Sophie Dahl

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Sophie Dahl
Kapanganakan15 Setyembre 1977
PagkamamamayanUnited Kingdom
Hanapbuhaymay-akda, modelo, manunulat
Mga magulang

Si Sophie Dahl (ipinanganak bilang Sophie Holloway; 15 Setyembre 1977) ay isang Ingles na may-akda at dating fashion model. Bilang isang manunulat, natapos niya ang kanyang unang novella noong 2003 na pinamagatang The Man with the Dancing Eyes at sinundan ito ng Playing With the Grown-ups noong 2008. Noong 2010 sinulat niya ang Miss Dahl's Voluptuous Delights, isang aklat sa pagluluto na nagtatampok ng mga recipe na kanyang ginawa muli sa isang anim-na-bahaging serye sa BBC 2 na The Delicious Miss Dahl.

Ipinanganak si Dahl sa London. Naganap ang kanyang pasinaya sa catwalk sa London Fashion Week sa taglagas ng 1997. Sa taong iyon, na-discover siya ni Isabella Blow, na noon ay isang estilista para sa Vogue magazine. Ipinakilala siya ni Blow sa tagapamahala ng Storm Model Agency sa London na nagpapirma sa kanya sa ilang modelling campaigns, kabilang ang para sa Versace, Alexander McQueen, Patrick Cox, DKNY, Boucheron at Pringle.

Si Dahl ay anak nina Julian Holloway na isang aktor at Tessa Dahl na isang manunulat. Ang kanyang lolo sa ina ay si Roald Dahl na isang may-akda at ang kanyang lola sa ina ay ang Amerikanang aktres na si Patricia Neal. Ang kanyang lolo sa ama ay ang aktor na si Stanley Holloway at kanyang lola sa ina ay ang dating ang dating chorus dancer na si Violet Lane. Si Dahl ang naging inspirasyon kay Sophie, ang pangunahing karakter sa aklat na The BFG na sinulat ng kanyang lolo sa ina. Siya ay ikinasal sa mang-aawit na si Jamie Cullum.

Pagsulat[baguhin | baguhin ang batayan]

Karamihan sa mga sinulat ni Dahl ay para sa Vogue, at noong Nobyembre 2012, nanalo siya ng isang Jasmine award para sa kanyang column tungkol sa pabango (scent).[1] Noong 2003, natapos ni Dahl ang kanyang unang libro, The Man with the Dancing Eyes, na inilimbag ng Bloomsbury Publishing.[2] Pagkatapos nito nagsimula na siyang magsulat nang regular sa iba pang babasahin tulad ng American Vogue, The Guardian, The Telegraph, The Observer at ang Saturday Times.[3]

Mula 2005 si Dahl ay isang contributing editor at regular na columnist sa Men's Vogue, bago ito nagsara noong 2008. Si Dahl ang may-akda ng tatlong pang libro: Playing with the Grown-Ups (2008)[4] at dalawang cook book, Miss Dahl's Voluptuous Delights (2009)[5] at From Season To Season (2011).[6] Siya ay isang kontribyutor sa antolohiyang Truth or Dare na inedit ni Justine Picardie, na nagtatambok rin sa mga gawa nina Zoë Heller at William Fiennes.[7] Si Dahl ay nasulat ng pagpapakilala sa bagong edisyong Puffin Classic ng The Secret Garden ni Frances Hodgson Burnett,[8] ang Virago Press re-issue ng nobela ni Stella Gibbons noong 1938 na Nightingale Wood na inilabas noong Abril 2009, at "Don't Tell Alfred" ni Nancy Mitford na ni-reissue ng Penguin noong Marso 2010.[9]

Sa panahon ng Marso at Abril 2010, si Dahl ang nagsulat at host ng isang anim-na-bahaging serye sa pagluluto na pinamagatang The Delicious Miss Dahl, na ipinalabas sa BBC 2. Ang sumunod na taon, lumabas naman siya sa isang dokumentaryo tungkol sa isang Victorian cook, Isabella Beeton, na ipinalabas sa BBC2.[10]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Vogue Celebrated at Jasmine Awards", Vogue magazine, 7 March 2013, accessed 26 November 2013.
  2. "They met at a fancy-dress party.
  3. "Sophie Dahl", Harper Collins website, accessed 26 November 2013.
  4. "Review: Playing with the Grown ups, by Sophie Dahl by Katy Guest, 16 November 2007, accessed 26 November 2013.
  5. "Miss Dahl's Voluptuous Delights", Harper Collins publishing (website), accessed 26 November 2013.
  6. "From Season to Season", Harper Collins Publishing (website), accessed 26 November 2013.
  7. "Truth or Dare: The First Boy I Loved", pp. 105–117.
  8. "The secret garden / Frances Hodgson Burnett; introduced by Sophie Dahl; illustrations by Robin Lawrie Burnett, Frances Hodgson, 1849-1924", National Library of Australia, accessed 24 November 2013.
  9. "What a tonic: the wit who refused to be waspish", The Telegraph (online edition), 12 March 2010, accessed 24 November 2013.
  10. "Two Programmes - The Marvellous Mrs Beeton, with Sophie Dahl". BBC. 29 September 2011. Hinango noong 25 October 2011.