Pumunta sa nilalaman

Orotukan

Mga koordinado: 62°15′52″N 151°40′13″E / 62.2645°N 151.6703°E / 62.2645; 151.6703
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Orotukan

Оротука́н
Lokasyon ng Orotukan
Map
Orotukan is located in Russia
Orotukan
Orotukan
Lokasyon ng Orotukan
Orotukan is located in Magadan Oblast
Orotukan
Orotukan
Orotukan (Magadan Oblast)
Mga koordinado: 62°15′52″N 151°40′13″E / 62.2645°N 151.6703°E / 62.2645; 151.6703
BansaRusya
Kasakupang pederalMagadan Oblast
Distritong administratiboYagodninsky District
Itinatag1930Baguhin ito sa Wikidata
Populasyon
 (Senso noong 2010)[1]
 • Kabuuan1,531
Sona ng orasUTC+11 ([2])
(Mga) kodigong postal[3]
686210Baguhin ito sa Wikidata
OKTMO ID44722000071

Ang Orotukan (Ruso: Оротука́н) ay isang lokalidad urbano (iaang pamayanang uring-urbano o bayan) sa Yagodninsky District ng Magadan Oblast, Rusya, na matatagpuan sa rehiyong Kolyma mga 300 kilometro (190 milya) sa hilaga ng Magadan, sa kanang pampang ng Ilog Orotukan (isang sangay ng Ilog Kolyma).

Hango sa ilog ang pangalan nito, na mula sa salitang Yakut na Ortokon na nangangahulugang "maliit na sunog na parang o lugar ng kagubatan".

Noong 1931, nang nakatuklas ng mga reserba ng ginto ang mga heólogo sa mga lambak ng rehiyong Kolyma, nagtayo sila ng isang kampo sa ilog malapit sa kasalukuyang kinaroroonan ng Orotukan. Pagkaraan nito sinimulan ang pagtatayo ng Lansangang Kolyma.

Itinatag ang pamayanan noong kalagitnaan ng dekada-1930. Matatagpuan dito mula 1935, isang kampo sa seksiyong panrehiyon ng sistemang gulag na pinamamahala ng Dalstroy.[4] Noong dekada-1940, itinatag ang isang establisimiyento ng gawaing pagkukumpuni at pabrika para sa mga kagamitang pagmimina. Ginawaran ang Orotukan ng katayuang pampamayanang uring-urbano noong 1953.

Historical population
TaonPop.±%
1989 5,638—    
2002 2,760−51.0%
2010 1,531−44.5%
Senso 2010: [1]; Senso 2002: [5]; Senso 1989: [6]

Noong panahong Sobyet, isang sentro ng pagmimina at paggagalugad ng ginto ang Orotukan.[7]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang pamayanan sa M56 Lansangang Kolyma, na dumadaan mula Magadan hanggang Susuman sa hilaga-kanlurang bahagi ng Magadan Oblast at patungong Yakutsk, ngunit madadaanan lamang nang lubos ang lansangan sa taglamig kung kailang nagyeyelo ang mga ilog sa kahabaan ng ruta. Ang distansiya ng daan sa pagitan ng Orotukan at Magadan ay mga 400 kilometro (250 milya), at halos 1,500 kilometro (930 milya) patungong Yakutsk.

Ang Orotukan ay may malubhang klimang subartiko (Dfc).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  4. Town history Naka-arkibo 2006-02-09 sa Wayback Machine. (sa Ruso)
  5. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Great Soviet Encyclopedia. Entry on Orotukan[patay na link] (sa Ruso)