Rafael Dineros Guerrero III
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Rafael "Raffy" Dineros Guerrero III (1944 - ) ay isang Pilipinong imbentor ng vermicomposting at vermimeal. Siya rin ay kinilalang dalubhasa ng mga tilapia na kung saan sinimulan niya ang inobasyong SRT-95 o Sex-Reversed Tilapia, 95% Male Fry. Dahil dito siya ay ginawaran ng Outstanding Scientist Award noong 1986, IBM Award for Science and Technology noong 1987, Lingkod Bayan Award noong 1995, UP Alumni Association Professional Award ni Aquaculture, Asian Productivity Organization Award for Excellence in Productivity Research and Development at Certificate of Achievement as a Finalist in the ASEAN Outstanding Scientist and Technologist Award noong 1995.
7 Agosto 1944, nang isilang kina Rafael Jr. (isang abogado at inhinyero), at Rizalina Guerrero ang batang pinangalanan nilang Rafael III. Nakilala siya sa katawagang "Raffy".
Sa isang pribadong paaralan (St. John Academy) sa San Juan, Rizal siya nagsimula ng pag-aaral, pero sa Bacolod East Elementary School siya nakapagtapos ng elementarya, kung saan naggraduate siya ng may honor. Sa Negros Occidental High School niya naipagpatuloy ang pag-aaral ng high school kung saan naman, nag-graduate siya, fifth honors.
Nakapag-aral siya sa UP dahil scholar ang mga high school graduate na may honor. Ngunit dahil tuition lang ang libre, kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral. Nagdishwasher siya sa kantina para makalibre ng hapunan at sumali sa UP Glee Club bilang tenor, para sa PSG honorarium sa bawat palabas. Nag-Student Assistant din siya sa UP Department of Zoology para sa 75 piso isang buwan na suweldo. Taong 1964, nakagraduate si Raffy sa kursong Bachelor of Science in Zoology.
Nagsimula siyang magtrabaho sa UP bilang Teaching Assistant, sa 150 piso isang buwang suweldo. Nang alukin ng 259 piso isang buwang suweldo at libreng pabahay sa Mindanao Agriculture College sa Bukidnon noong 1965, tinanggap ito at isinama ang kanyang bagong pamilya na binubuo na asawang si Luzviminda E. Alamar at bagong panganak na si Dino.
Taong 1969, mapalad siyang nakakuha ng scholarship para sa Masteral of Science Degree in Applied Zoology, sa UP Los Baños na matagumpay niyang natapos. Sa tulong naman ni Dr. Amado C. Campos, natanggap siya sa Alabama, USA, sa ilallm ng USAID scholarship (United States Agency for International Development). Dito niya pinag-aralan ang mga tilapia.
Unang problema sa industriya ng tilapia ay ang pagsisikip ng mga isda sa palaisdaan. Sa kadahilanang, ang mga lalaking tilapia ang mas mabilis lumaki, at ito ang kailangang maihiwalay. Ngunit dahil mabusisi ang paghahanap sa kung sino ang lalaki at alin ang babae, kailangang makaisip ng ibang paraan. Naisip niyang subukan ang sex reversal na ginamit ni T.K. Yamamoto sa mga Oryzias medaka, isang isdang pang-aquarium. Makalipas ang 2 taong pananaliksik, napagtagumpayan din niyang gawing pure lalaki ang mga semilya ng tilapia sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga ito ng male sex hormone sa panahong wala pa silang tiyak na kasarian. Si Raffy at ang kanyang asawang si Minda ang nagdisenyo ng SRT-95 (Sex-Reversed Tilapia, 95% male fry). Isa itong malaking pag-asa para sa mga may ari ng palaisdaan sa Pilipinas.
Ang tuklas na ito ni Raffy ay lubhang napakalaking tulong sa larangan ng siyensiya, kung kaya't kahit hindi pa siya tapos ng kanyang kurso ay naipresenta na niya ito sa 1973 Taunang Pagpupulong ng American Fisheries Society, sa Disney World, Florida. Nang sumunod na taon, natapos niya ang kanyang Doctoral Degree, Fisheries Management mula sa University of Auburn. Nang taong ding iyon (1974), nagbalik siya sa Pilipinas katulad ng kanyang pangako.
Nagsilbi siyang Associate Professor sa Kolehiyo ng Agrikultura sa CLSU. Doon ipinagpatuloy niya ang pag-aaral, pag-attend sa iba pang mga seminar at nagsulat ng mga artikulo ukol pa rin sa kanyang pananaliksik sa Tilapia. Ang kanyang sinulat na Use of Androgens for the Production of All-Male Tilapia Aurea Steindachel ay nalathala sa prestihiyosong journal na Transactions of the American Fisheries Society. Ito ay kinilalang isang malaking hakbangin sa 25 taong pag-aaral ng ukol sa tilapia sa Food and Agriculture Organization Technical Conference on Aquaculture sa Kyoto, bansang Hapon.
Nauna ang Israel noong taong 1979 na gumamit ng teknolohiyang ito sa kanilang bansa, at sa ngayon ay mahigit na sa 20 bansa ang gumagamit nito.
Nakapagtrabaho rin si Raffy sa Meralco Foundation at sa Asian Development =Bank (ADB) bilang consultant. At isa sa kanilang mga naging proyekto ay ang pagsasaayos ng mga palaisdaan sa Laguna de Bay.
Ginawaran siya ng Lingkod Bayan Award para sa kanyang kontribusyon sa teknolohiya ng Aquaculture sa Pilipinas ni Pangulong Fidel Ramos, 1994.
Abala rin si Raffy sa pag-aaral sa vermicomposting at vermimeal production. Ito ay ang pagko-convert ng mga basura galing sa palaisdaan at bukirin upang maging pataba sa tulong ng mga bulate (earth worms). Nakadiskubre ni Raffy ang paraan upang makagawa ng 2 kilong biomass at 65 kilo ng vermicompose para sa isang metro kuwadrado sa loob ng 2 buwan lamang. Ito ngayon ang ginagamit ng San Jose Agro-Marine Corporation sa Lungsod ng Navotas, at ng Suro-Suro Flower Farm sa Lungsod ng Talisay. Taliwas sa pagkakaalam ng marami na marumi ang bulate, ito ay malinis at sila ay tila maliliit na taga-araro ng lupa. Mainam rin silang pakain sa isda at hindi sila nakakasakit sa tao kumpara sa ibang parasitic na uod. Para kay Raffy, ang mga bulate ay katulong ng kalikasan at panahon na upang tulungan natin silang hilumin ang mundo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Rafael Dineros Guerrero III, Mga Lathalain ni Rafael D. Guerro III, Philippine eLibby, eLib.gov.ph
- Dr. Rafael D. Guerrero III wins International Tilapia Award Naka-arkibo 2008-10-05 sa Wayback Machine., Mr. Tilapia: Dr. Rafael D. Guerrero III, STII.DOST.gov.ph