuha noong Nobyembre 14,2013
- ↑ Tsotsis, Alexia (Mayo 28, 2013). "Quora Grew More Than 3X Across All Metrics In The Past Year". Nakuha noong Nobyembre 14, 2013
- ↑ Gannes, Liz (Nobyembre 12, 2013). "Quora Gives Its Writers a Stats Dashboard". AllThingsD. Nakuha noong Nobyembre 14, 2013
- ↑ Truong, Alice (Nobyembre 12, 2013).""Quora Stats" Tells You If People Find Your Posts Useful". Fast Company." Nakuha noong Nobyembre 14, 2013
- ↑ Constine, Josh (Nobyembre 13, 2013). "Quora Signals It's Favoring Search Ads For Eventual Monetization, Launches Author Stats Tool". TechCrunch. Nakuha noong Nobyembre 14, 2013
- ↑ Schleifer, Theodore (Mayo 16, 2019). "Yes, Quora still exists, and it's now worth $2 billion: According to some, the financing round for the question-and-answer platform speaks to the high valuation for virtually everything these days in the tech sector". Vox. Nakuha noong Mayo 17, 2019
- ↑ Constine, Josh (Abril 9, 2014). "Quora Wants To Stay Independent, Raises $80M Series C From Tiger Global At ~$900M Valuation". TechCrunch. Nakuha noong Mayo 11, 2014.
- ↑ McBride, Sarah (Abril 9, 2014). "Tiger Global helps Q&A site Quora raise $80 million Naka-arkibo 2015-11-18 sa Wayback Machine.". Reuters. Nakuha noong Mayo 11, 2014.
- ↑ "Quora's first acquisition is Arab Spring instigator's Q&A site Parlio". TechCrunch. Marso 30, 2016. Nakuha noong Marso 31, 2016.
- ↑ Yeung, Ken (Abril 19, 2016). "Quora begins testing ads on 'small number' of question pages". VentureBeat. Nakuha noong Agosto 7, 2016.
- ↑ Schleifer, Theodore (Mayo 16, 2019). "Yes, Quora still exists, and it's now worth $2 billion: According to some, the financing round for the question-and-answer platform speaks to the high valuation for virtually everything these days in the tech sector". Vox. Nakuha noong Mayo 17, 2019.
- ↑ Yeung, Ken. "Quora en español launches out of beta". VentureBeat. Nakuha noong Oktubre 21, 2016.
- ↑ D'Angelo, Adam (Pebrero 27, 2017). "Launching a beta for Quora en français". blog.quora.com.
- ↑ Seshasai, Shreyes (Mayo 11, 2017). "Launching betas for Quora in Italiano & Quora a... - The Quora Blog - Quora". blog.quora.com.
- ↑ Seshasai, Shreyes (Setyembre 25, 2017). "Launching a beta for Japanese - The Quora Blog - Quora". blog.quora.com.
- ↑ Seshasai, Shreyes (Abril 19, 2018). "Announcing Betas for Quora in Hindi, Indonesian... - The Quora Blog - Quora". blog.quora.com. Nakuha noong Setyembre 23, 2018.
- ↑ "Marketing Roles at Quora - Quora". www.quora.com. Nakuha noong Setyembre 23,2018.
- ↑ "Quora product updates: Upcoming changes to anonymity on Quora" ni Riley Patterson noong Pebrero 9, 2017
- ↑ Constine, Josh. "Q&A app Quora valued around $1.8 billion in $85 million fundraise". TechCrunch. Nakuha noong Disyembre 5, 2018
- ↑ https://www.sfchronicle.com/business/article/Quora-to-lay-off-an-undisclosed-number-of-15001785.php?&cf=1