Pumunta sa nilalaman

Rzeczpospolita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Isang tradisyonal na pantukoy sa Polonya ang salitang Rzeczpospolita (pagbigkas: [ʐɛt͡ʂpɔsˈpɔlʲita]). Nagmula ito sa dalawang salita: rzecz (bagay) at pospolita (karaniwan), kaya ang literal na kahulugan ng salita ay "karaniwang bagay". Isa itong kalko ng Latin na res publica, na may magkaparehong kahulugan, at ang batayan ng salitang republika, na ang karaniwang salin ng "Rzeczpospolita" sa modernong Polako. Sa Tagalog, maaari itong ilapat sa salitang komonwelt, na ang pinakamalapit ding salin sa Ingles.

Gayunpaman, ginagamit lamang ang "Rzeczpospolita" sa modernong Polako para tumukoy sa estadong Polako: ang opisyal na pangalan ng Polonya, halimbawa, ay "Rzeczpospolita Polska". Ginagamit ang salitang "republika" para sa ibang mga estadong may pamahalaang republikano.

Unang lumitaw ang salitang "Rzeczpospolita" sa Polonya noong simula ng ika-16 siglo. Una itong nangahulugan bilang estado o ang kalagayan ng pagkakapantay-pantay: isang kilalang paggamit ng salita na umaayon sa kahulugang ito ay ang isang pagbanggit mula kay Jan Zamoyski sa kahalagahan ng edukasyon:

Polako: Takie będą Rzeczypospolite, jakie ich młodzieży chowanie.
Iyan ang magiging mga Komonwelt, ang paglaki ng kanilang kabataan.

— Jan Zamoyski, Batas sa Pagkakatatag ng Akademya ng Zamość; 1600

Ang Tatlong Rzeczpospolita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tumutukoy rin ang salitang "Rzeczpospolita" sa tatlong makasaysayang panahon sa kasaysayan ng Polonya:

Noong 2005, ninais ng partidong konserbatibong Batas at Katarungan (Prawo i Sprawiedliwość, PiS) na magtatag ng tinaguriang "Ikaapat na Rzeczpospolita" (Czwarta Rzeczpospolita). Unang ginamit ang pariralang "Ikaapat na Rzeczpospolita" sa ganitong konteksto noong 1997 ng pilosopong konserbatibo na si Rafał Matyja sa magasing Bagong Sambayanan (Nowe Państwo).

Ibang paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ilan ding mga ekspresyong gumagamit ng salitang Rzeczpospolita sa modernong Polako:

Inangkin din ng mga karatig-wika ng Polako ang salitang Rzeczpospolita bilang isang pantukoy sa Komonwelt ng Polonya at Litwaniya, tulad ng Žečpospolita sa Litwano, Рэч Паспалітая (Rech Paspalitaya) sa Belarusyano, at Річ Посполита (Rich Pospolyta) sa Ukranyano.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Rzeczpospolita sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.