Pumunta sa nilalaman

Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pilipinas sa Palarong Olimpiko

Watawat ng Pilipinas
Kodigong IOC  PHI
NOC Lupong Olimpiko ng Pilipinas
panlabas na kawing
Sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 ng Beijing
Mga mananaligsa 15 sa 8 palakasan
Tagapagdala
ng watawat
Manny Pacquiao
Mga medalya Ginto
0
Pilak
0
Tanso
0
Kabuuan
0
Kasaysayan ng Olimpiko
Palaro sa Tag-init
1924 • 1928 • 1932 • 1936 • 1948 • 1952 • 1956 • 1960 • 1964 • 1968 • 1972 • 1976 • 1980 • 1984 • 1988 • 1992 • 1996 • 2000 • 2004 • 2008
Palaro sa Taglamig
1972 • 1976 • 1980 • 1984 • 1988 • 1992 • 1994 • 1998 • 2002 • 2006

Ang Pilipinas ay nakikipagpaligsahan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008[1] na ginaganap sa Beijing, Republikang Popular ng Tsina mula Agosto 8 hanggang 24 Agosto 2008. Ang mga 15 manlalaro mukla sa Pilipinas ay lumalahok sa Palaro. Ang tagapagdala ng watawat ng delegasyon sa Seremonya ng Pagbubukas ng Palarong Olimpiko 2008 ay ang boksingero na si Manny Paquiao.[2] Siya ang kauna-unahang di-Olimpiyanong Pilipino na naging tagapagdala ng watawat ng Kuponan ng Pilipinas.[3]

Ang Pilipinas ay nakapagpaligsahan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init sa unang pagkakataon sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1924 sa Paris, Pransiya. Ang mananakbong David Nepomuceno, sinamahan ng kanyang tagasanay na si Regino Ylanan, ay ang nag-iisang manlalarong Pilipino sa Olimpikong iyon. Napanalunan ng Pilipinas ng 9 na medalya — 7 tanso at 2 pilak—mula sa unang Olimpikong Atenas 1896. Ang mga pilak na medalya ay iginawad sa boksingerong may magaan na timbang na si Anthony Villanueva sa Tokyo noong 1964 at boksingerong may timbang-lipad na magaan na si Mansueto Velasco, Jr. sa Atlanta noong 1996. Ang mga 7 tansong medalista ay sina: Teofilo Yldefonso (200-m dibdib-kampay sa 1928 Amsterdam at 1932 Los Angeles), boksingerong may timbang bantam na si Jose Villanueva (ama ni Anthony) sa 1932 Los Angeles, mataas na mananalon na si Simeon Toribio na naroon din sa 1932 Los Angeles, Miguel White (400-m mababang luksuhan) sa 1936 Berlin, boksingerong may timbang-lipad na magaan na si Leopoldo Serantes sa 1988 Seoul, at boksingerong may timbang-lipad na magaan na si Roel Velasco sa 1992 Barcelona.[4]

Kung pagbaasihan ang opisyal na talaan, walang nakuhang medalya ang mga Pilipino sa kabuuan ng Palarong Olimpiko. Ngunit nakakuha ng Ginto ang isang Tsinoy sa palarong Wu Tzu na ginanap sa seremonya pagtapos.

Mga palakasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lalaki

Kaganapan Manlalaro Kwalipikasyon Huling laro
Resulta Ranggo Resulta Ranggo
Mahabang talon Henry Dagmil 7.58 34 Hindi nakapasok

Babae

Kaganapan Manlalaro Kwalipikasyon Huling laro
Resulta Ranggo Resulta Ranggo
Mahabang talon Marestella Torres 6.17 34 Hindi nakapasok

Ang Pilipinas ay may kinatawan sa atletika sa pamamagitan ng dalawang manlalaro sa mahabang talon, Henry Dagmil at Marestella Torres. Ang dalawa ay hindi nakwalipika sa palaro sa pamamagitan ng karaniwang landas, nguni't tinanggap bilang mga kard na panlihis na paglahok ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko sa pakiusap ng Kapisanan ng Pambaguhang Atletika ng Pilipinas.[5]

Nakapagtala si Dagmil ng isang matagumpay na talon lamang sa yugto ng pagkakwalipika, nakapagtapos na may resulta ng 7.58 metro, at nakaranggo sa ika-34 sa mga 41 mananaligsa.[6]

Si Torres, na inaasahang pagbutihin sa kanyang pinakamagaling na 6.63 metro, napinsala ang kanyang kaliwang tuhod habang humuhusay sa bilis bago ang kanyang pagsismula sa unang talon.[5] Nakatapos siya sa yugto ng pagkakwalipika na may resulta ng 6.17 metro, at nasa ranggo ng ika-35 sa mga 42 mananaligsa.[7]

Manlalaro Kaganapan Yugto ng 32 Yugto ng 16 Kuwarterpinal Timpalak na laro Huling laro
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Harry Tañamor timbang-Lipad na Magaan natalo kay  Manyo Plange (GHA)
L (3:6)
Hindi nakapasok

Gayumpaman ang boksing ay naging nakaugalian sa pagkakaroon ng medalya ng Pilipinas sa Olimpiko, ang kaisa-isang kinatawan ng bansa para sa boksing sa Olimpikong Beijing ay si Harry Tañamor, na natalo kay Manyo Plange ng Gana sa unang labanan.

Pagbuhat ng mga pabigat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Babae

Manlalaro Kaganapan Katiting Linis & Biwas Kabuuan Ranggo
Resulta Ranggo Resulta Ranggo
Hidilyn Díaz -58 kg 85 11 107 11 192 ika-11

Napili si Hidilyn Diaz bilang isang kalahok na kard na panlihis sa Olimpikong Tag-init ng Kapisanan ng Pagbuhat ng mga Pabigat ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2008.[8] Siya ang kauna-unahang babaeng manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat na makipagpaligsahan para sa Pilipinas sa Olimpiko, at pangalawang manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat sa panlahatan.[9] Nakikipagpaligsahan sa pambabaeng klaseng 58 kg, binuhat ang 85 kg ng 17 taong-gulang na si Diaz sa iglap at 107 kg sa linis at biwis para sa isang 192 kg sa kabuuan, na nakabasag ng Pilipinong tala na ginawa niya sa Palaro sa Timog Silangang Asya 2007.[10] Gayumpaman siya ay pumapangalawa sa huli sa larangan ng mga 12 manlalaro ng pagbuhat ng pabigat, ang kanyang pagsasagawa ay pinuri at itinuturing gumaganda ukol sa kanyang edad. Sabi ni William Ramirez, Tagapangulo ng Komisyon sa Palakasan ng Pilipinas "Narito siya upang matamo ang mahalagang karanasan", at hinulaan na siya ay magiging malakas na hahamon sa paligsahan sa mga susunod na palaro.[11] Siya ay inaayos upang sumailalim sa malawakang pagsasanay bilang kanayng paghahanda sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012 sa Londres.[12]

Lalaki

Kaganapan Mga manlalaro Karera Timpalak na laro Huling laro
Oras Puwesto Oras Puwesto Oras Puwesto
50 m malayang-estilo Daniel Coakley 22.69 Hindi nakapasok
1500 m malayang-estilo Ryan Paolo Arabejo 15:42.27 32 Hindi nakapasok
200 m himbalangay Miguel Molina 2:16.94 ika-27 Hindi nakapasok
200 m paru-paro JB Walsh 1:59:39 ika-29 Hindi nakapasok
200 m pangisahang balabalaki Miguel Molina 2:01.61 Hindi nakapasok

Babae

Kaganapan Mga manlalaro Karera Timpalak na laro Huling laro
Oras Puwesto Oras Puwesto Oras Puwesto
50 m malayang-estilo Christel Simms 26.64 47 Hindi nakapasok
100 m malayang-estilo Christel Simms 56.67 41 Hindi nakapasok

Ang kuponan sa paglalangoy ng Pilipinas ay may pinakamalaking bahagi ng mga manlalaro ng bansa sa Beijing, na may limang malalangoy sa mga pitong kaganapan.

Pagtalong-sisid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lalaki

Manlalaro Mga kaganapan Paunang laro Timpalak na laro Huling laro
Mga punto Ranggo Mga punto Ranggo Mga kabuuang punto Ranggo Mga punto Ranggo Mga kabuuang punto Ranggo
Rexel Ryan Fabriga 10 m Batalan

Babae

Manlalaro Mga kaganapan Paunang laro Timpalak na laro Huling laro
Mga punto Ranggo Mga punto Ranggo Mga kabuuang punto Ranggo Mga punto Ranggo Mga kabuuang punto Ranggo
Sheila Mae Perez 3 m Tablang paikgasan 251.15 23 hindi nakapasok

Lalaki

Manlalaro Kaganapan Yugto ng ranggo Yugto ng 64 Yugto ng 32 Yugto ng 16 Kuwarterpinal Mga timpalak na laro Huling laro
Punto Antas Puntong
Pasalungat
Puntong
Pasalungat
Puntong
Pasalungat
Puntong
Pasalungat
Puntong
Pasalungat
Puntong
Pasalungat
Ranggo
Mark Javier Pangisahan 654 Ika-36  Kuo Cheng Wei (TPE) (29) hindi nakapasok

Ang Pilipinas ay kumatawan sa Panlalaking pangisahang kaganapan sa pamamana ni Mark Javier, na nagkaroon ng kanyang posisyon sa Olimpiko sa pamamagitan ng pagpapanalo ng mga kwalipikadong panlupalop sa pamamana sa Kampoenatong Asyano sa Pamamana 2007.[13] Sa yugto ng pagraranggo siya'y nasa ika-36 sa mga 64 na mananaligsa, pagkatapos natalo siya sa unang labanan laban kay Kuo Cheng Wei ng Tsinong Taipei.[14]

Manlalaro Kaganapan Kwalipikasyon Huling laro
Punto Ranggo Punto Ranggo
Eric Ang Tambang 106 Ika-35 Hindi nakapasok

Ang Pilipinas ay may kinatawan sa tambang na pamamaril sa pamamagitan ng 37 taong-gulang na si Eric Ang, ang pinakamatandang nananaligsang manlalaro ng kuponan.[15] Nabigo nang gitgit si Ang upang makagawa ng pamantayang Olimpiko sa pagkawalipika, subali't nakakapagpaligsahan bilang isang mananaligsang kard na panlihis.[15]

Nakuha ni Ang ng di-kanais-nais na simula sa yugto ng pagkakwalipika, nakabaril ng 19 na lamang sa unang hanay at nakatapos sa unang araw ng mga kwalipikasyon sa ranggo ng ika-30 ng 35.[16] Hindi niya minabuti sa pangalawang araw, at nakatapos ng kaganapan sa huling puwesto.[17]

Lalaki

Manlalaro Kaganapan Yugto ng 16 Kuwarterpinal Timpalak na laro Repechage
Kuwarterpinal
Repechage
Timpalak na laro
Huling laro
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Tshomlee Go -58 kg  Carneli (AUS)
Talo 1-0
Hindi nakapasok

Babae

Manlalaro Kaganapan Yugto ng 16 Kuwarterpinal Timpalak na laro Repechage
Kuwarterpinal
Repechage
Timpalak na laro
Huling laro
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Resultang
Pasalungat
Mary Antoinette Rivero -67 kg  Saric (CRO)
L 4-1
Hindi nakapasok

Ang Pilipinas ay may kinatawan sa pamamagitan ng dalawang manlalaro ng taekwondo, Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero, na kapwa nakapagpaligsahan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Atenas.