Pumunta sa nilalaman

Terapiyang pampagtatalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sexual coaching)
Mga laruang pampagtatalik na kadalasang ginagamit sa terapiya.

Ang terapiyang pampagtatalik, na nakikilala bilang sex therapy sa Ingles, ay ang paggagamot o paglulunas ng kawalan ng kakayahang pampagtatalik, katulad ng kawalan ng konsumasyon, masyadong maagang pagpapalabas o ehakulasyon , hindi pagtayo ng organong pangtalik, mababang libido, hindi ginugustong mga petisismong seksuwal, adiksiyong seksuwal, mahapding pagtatalik, o isang kawalan ng tiwala sa pakikipagtalik, pagtulong sa mga tao na nanunumbalik na sa normal na kalagayan pagkaraan ng pagsalakay na seksuwal, mga suliraning karaniwang dulot ng pagkabalisa, kapaguran at iba pang mga bagay-bagay na pangkapaligiran at pangpakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Tumutulong ang mga terapistang pampagtatalik o sex therapist sa Ingles sa mga tao na nakakaranas ng mga suliranin na madaig at mapagtagumpayan ang mga ito, na kapag nakamit ito ay maaari silang muling makabalik sa isang masiglang buhay na pampagtatalik. Tinatawag na bagong terapiiyang pampagtatalik o new sex therapy ang isang paraan ng paggamot o paglunas sa mga dipersensiya o suliranin sa pakikipagtalik na nagsasanib ng mga pamamaraang sikodinamiko at pang-ugali.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 564.
  • Kaplan, Helen Singer, The New Sex Therapy: Active Treatment Of Sexual Dysfunctions, New York, Brunner/Mazel, 1974. ISBN 0876300832