Pook na Schengen
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Pook na Schengen ay isang pangkat ng dalawampu't limang mga bansang Europeong nagtanggal ng lahat ng mga kontrol o pagtaban sa kanilang mga border o hangganan sa pagitan ng bawat isa. Nagmula ito sa maka-eponimang kasunduang Schengen na nilagdaan sa maka-Luksemburgong bayan ng Schengen noong 1985, na napasama na sa Unyong Europeo. Lahat ng mga kasapi sa EU, maliban sa Republika ng Irlanda at Nagkakaisang Kaharian ay kailangan magpatupad ng Schengen. Nagsagawa na nito ang lahat ng kasaping nakikiisa maliban sa Bulgarya, Tsipre, at Rumanya. Tatlong hindi kasaping mga estado – ang Iceland, Noruwega, at Suwisa – ang nagsakatuparan na rin nito. Bilang ganito, kasulukuyang nasasakupan ng lugar ang populasyon ng mahigit sa 400 milyong mga tao at ang pook o areang 4,312,099 mga kilometro kuwadrado (1.664911×106 milya kuwadrado).
Kinasasangkutan ang pagpapatupad ng mga patakarang Schengen ng pagaalis ng mga pagtaban sa mga hangganan sa piling ng iba pang mga kasapi sa Schengen hapang sabayang pinalalakas ang mga kontrol na pangborder ng ibang hindi kasaping mga estado. Kabilang sa mga panuntunan ang pagbibigay ng karaniwang patakaran sa pansamantalang pagpasok ng mga tao (kasama ang mga bisang Schengen), ang harmonisasyon ng panlabas na kontrol na pangborder, pulisyang pangtawid-hangganan, at pakikiisa o kooperasyong panhukuman.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.