Pumunta sa nilalaman

Shawarma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shawarma
Ibang tawagchawarma, shaurma, showarma,[1] mga iba pang baryasyon
UriKarne
LugarImperyong Otomano[2]
Rehiyon o bansaAnatolia, Lebante, Gitnang Silangan[1][3]
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapKarne: tupa, manok, pabo, baka
Sandwits: Karneng panshawarma, pita o pambalot na tinapay, tinadtad o gutay-gutay na gulay, atsara at iba't ibang mga kondimento
Mga katuladDoner kebab, al pastor, gyro

Ang shawarma ( /ʃəˈwɑːrmə/; Arabe: شاورما‎) ay isang ulam sa lutuin sa Gitnang Silangan na binubuo ng karne na hinihiwa nang maninipis, nakasalansan sa hugis-kono, at iniihaw sa patayong tuhugan na dahan-dahang umiikot. Orihinal na gawa sa karneng-tupa, ang shawarma ngayon ay maaaring gawa sa manok, pabo, baka, o bulo.[1][4][5] Ipinuputol ang mga maninipis na hiwa sa asador habang umiikot ito.[6][7] Ang shawarma ay isa sa mga pinakasikat na pagkaing kalye ng mundo, lalo na sa Ehipto at mga bansa ng Lebante, Tangway ng Arabia, at lampas pa.[8]

Ang shawarma ay isina-Arabeng salita ng çevirme [tʃeviɾˈme] 'umiikot' sa wikang Turko, na tumutukoy sa umiikot na tuhugan o rostiserya.[9]

Shawarma sa Lebanon, 1950

Habang may sinaunang kasaysayan ang pag-iihaw ng karne sa mga pahalang na asador, ang pamamaraan ng pag-iihaw sa patayong salansan ng mga hiwa ng karne at pagpuputol nito habang naluluto ito ay unang lumitaw sa Imperyong Otomano ng ika-19 na siglo, na ngayo'y nasa Turkiya, sa anyo ng doner kebab.[1][10][11] Kapwa nanggaling ang gyro ng Gresya at shawarma mula rito.[1][2][12] Humantong naman ang shawarma sa pagbubuo noong unang bahagi ng ika-20 siglo ng kontemporaryong ulam sa Mehiko, tacos al pastor, noong dinala ito ng mga Libanong imigrante.[2][13]

Shawarma sa pita

Ihinahanda ang shawarma mula sa mga maninipis na hiwa ng timpladong karne ng tupa, bulo, baka, manok, o pabo. Ipinapatong-patong ang mga hiwa sa isang tuhugan na 60 cm (20 in) ang taas. Maaaring idagdag ang taba ng tupa para maging mas makatas at masarap ito. Dahan-dahang iniikot ng isang tuhugang de-motor ang salansan ng karne sa harap ng pampainit, na nag-iihaw sa panlabas na suson. Ipinuputol ang mga piraso mula sa umiikot na salansan para ihain, karaniwan gamit ang isang mahaba at matulis na kutsilyo.[1]

Maaaring kabilang sa mga espesya ang komino, kardamono, kanela, luyang-dilaw at paprika, at sa mga ilang lugar, baharat.[3][13] Kadalasang inihahain ang shawarma sa isang sandwits o balot, sa isang manipis na tinapay tulad pita o laffa.[1][14] Sa Gitnang Silangan, karaniwang inihahain ang shawarmang manok kasama ng sarsa ng bawang, fries, at atsara.

Sa Israel, karamihan ng shawarma ay gawa sa ulikbang pabo at kadalasang inihahain kasama ng sarsang tahini dahil lalabag ang paghahain ng sarsa ng yogurt kasama ng karne sa pagbabawal sa sama-samang pagkakain ng gatas at karne ng mga Hudyo.[13] Kadalasan, pinapalamuti ito ng kinubong kamatis, pipino, at sibuyas, inatsarang gulay, humus, sarang tahini o sarang amba.[1] Maaaring mag-alok ang mga ilang restawran ng mga karagdagang topping tulad ng inihaw na sili, talong o pritong patatas.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Marks, Gil (2010). Encyclopedia of Jewish Food [Ensiklopedya ng Pagkaing Hudyo] (sa wikang Ingles). Hoboken, N.J.: Wiley. ISBN 9780544186316. OCLC 849738985 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Prichep, Deena; Estrin, Daniel (2015-05-07). "Thank the Ottoman Empire for the taco al pastor" [Pasalamatan ang Imperyong Otomano para sa taco al pastor]. PRI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 Salloum, Habeeb; Lim, Suan L. (2010). The Arabian Nights Cookbook: From Lamb Kebabs to Baba Ghanouj, Delicious Homestyle Arabian Cooking [Ang Gabing Arabeng Aklat sa Pagluluto: Mula sa Tupang Kebab tungo sa Baba Ghanouj, Masarap na Arabeng Lutong Bahay] (sa wikang Ingles). Tokyo: Tuttle Pub. p. 66. ISBN 9781462905249. OCLC 782879761.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Albala, Ken, pat. (2011). Food Cultures of the World Encyclopedia [Ensiklopedya sa mga Kultura sa Pagkain ng Mundo] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. pp. 197, 225, 250, 260–261, 269. ISBN 9780313376269 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Davidson, Alan (2014). Jaine, Tom (pat.). The Oxford Companion to Food [Ang Kompanyerong Oxford sa Pagkain]. Oxford Companions (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. p. 259. ISBN 9780191040726. OCLC 1119636257 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mattar, Philip (2004). Encyclopedia of the Modern Middle East & North Africa: D-K [Ensiklopedya ng Makabagong Gitnang Silangan & Hilagang Aprika: D-K]. Encyclopedia of the Modern Middle East & North Africa (sa wikang Ingles). Bol. 2 (ika-Hardcover (na) edisyon). Macmillan Library Reference. p. 840. ISBN 9780028657714. OCLC 469317304. Ang shawarma ay isang sikat na espesyalidad ng mga Lebantinong Arabe. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. La Boone, III, John A. (2006). Around the World of Food: Adventures in Culinary History [Palibot sa Daigdig ng Pagkain: Mga Pakikipagsapalaran sa Kasaysayan ng Pagluluto] (sa wikang Ingles) (ika-Paperback (na) edisyon). iUniverse, Inc. p. 115. ISBN 0595389686. OCLC 70144831. Shawarma - Isang Arabeng sandwits katulad ng gyro. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kraig, Bruce; Sen, Colleen Taylor (2013). Street Food Around the World: An Encyclopedia of Food and Culture [Pagkaing Kalye sa Palibot ng Daigdig: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura] (sa wikang Ingles). Santa Barbara, California: ABC-CLIO. pp. 18, 339. ISBN 978-1598849554. OCLC 864676073.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Al Khan, Mohammed N. (Hulyo 31, 2009). "Shawarma: the Arabic fast food" [Shawarma: ang Arabeng fast food]. Gulf News (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Eberhard Seidel-Pielen (Mayo 10, 1996). "Döner-Fieber sogar in Hoyerswerda" [Doner fever kahit sa Hoyerswerda]. ZEIT ONLINE (sa wikang Aleman). Nakuha noong Mayo 6, 2016. Walang mga pahiwatig sa mga nakasulat na resipi ukol sa edad medyang lutuing Arabe man ni sa mga Turkong aklat sa pagluluto mula sa unang bahagi ng ika-19 na siglo. Ayon sa pananaliksik ni Rennan Yaman, isang Turkong dalubhasang kusinero na nakatira sa Berlin, ang doner kebab ay isang kamangha-manghang bagong likha ng lutuing Otomano. (Isinalin ang sipi mula sa Aleman){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Kiple, Kenneth F.; Ornelas, Kriemhild Coneè, mga pat. (2000). The Cambridge World History of Food, Volume 2 [Ang Kasaysayan ng Pagkain sa Daigdig ng Cambridge, Tomo 2] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 1147. ISBN 9780521402156 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. Bursa ang bayan na nagpasimula sa bantog-sa-daigdig na "doner kebab", karneng iniihaw sa isang patayong tuhugan na umiikot. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Kremezi, Aglaia (2010). "What's in the Name of a Dish?". Sa Hosking, Richard (pat.). Food and Language: Proceedings of the Oxford Symposium on Food and Cooking 2009 [Pagkain at Wika: Mga Pangyayari ng Simposyum ng Oxford sa Pagkain at Pagluluto 2009] (sa wikang Ingles). Bol. 28. Totnes: Prospect Books. pp. 203–204. ISBN 9781903018798. OCLC 624419365.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Guttman, Vered (2017-05-01). "How to Make Shawarma Like an Israeli" [Paano Gumawa ng Shawarma Gaya ng Israeli]. Haaretz (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Al-Masri, Mohammad (2016). Colloquial Arabic (Levantine): The Complete Course for Beginners [Arabeng Kolokyal (Lebantino): Ang Kumpletong Kurso para sa Baguhan] (sa wikang Ingles). Routledge.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Laor, Eran (2019-01-10). "Shawarma, the Iconic Israeli Street Food, Is Slowly Making a Comeback in Tel Aviv" [Shawarma, ang Imahaeng Israelitang Pagkaing Kalye, ay Dahan-dahang Nagbabalik-tanghal sa Tel Aviv]. Haaretz (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)