Pumunta sa nilalaman

Daang Session

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Session Road)

Daang Session
Session Road
Daang Session papuntang timog sa harap ng koreo malapit sa Katedral ng Baguio.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan – Tanggapang Inhinyero ng Distrito ng Lungsod ng Baguio
Haba1.7 km (1.1 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N231 (Kalye Shanum)
 
Dulo sa timog N231 (Daang Loakan)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBaguio
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Session (Ingles: Daang Session) ay isang pangunahing lansangan sa lungsod ng Baguio sa hilagang Luzon, Pilipinas. Ito ay ang pangunahing sentro ng tinatawag na Baguio Central Business District (BCBD).

Nakapangalang Daang Session ang daan dahil tumutungo ito sa dating Baden-Powell Hall, kung saang isinagawa ang Ikalawang Komisyong Pilipino ng mga sesyon nito mula Abril 22 hanggang Hunyo 11, 1904 at opisyal nang sinimulan ang paggamit ng Baguio bilang Summer Capital ng Pilipinas. Binuo ang Komisyon nina Gobernador Heneral Luke E. Wright, pangulo, at mga Komisyoner Henry Clay Ide, Dean Conant Worcester, T. Padre Tavera, Benito Legarda, Jose de Luzuriaga, James Francis Smith at William Cameron Forbes. Isang palatandaan ng ngayo'y Baden-Powell Inn (Bahay-panuluyan ng Baden-Powell), katabi ng mga malalaking terminal ng bus sa Daang Gobernador Pack, ay nakatayo bilang tanging litaw na katibayan ng anumang makasaysayang kabuluhan ng naganap sa Daang Session.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang Daang Session sa sentro ng lungsod. Nahahati ito sa dalawang bahagi:

Ibabang Daang Session (Lower Session Road)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bahaging ito ay dumudugtong pasilangan mula Abenida Magsaysay (tapat ng Plasa o Kilometro 0 at Liwasang Malcolm) at dumadaan sa BCBD hanggang sa mga sangandaan ng Kalye Father Carlu (patungo sa Katedral ng Baguio at Kalye Upper Bonifacio) at Daang Governor Pack. Ito ang lugar na kung saang matatagpuan ang mga negosyo, kabilang diyan ang mga bangko, tindahan, restoran, panaderya, otel, bilihan ng mga pahayagan, tindahan ng mga damit, at istudyo.

Itaas na Daang Session (Upper Session Road)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sangandaan ng Daang Session at Abenida Magsaysay, patungong silangan. Matatanaw sa kaliwa ang Liwasang Malcolm.

Ang bahaging ito ay dumudugtong mula Post Office Loop, Daang Leonard Wood, at paanan ng Burol ng Luneta (kung saang matatagpuan ang SM City Baguio) papunta sa rotonda at dumadaan patungo sa South Drive (patungo sa Baguio Country Club), Daang Loakan (patungo sa Kampo John Hay, Paliparan ng Loakan, Philippine Military Academy, Baguio City Economic Zone, at mga minahan ng Itogon), at Military Cut-Off (patungo sa Daang Kennon)

Bilang ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ilalim ng pagpapatupad ng bagong sistemang pamilang ng ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, bahagi ang kabuuan ng Daang Session ng Pambansang Ruta Blg. 231 (N231) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, na kinabibilangan din ng ilang bahagi ng Kalye Shanum at ng kabuuan ng Daang Loakan (hanggang sa Daang Kennon)[1].

Patok na kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasalukuyan, ang tanging "sesyon" na palaging nagaganap sa lugar ay ang mga jam session at Kikkan (dating kilala bilang Ayuyang), isang paboritong bar ng kapuwang mga Pilipinong tagahanga ng musika at artista sa reggae at katutubong tugtugin. Isang lokal na bandang Pilipino na tinatawag na sessiOnroad ay ibinatay ang kanilang pangalan sa kilalang lansangang ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2017 DPWH Road Data". Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-24. Nakuha noong 23 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Coordinates needed: you can help!