Pumunta sa nilalaman

Stenochlaena palustris

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Stenochlaena palustris
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Dibisyon: Polypodiophyta
Hati: Polypodiopsida
Orden: Polypodiales
Suborden: Aspleniineae
Pamilya: Blechnaceae
Sari: Stenochlaena
Espesye:
S. palustris
Pangalang binomial
Stenochlaena palustris
(Burm. f.) Bedd.

Ang Stenochlaena palustris, (Biyetnames: choại) karaniwang tinatawag bilang diliman[1] o hagnaya,[2] ay isang halamang gamot na isang espesye ng pako na nakakain. Sa medisinang pambayan ng Indya at Malaysiya, ginagamit ang dahon ng pakong ito bilang lunas sa lagnat, sakit sa balat, ulser, at sakit ng tiyan.[3][4]

Isang mahabang gumagapang na pako ang halamang ito na may itim na kaliskis at tangkay na maaring umabot sa hanggang 20 m. Nakaayos sa dalawang gilid ang dahon nito na nasa 30–100 cm ang haba, at mga tangkay na nasa 7–20 cm ang haba, at may ovate lanceolate pinnae na nasa 10–15 cm ang haba at 1.5–4.5 cm ang lapad. Mahaba at makitid ang sporophylls nito at mala-kayumanggi ang kulay ng sorus nito sa ilalim.[5]

Natagpuan ang pinaghiwalay na mga acylated flavonol glycoside mula sa pako na ito na mayroong aktibidad sa kontra bakterya.[6] Ang hinandang krudo o bahagyang purong katas mula sa pako ay nakitaan ng mayroong aktibidad pangontra-fungus,[7] antioksidante,[8] at antiglucosidase.[9]

Ipinangalan sa halamang ito ang distrito ng Diliman sa Lungsod Quezon.[10] Latin para sa "ng latian" ang palayaw o epithet na palustris, at ipinapahiwatig ang karaniwang tirahan.[11]

Isang plato ng prinitong "Midin" na may luya sa Sarawak.

Sa estado ng Sarawak sa Malaysiya, tinatawag ang halaman bilang "Midin". Isang tanyag na pagkain ang halaman sa mga tagarito. Kadalasang inihahain ang mga batang dahon na prinito na nilagyan ng bawang, tuyong hipon, o bagoong na hipon (belacan).[12][13] Sa Sabah, tinatawag itong "Lembiding". Niluluto din ito kadalasan na may sardinas o belacan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bulletin (sa wikang Ingles). Bureau of Public Printing. 1916. p. 16.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aya, Rose Anne M.; Abeleda, Meliza F. (2018-05-07). "Pag-aaral ng 'supply chain' ng pang-komersyal na baging mula sa gubat, isasagawa". www.pcaarrd.dost.gov.ph. Department of Science and Technology - Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-11. Nakuha noong 2022-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Compendium of medicinal plants used in Malaysia. 2002, vol 2. Herbal Medicine Research Centre, Institute for Medical Research, Kuala Lumpur, Malaysia. (sa Ingles)
  4. Benjamin, A. and V.S. Manickam. 2007. Medicinal pteridophytes from the Western Ghats. Indian Journal of Traditional Knowledge. 6: 611-618. (sa Ingles)
  5. Tanaka, Yoshitaka; Van Ke, Nguyen (2007). Edible Wild Plants of Vietnam: The Bountiful Garden (sa wikang Ingles). Thailand: Orchid Press. p. 58. ISBN 978-9745240896.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Liu, H., J. Orjala, O. Sticher, and T. Rali. 1999. Acylated flavonol glycosides from leaves of Stenochlaena palustris. Journal of Natural Products. 62: 70-75. (sa Ingles)
  7. Sumathy, V., S. Jothy Lachumy, Z. Zuraini, and S. Sasidharan. 2010. Effects of Stenochlaena palustris leaf extract on growth and morphogenesis of food borne pathogen, Aspergillus niger. Malaysian Journal of Nutrition. 16: 439-446. (sa Ingles)
  8. Chai TT, Panirchellvum E, Ong HC, Wong FC (2012) Phenolic contents and antioxidant properties of Stenochlaena palustris, an edible medicinal fern. Botanical Studies 53: 439-446. (sa Ingles)
  9. Chai TT, Kwek MT, Ong HC, Wong FC (2015) Water fraction of edible medicinal fern Stenochlaena palustris is a potent α-glucosidase inhibitor with concurrent antioxidant activity. Food Chemistry 186: 26-31. (sa Ingles)
  10. http://www.upd.edu.ph/~updinfo/UPDate%20Magazine/magazine/UPDate%20magazine%20no2.html
  11. Archibald William Smith A Gardener's Handbook of Plant Names: Their Meanings and Origins, p. 258, sa Google Books
  12. Churchill, Edward (6 Abril 2018). "Enjoy your midin without fear — Professor" (sa wikang Ingles). The Borneo Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2018. Nakuha noong 29 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Paul P.K., Chai (Abril 2016). "Midin (Stenochlaena palustris), the popular wild vegetable of Sarawak" (PDF). Agriculture Science Journal (sa wikang Ingles). Universiti Tunku Abdul Rahman. 2 (2): 18–20. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-05-29. Nakuha noong 29 Mayo 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)