Estasyon ng Santa Mesa
Santa Mesa | ||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||
Lokasyon | Bulebar Ramon Magsaysay at Kalye Teresa Santa Mesa, Maynila | |||||||||||||||||||||||||
Koordinato | 14°36′2.74″N 121°0′37.25″E / 14.6007611°N 121.0103472°E | |||||||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daangbakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog Linyang Guadalupe (dating Linyang Antipolo) (wala na) | |||||||||||||||||||||||||
Plataporma | Platapormang pagilid | |||||||||||||||||||||||||
Riles | 2 | |||||||||||||||||||||||||
Koneksiyon | Maaaring lumipat sa Linya 2 gamit ang bangketa ng Bulebar Ramon Magsaysay patungong estasyong Pureza. | |||||||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | ||||||||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | |||||||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | |||||||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||
Kodigo | SA | |||||||||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||||||||
Nagbukas | Disyembre 22, 1905 | |||||||||||||||||||||||||
Muling itinayo | 1920, 2009 | |||||||||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong daangbakal ng Santa Mesa ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog (South Main Line, "Southrail") ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR). Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, ang estasyon na ito ay nasa lupa (at grade). Matatagpuan ito sa 'di-nakapangalang daan malapit sa may Bulebar Ramon Magsaysay sa Santa Mesa, Maynila, kung saan isa ito sa dalawang estasyon (ang isa pa ay ang Pasay Road) na may sariling daan. Ipinangalan ang estasyon sa distrito kung saan ito matatagpuan.
Ang estasyon ay ang ikaapat na estasyon patimog mula sa Tutuban at ang tanging estasyon ng Southrail na naglilingkod sa Santa Mesa.
Bilang karagdagan sa pagkakaroon nito ng sariling dedikado na access road, ang estasyon ng Santa Mesa ay isa rin sa tatlong mga estasyon (ang iba ay Pasay Road at España) na idinugtong at inangat ang mga orihinal na plataporma upang mapaunlakan ang bagong mga pangmaramihang diesel na yunit ng PNR. Pinanatili ang mga orihinal na plataporma para sa paggamit ng mga tren na komyuter at lalo na para sa mga treng pangkalunsuran, bagaman hindi itinalaga ang Santa Mesa bilang isang estasyon kung saang maaaring huminto ang mga tren na ito. Noon, ang estasyon ay nagsilbi bilang terminal para sa linyang sangay ng Santa Mesa-Guadalupe na tinatawag ding linyang Guadalupe (na dating umabot sa Antipolo at Montalban, Rizal), bagaman ang linya na ito ay matagal nang nilansag.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuksan ang Estasyong Santa Mesa noong Disyembre 22, 1905 bilang isang estasyong unang matatagpuan sa mga linyang Antipolo at Montalban (o linyang sangay na Santa Mesa-Guadalupe).
Mga kalapit na pook-palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ang estasyon sa mga na kilalang lugar tulad ng Pamilihang Bayan ng Santa Mesa, SM City Santa Mesa, ang pangunahing kampus ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), ang Suriang Eulogio "Amang" Rodriguez ng Agham at Teknolohiya (EARIST), ang Sacred Heart of Jesus Catholic School at ang punong himpilan ng Pundasyong Tzu Chi sa Pilipinas.
Mga kawing pantransportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang estasyon ng Santa Mesa ay mapupuntahan sa pamamagitan ng mga dyipni at bus na madalas dumaan sa ruta ng Bulebar Ramon Magsaysay. Ilang cycle rickshaw terminal ay matatagpuan din malapit sa estasyon.
Malapit ang estasyong Pureza ng Linyang Bughaw (MRT-2) sa estasyon ng Santa Mesa.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang (→) | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Estasyong Pureza ng Linya 2, Pampublikong Pamilihan ng Santa Mesa, SM City Sta. Mesa, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Suriang Eulogio "Amang" Rodriguez ng Agham at Teknolohiya, Paaralang Katoliko ng Sacred Heart of Jesus |