Pumunta sa nilalaman

Sashimi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sashimi combo na inihain sa isang kahoy na plato, binubuo ng mga piraso ng samu't-saring laman ng isda

Ang sashimi (刺身, Ingles /səˈʃmi/ sə-SHEE-mee, Hapones: [saɕimiꜜ]) ay isang pagkaing Hapones na gawa sa hilaw na isda o karne na hiniwa sa maninipis na piraso at kadalasang kinakain kasama ng toyo.[1]

Sari-saring sashimi: tuna, hibya, at bakoko

Ang salitang sashimi ay nangangahulugang "sinaksak na katawan", i.e. "刺身" = sashimi, kung saan = sashi (sinaksak) at = mi (katawan, karne). Nagmula ang salita na ito sa panahong Muromachi at posibleng inilikha noong naituring na ang salitang "切る" = kiru (hiwa), ang hakbang sa pagluluto, ay hindi kanais-nais na gamitin ng sinuman na hindi samurai. Maaaring nagmula ang salita mula sa kasanayan sa pagluluto na idikit ang buntot at palikpik sa mga hiniwang piraso para madaling malaman kung ano ang isda na kinakain.[kailangan ng sanggunian]

Isa pang posibilidad para sa pangalan ang tradisyonal na pamamaraan sa pag-aani. Hinuhuli ang mga isdang pansashimi gamit ang indibidwal na handline. Kapag nahuli na ang isda, sinasaksak ang utak nito gamit ang pako, at nilalagay ito sa yelo. Tinatawag na ikejime ang prosesong ito. Dahil namamatay agad ang isda, napakakonti lang ang lactic acid sa laman ng isda. Ibig sabihin nito ay mananatiling sariwa ang isda sa yelo sa loob ng halos sampung araw, nang hindi puputi o bubulok.[kailangan ng sanggunian]

Ginagamit ng salitan ang sashimi at sushi ng maraming di-Hapones, ngunit magkakahiwalay at magkakaiba ang dalawang pagkain na ito. Tumukoy ang sushi sa anumang putahe na may kanin na may suka. Habang tradisyonal na sangkap ang hilaw na isda sa sushi, may mga sushi na naglalaman ng nilutong pagkain-dagat, at may mga ibang sushi na wala namang ganito.Sa kabilang banda, palaging inihahain ang sashimi na wala ibang kasama.[2]

Plato na may fugu sashimi (butete na hiniwa nang manipis)
Sashimi bōchō, mga kutsilyo para sa sashimi

Kadalasan, unang kurso ang sashimi sa pormal na kainan-Hapones, ngunit maaari rin itong maging pangunahing kurso, na may kasamang kanin at miso soup sa mga magkakahiwalay na tasa.[alanganin] Kinokonsidera ng mga kusinerong Hapones ang sashimi bilang ang pinakamasarap na ulam sa pormal na kainan-Hapones at inirerekomenda nilang kaninin ito bago maapektuhan ang ngala-ngala ng mga ibang matatapang na lasa.[3]

Ang hiniwang ulam ay madalas na pinapatungan sa palamuti. Ang tipikal na palamuti ay daikon, isang uri ng labanos, na ginugutay na maging mahahaba at maninipis na hibla, o iisang dahon ng yerbang shiso.[3]

Popular na inihahain ang sashimi na may kasamang sawsawan (toyo) at mga pampalasa tulad ng wasabi, ginadgad na sariwang luya,[3] ginadgad na sariwang bawang, o ponzu para sa karne na sashimi, at mga palamuti kagaya ng shiso at ginutay na daikon. Minsan hinahalo ang wasabi sa toyo bilang sawsawan, na hindi ginagawa kapag kumakain ng sushi (na kadalasang may wasabi na sa loob nito mismo). Isang kilalang motibasyon sa paghahain ng wasabi kasama ng sashimi (at gari rin, inatsarang luya[4]), maliban sa lasa, ay pagpapatay ng mga nakapipinsalang baktirya at parasito na maaaring nasa hilaw na pagkaing-dagat.[5]

Para itampok ang pinong lasa at texture, hinihiwa ng kusinero ang isda sa mga iba't ibang kapal ayon sa uri ng isda, ayon sa gulang nito, at ayon sa panahon.[6][7][8] Ang hiwang hira-zukuri (literal na "patag na hiwa"), ay ang karaniwang hiwa para sa karamihan ng sashimi. Itong estilo ng hiwa ay kasinglaki ng domino at may kapal na 10 mm (38 pul). Tuna, salmon, at kingfish ang mga kadalasang hinihiwa nang ganitong istilo. Ang hiwang usu-zukuri (literal na "hiwang manipis"), ay napakanipis, pahilis na hiwa na ginagamit sa paghiwa ng mga matatag na isda, tulad ng katambak, asuhos, at kitang. Kadalasan, ang mga sukat nitong hiwa ay 50 mm (2 pul) sa haba at 2 mm (116 pul) sa lapad. Ang hiwang kaku-zukuri (literal na "hiwang parisukat"), ay ang istilo kung saan hinihiwa ang sashimi sa mga maliliit na kubo na 20 mm (34 pul) sa bawat panig. Ang hiwang ito-zukuri (literal na "hiwang sinulid"), ay istilo kung saan nakahiwa ang isda sa mga pinong piraso, na hindi lalaki sa 2 mm (116 pul) sa diyametro. Kabilang sa mga isdang hinihiwa sa istilong ito-zukuri ang garfish at pusit;[9][10] tinatawag ding ika sōmen ang pusit na inihanda nang ito-zukuri at sinasawsaw sa dashi o men-tsuyu katulad ng sa pagkain ng sōmen noodle.[6]

Kabilang sa mga sikat na sangkap para sa sashimi ang:

Inihahain ang ilang sangkap, kagaya ng pugita, nang nakaluto dahil maligat ang mga ito. Inihahain nang hilaw ang karamihan ng pagkaing-dagat katulad ng tuna, salmon, at pusit. Ang tataki (たたき o 叩き, "binatukan") ay isang uri ng sashimi na pinapaso nang mabilis at bahagya sa labas, para manatiling hilaw sa loob.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "sashimi Meaning in the Cambridge English Dictionary" [Kahulugan ng sashimi sa Cambridge English Dictionary]. dictionary.cambridge.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2018. Nakuha noong 20 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What is the difference between Sushi vs Sashimi" [Ano ang pinagkakaiba ng Sushi at Sashimi]. pogogi.com (sa wikang Ingles). 20 Pebrero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2019. Nakuha noong 17 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Tsuji, Shizuo; Fisher, M.F.K.; Reichi, Ruth (17 Pebrero 2007). Japanese Cooking: A Simple Art [Lutuing Hapones:Isang Simpleng Sining] (sa wikang Ingles) (ika-25th Anniversary (na) edisyon). Kodansha USA. pp. 158–60. ISBN 978-4-7700-3049-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Wasabi". Japan Deluxe Tours. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Sushi Items – Wasabi" [Mga Item ng Sushi – Wasabi] (sa wikang Ingles). The Sushi FAQ. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2011. Nakuha noong 12 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Ōta, Tadamichi (2008). Kentei washoku chōri no hōchō gijutsu: shoshinsha kara ryōrinin made gijutsu ga kanzen ni mi ni tsuku ! [Sertipikadong teknolohiyang panluto ng mga Hapones para sa paggamit ng kutsilyo sa kusina: Mula baguhan hanggang kusinero, ganap na nakukuha ang mga kasanayan!] (sa wikang Hapones). Tōkyō: Asahiya shuppan. ISBN 9784751107690. OCLC 23313847.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ōta, Tadamichi (2013). Shin★sashimi ryori no chori to enshutsu: ninki wo yobu sashimi-zukuri no gijutsu kokai [Bagong sashimi pagluluto at pagtatanghal: Inihayag ang teknikal na kaalaman kung paano maghanda ng mga sikat na sashimi]. Asahiya Shuppan MOOK (sa wikang Hapones). Asahiya Shuppan. ISBN 9784751110256. OCLC 842834700.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ōta, T. (2018). Shinka suru sashimi ryori: miryoku wo takameru sashimi no ryori-zukuri to chori gijutsu [Nagbabagong lutuing sashimi: Mga pamamaraan sa pagluluto at dekorasyon para maging mas kaakit-akit] (sa wikang Hapones). Asahiya Shuppan. ISBN 9784751113127. OCLC 1021860782.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "How to prepare sashimi" [Paano maghanda ng sashimi]. Good Food (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2016. Nakuha noong 12 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Detrick, Mia (1981). Sushi (sa wikang Ingles). ISBN 978-0-87701-238-2. Nakuha noong 12 Abril 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Nigiri vs. Sashimi: What is the difference between Nigiri and Sashimi?" [Nigiri vs. Sashimi: Ano ang pinagkakaiba ng Nigiri at Sashimi?] (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 2020. Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)