Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Mk32/Sandbox/Gabinete

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 19 na kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas atbp.

Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Commission on Appointments, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.

Gabinete at mga opisyal na may antas-Gabinete

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga natakala sa ibaba ay ang mga bumubuo sa gabinete ng Pangulong Benigno S. Aquino III, at sila rin ang namumuno sa mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas.

Ang lahat ng mga kagawaran ay nakatala sa paggamit ng kanilang pangalang Filipino sa itaas at ng kanilang pangalang Ingles sa ibaba.

Kagawaran Daglat Tanggapan Kalihim Naninilbihan mula
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Department of Science and Technology
DOST Kalihim ng Agham at Teknolohiya Dr. Mario Montejo Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education
DepEd Kalihim ng Edukasyon Armin A. Luistro Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Enerhiya
Department of Energy
DOE Kalihim ng Enerhiya Jose Rene Almendras Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Department of the Interior and Local Government
DILG Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal Jesse Robredo Hulyo 9, 2010
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
Department of Social Welfare and Development
DSWD Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad Corazon Juliano Soliman Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
Department of Trade and Industry
DTI Kalihim ng Kalakalan at Industriya Gregory Domingo Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Kalusugan
Department of Health
DOH Kalihim ng Kalusugan Dr. Enrique Ona Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan
Department of Environment and Natural Resources
DENR Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman Ramon Paje Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Katarungan
Department of Justice
DOJ Kalihim ng Katarungan Leila L. de Lima Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Department of Public Works and Highways
DPWH Kalihim ng Pagawaing Bayan at Lansangan Rogelio Singson Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
Department of Budget and Management
DBM Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala Florencio Abad Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Department of Labor and Employment
DOLE Kalihim ng Paggawa at Empleyo Rosalindo Baldoz Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Pagsasaka
Department of Agriculture
DA Kalihim ng Pagsasaka Proceso V. Alcala Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Pananalapi
Department of Finance
DOF Kalihim ng Pananalapi Cesar V. Purisima Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Department of Agrarian Reform
DAR Kalihim ng Repormang Pansakahan Virgilio R. De Los Reyes Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
Department of National Defense
DND Kalihim ng Tanggulang Pambansa Voltaire Gasmin Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Department of Transportation and Communications
DOTC Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon Jose Ping de Jesus Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Turismo
Department of Tourism
DOT Kalihim ng Turismo Alberto Lim Hunyo 30, 2010
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Department of Foreign Affairs
DFA Kalihim ng Ugnayang Panlabas Alberto G. Romulo Agosto 23, 2004

Mga tanggapang pampangasiwaan na may antas-Gabinete

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May iilang mga posisyon sa ilalim ng tagapagpaganap na may antas-Gabinete, ngunit hindi sila mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap, na nangangahulugang maaari silang dumalaw sa mga pagtitipon ng Gabinete para sa mga natatanging dahilan. Ito ay ang mga sumusunod:

Kagawaran Daglat Tanggapan Namamahala Naninilbihan mula
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon
Commission on Higher Education
CHED Tagapangasiwa ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon Patricia Licuanan Hunyo 30, 2010
Komisyon sa Teknolohiyang Pangimpormasyon at Pangkomunikasyon
Commission on Information and Communications Technology
CICT Tagapangasiwa ng Komisyon sa Teknolohiyang Pangkabatiran at Pangkomunikasyon Ivan John Uy Hunyo 30, 2010
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad
National Economic and Development Authority
NEDA Direktor-Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad Cayetano Paderanga, Jr. Hunyo 30, 2010
Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala
Presidential Management Staff
PMS Pinuno ng Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala Julia Abad Hunyo 30, 2010
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Metropolitan Manila Development Authority
MMDA Tagapangasiwa ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila Francis Tolentino Hunyo 30, 2010
Sanggunian sa Pambansang Seguridad
National Security Council
NSC Tagapayo sa Pambansang Seguridad Cesar Garcia Hulyo 9, 2010
Sanggunian sa Pamamahay at Pambayang Pagpapaunlad
Housing and Urban Development Coordinating Council
HUDCC Tagapangasiwa ng Sanggunian sa Pamamahay at Pambayang Pagpapaunlad Jejomar Binay Hulyo 20, 2010
Tanggapan sa Pampanguluhang Operasyon sa Komunikasyon
Presidential Communications Operations Office
PCOO Kalihim ng Pangulo sa Pagpapaunlad Komunikasyon at Pamamaraan Ramon "Ricky" Carandang Hulyo 30, 2010
Kalihim ng Tanggapan sa Pampanguluhang Operasyon sa Komunikasyon Herminio "Sonny" Coloma Hulyo 30, 2010
Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda Hunyo 30, 2010
Tanggapan ng Kalihim ng Tagapagpaganap
Office of the Executive Secretary
OES Kalihim ng Tagapagpaganap Paquito "Jojo" Ochoa, Jr. Hunyo 30, 2010
Tanggapan ng Pangalawang Pangulo
Office of the Vice-President
OVP Pangalawang Pangulo Jejomar Binay Hunyo 30, 2010

Mga kaugnayang palabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]