Pumunta sa nilalaman

Sayaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sayawan)
Ang pagsasayaw ng balse o waltz.

Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.

Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay; ang mga ito ay may espesyal na gamit, maski sosyal,seremonyal, pampaligsahan,sekswal,pang-militar at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang martial arts,gymnastics, figure skating, synchronized swimming at marami pang ibang uri ng pampalakasan.

Araling pansayaw at mga galaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong kaagahan ng dekada ng 1920, ang araling pangsayaw (pagsasagawa ng sayaw, teoriyang kritikal, analisis ng musika, at kasaysayan) ay sinimulang ituring bilang isang disiplinang pang-akademiya. Sa kasalukuyan, ang mga araling ito ay kasamang bahagi na ng mga programang pangsining at araling pantao ng maraming mga pamantasan. Sa pagsapit ng kahulihan ng ika-20 daantaon, ang pagkilala sa praktikal na kaalaman bilang kapantay ng kaalamang pang-akademiya ay humantong sa paglitaw ng pananaliksik na pangpagsasagawa. Isang malaking nasasakupan ng mga krusong pangsayaw ang makukuha, kabilang na ang mga sumusunod:

Ang mga degring pang-akademiyang makukuha ay magmula BA (Hons) hanggang PhD at iba pang mga fellowship na postdoktoral, na may ilang mga dalubhasa o iskolar na pangsayaw na kinukuha ang kanilang mga pag-aaral bilang mga estudyanteng may maturidad pagkaraan ng isang prupesyunal na karerang pangsayaw.

Sayaw Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.