Pumunta sa nilalaman

Sheila Mae Perez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tala ng medalya
Sheila Mae Perez
Sheila Mae Perez
Pambabaeng Pagtalong-sisid
Manlalaro mula sa  Pilipinas
Southeast Asian Games
Ginto 2005 Pilipinas 3-Metre springboard
Ginto 2005 Pilipinas Synchronised 3-Metre Springboard
Ginto 2005 Pilipinas 1-Metre Springboard
Ginto 2007 Nakhon Ratchasima 3-Metre Springboard
Pilak 2007 Nakhon Ratchasima 1-Metre Springboard
Pilak 2009 Vientiane 3-Metre Springboard
Tanso 2011 Indonesia 3-Metre Springboard (Sync)

Si Sheila Mae Perez (ipinanganak noong 1985), ay isang Pilipinang Olimpikong manlalaro ng pagtalong-sisid. Itinuring siya ng Reuters bilang "isa sa mga pinakamagaling na manlalaro ng pagtalong-sisid sa Timog-Silangang Asya."[1]

Lumaki si Perez mula sa mahirap na pamilya sa Lungsod ng Davao.[2] Siya ay naulat na "tumutulong sa kanyang mga naghihirap na magulang na nakaraos sa pamamagitan ng pagtalong-sisid mula sa mga barkong pangkargamento upang kumuhan ng mga retasong bakal." [3]

Siya ay kumatawan ng kanyang bansa sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000 sa Sydney[2], nakatapos sa ika-32 sa mga 56 na lumahok.[1] Siya ay nakwalipika sa maging bahagi ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Atenas, nguni't nabalitaang "hindi kayang makipagpaligsahan."[1] Siya ay kumakatawan muli para sa Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing.[4]

Nanalo si Perez ng dalawang medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2003, at tatlong gintong medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005, sa mga kaganapang 3-metrong tablang paikgasan, sabayang 3-metrong tablang paikgasan, 1-metrong tablang paikgasan[1], na naging kauna-unahang tatluhang-gintong medalista mula sa Pilipinas sa Palaro.[2][5] Nanalo siya ng isang ginto at isang pilak na medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007, hindi nakapagpaligsahan sa kaganapang sabayan sapagka't ang kanyang kawaksi na si Cecile Dominios ay nakapagretiro na.[6]

Noong 2006, isinadula ang kanyang buhay sa isang yugto ng Maalaala Mo Kaya, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.[2]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]