Rathaus Schöneberg
Ang Rathaus Schöneberg ay ang munisipyo para sa boro ng Tempelhof-Schöneberg sa Berlin. Mula 1949 hanggang 1990 nagsilbi itong luklukan ng senado ng estado ng Kanlurang Berlin at mula 1949 hanggang 1991 bilang upuan ng Namamahalang Alkalde.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang areniskang gusali ay itinayo sa pagitan ng 1911 at 1914, nang palitan nito ang lumang bulwagan ng bayan ng Schöneberg, noong panahong iyon ay isang malayang lungsod (Aleman: Stadtkreis) hindi pa nakapaloob sa Kalakhang Berlin, na nangyari noong 1920. Ang mga awtoridad ng Nazi ay nagkaroon ng serye ng mga mural pandigma ni Franz Eichhorst na idinagdag sa looban noong 1938. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang gusali ay malubhang nasira ng pambobombang Alyado at noong huling Labanan ng Berlin.
Pagkatapos ng muling pag-iisa, bumalik ang Rathaus Schöneberg sa orihinal nitong layunin sa pagiging Munisipyo ng Boro ng Schöneberg. Sa pamamagitan ng pampangasiwaang reporma ng Berlin noong 2001, ang Rathaus Schöneberg ay naging ang munisipyo para sa bagong kasamang boto ng Tempelhof-Schöneberg.