Sinegorye
Sinegorye Синегорье | |
---|---|
Mga koordinado: 62°05′N 150°31′E / 62.083°N 150.517°E | |
Bansa | Rusya |
Kasakupang pederal | Magadan Oblast |
Distritong administratibo | Yagodninsky District |
Itinatag | 1971 |
Populasyon (Senso noong 2010)[1] | |
• Kabuuan | 2,821 |
Sona ng oras | UTC+11 ([2]) |
(Mga) kodigong postal[3] | |
OKTMO ID | 44722000066 |
Ang Sinegorye (Ruso: Синего́рье; lit. rehiyon ng mga bughaw na bundok) ay isang lokalidad urbano (isang bayan o urban-type settlement) sa Yagodninsky District ng Magadan Oblast, Rusya, na matatagpuan sa Ilog Kolyma, 8 kilometro (5 milya) mula sa Plantang Hidroelektriko ng Kolyma.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Sinegorye mga 280 km hilagang-kanluran ng Magadan, sa kaliwang pampang ng Kolyma malapit sa tagpuan nito sa Ilog Bakhapcha. Matatagpuan ang bayan sa Yagodninsky District, mga 70 kilometro timog-silangan ng Yagodnoye.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinakabatang pamayanan sa rehiyong Kolyma, itinayo ang Sinegorye noong mula 1971 hanggang 1981 upang tirhan ng mga manggagawa sa pagtatayo ng planta ng kuryente mula sa tubig sa Ilog Kolyma River. Binigyan ito ng katayuang pampamayanang uring-urbano noong 1972. Nakaplanong tirhan ang Sinegorye ng 10,000 katao, ngunit pagkaraan ng pagtatapos ng konstruksiyon sa saplad at proyekto sa planta ng kuryente umalis ang karamihan sa mga nakatira. Nananatiling nakatiwangwang hanggang ngayon ang dalawang-katlo ng mga gusali sa pamayanan.
Karamihang binubuo ang natitirang populasyon ng mga empleyado ng plantang hidroelektriko at kanilang mga pamilya.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1989 | 11,645 | — |
2002 | 4,071 | −65.0% |
2010 | 2,821 | −30.7% |
Senso 2010: [1]; Senso 2002: [4]; Senso 1989: [5] |
Imprastraktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naka-ugnay ang Sinegorye sa daigdig sa labas sa pamamagitan ng isang 30 kilometrong daan papuntang Debin, kung saang nakadugtong ito sa Lansangang Kolyma papuntang Magadan. Dating matatagpuan ang Paliparan ng Sinegorye Airport mga 20 kilometro hilagang-silangan ng pamayanan, na ginamit noong pagitan ng mga taong 1978 at 2000.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)