Pumunta sa nilalaman

Teresa ng Lisieux

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Santa Teresita)
Santa Teresa ng Lisieux
Si Santa Teresa, sa edad na 15, bago pumasok sa samahang Karmelita
Birhen at Duktor ng Simbahan
Ipinanganak2 Enero 1873(1873-01-02)
Alençon, Pransiya
Namatay30 Setyembre 1897(1897-09-30) (edad 24)
Lisieux, Pransiya
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko Aglipayan Church
Beatipikasyon29 Abril 1923 ni Papa Pio XI
Kanonisasyon17 Mayo 1925 ni Papa Pio XI
Pangunahing dambanaBasilika ni Santa Teresa[1], Lisieux, Pransiya
Dambana ng Diyosesis at Parokya ni Santa Teresa ng Batang Hesus, Lungsod ng Antipolo, Rizal, Pilipinas.
KapistahanOktubre 1
Oktubre 3 Tradisyonal na Katolikong Kalendaryo
KatangianMga bulaklak
PatronMga may karamdamang AIDS; Anchorage, Alaska; Australia; mga abyador; mga karamdaman ng katawan; Cheyenne, Wyoming; Fairbanks, Alaska; Fresno, California; Juneau, Alaska; Pueblo, Colorado; mga nag-aalaga ng bulaklak; Pransiya; karamdaman; Kisumu, Kenya; pagkawala ng mga magulang; misyonero; Rusya; tuberkulosis; Witbank, Timog Aprika, Lungsod ng Pasay, Lungsod ng Antipolo, Pilipinas

Si Santa Teresa ng Lisieux (2 Enero 1873 – 30 Setyembre 1897) (Pranses: Saint Thérèse de Lisieux) o mas nararapat bilang Santa Teresita ng Batang si Hesus at ng Banal na Mukha (Pranses:Sainte Thérèse de l'Enfant-Jésus et de la Sainte Face; Ingles: Saint Thérèse of the Child Jesus and of the Holy Face), ipinanganak bilang Marie-Françoise-Thérèse Martin, ay isang madreng Romano Katoliko ng mga Karmelita na nagdaan sa kanonisasyon ng pagka-santa, at kinikilala bilang isang Duktor ng Simbahan, isa lamang sa tatlong mga kababaihang nakatanggap ng ganitong karangalan. Tinatagurian din siya ng karamihan bilang Ang Munting Bulaklak ni Hesus.[4]

Isinilang si Santa Teresa ng Lisieux sa Alençon, Pransiya, babaeng anak nina Louis Martin, isang magrerelo, at Zélie-Marie Guérin isang taga-tahi ng mga puntas o tiras (lacemaker). Kapwa makapananampalataya ang kaniyang mga magulang. Tinangka ni Louis Martin na maging isang monghe, ngunit tinanggihan sapagkat hindi siya maalam sa wikang Latin. Tinanggihan naman si Zélie-Marie Guérin sa pagkamadre dahil itinuring siyang walang bokasyon; sa halip, hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng maraming mga anak at bayaan silang maging mga tanging-alay para sa Diyos. Nagkita sina Louis at Zélie noong 1858 at nagkaisang-dibdib tatlong buwan lamang pagkaraan. Nagkaroon sila ng siyam na mga anak, lima ang mga kababaihan rito - sina Marie, Pauline, Léonie, Céline at Thérèse — at lahat umaabot sa pagiging taong nasa hustong edad. Si Thérèse - o Teresa - ang kanilang pinakabunso. Namatay siya noong Setyembre 1897, sa gulang na 24.[5]

Sa edad na 15, pumasok sa kumbento ng mga Karmelita si Teresa at naging isang kasaping madre, sa Lisieux, Pransiya. Sa pagtanggap ng relihiyosang pangalang Madre Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha (Ingles: Sister Therese of the Child Jesus and the Holy Face), namuhay siya sa nakakubling buhay ng pagdarasal. Nabiyayaan siya ng marangal na pagkakalapit sa Diyos. Bagaman dumaan sa pagkakaroon ng karamdaman at kadiliman sa buhay, nanatili siyang may pananalig na naka-ugat sa makapangyarihang pagmamahal ng Diyos.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Villes-Sanctuaires.com:Bayang Dambana ng Pransiya. Nakuha noong 1 Oktubre 2006.
  2. Salin ng Ingles na: "For me, prayer is a surge of the heart; it is a simple look turned toward heaven, it is a cry of recognition and of love, embracing both trial and joy.
  3. Vatican.va: Catechism of the Catholic Church, Part Four: Christian Prayer. Nakuha noong 1 Oktubre 2006.
  4. CatholicForum.com: Patron Saints Index: Therese of Lisieux. Naka-arkibo 2009-10-04 sa Wayback Machine. Nakuha noong 1 Oktubre 2006.
  5. 5.0 5.1 Polyetong dalanginan: St. Therese, the Little Flower, St. Therese of the Child Jesus, Society of the Little Flower, Illinois, at The Monastery of Mount Carmel, Society of the Little Flower, Oregon