Talaang Ginto
Talaang Ginto | |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Unang gantimpala | 1963 |
Ang Talaang Ginto [1], na kilala rin sa tawag na Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula Gantimpalang Tamayo ay isang taunang gantimpala na pampanitikan para sa kategorya ng panulaang Pilipino . Layunin nitong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at mga bagong manunulat sa bansa. Ang Talaang Ginto ay marahil ang pinakamatagal na patimpalak para sa panitikan na pinamamahalaan ng estado, na sinimulan noong 1963 ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang Surian ay sunod na pinalitan ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1991.[2] Ang Komisyon ang namamahala sa paligsahan sa kasalukuyan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa loob ng 25 taon, mula 1984, ang paligsahan ay sinuportahan ng Jorge Collantes Foundation, na nagbigay sa gantimpala ng isa pang pangalan nito, ang Gantimpalang Collantes.[3] Noong 2009, pumalit ang Tamayo Foundation at pinalitan ang pangalan ng Gantimpalang Tamayo.
Ang Talaang Ginto ay nagbibigay taun-taon ng anim na parangal para sa kategorya ng panulaan sa wikang Filipino; tatlong pangunahing gantimpala at tatlong marangal na pagbanggit. Ang tatanggap ng unang gantimpala ay awtomatikong itinatanghal bilang "Makata ng Taon", at naghahatid siya ng tugon o maikling pananalita sa seremonya ng paggawad.
Ang Talaang Ginto ay ginaganap tuwing 2 Abril, bilang pagdiriwang sa kapanganakan ng pinakatanyag na makata ng Pilipinas na si Francisco Balagtas .
Mga Tinaguriang "Makata ng Taon"
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga lumahok ay maaaring manalo muli ng higit pa sa isang gantimpala sa magkaibang taon. Noong 1972, walang idinekalarang Makata ng Taon habang noong 1970 ay hindi ginanap ang patimpalak.[4][5]
Taon | Manunulat |
---|---|
2020 | Karl Ivan Dan V. Orit |
2019 | Michael Jude C. Tumamac |
2018 | Christian Jil R. Benitez |
2017 | Aldrin P. Pentero |
2016 | Mark Anthony S. Angeles |
2015 | Christian Ray P. Pilares |
2014 | Ezzard R. Gilbang |
2013 | Joselito Delos Reyes |
2012 | Alvin C. Ursua |
2011 | Louie Jon Agustin Sanchez |
2010 | David Michael M. San Juan |
2009 | Louie Jon Agustin Sanchez |
2008 | Reuel Molina Aguila |
2007 | Genaro Gojo Cruz |
2006 | Louie Jon Agustin Sanchez |
2005 | Jerry B. Gracio |
2004 | Genaro Gojo Cruz |
2003 | Nestor A. Barco |
2002 | Carlos Guevarra Payongayong |
2001 | Maribel G. Bagabaldo |
2000 | Eugene Y. Evasco |
1999 | Tomas F. Agulto |
1998 | Reynaldo A. Duque |
1997 | Tomas F. Agulto |
1996 | Ariel Dim. Borlongan |
1995 | Ariel Dim. Borlongan |
1994 | Niles D. Breis |
1993 | Cirilo F. Bautista |
1992 | Ruth Elynia S. Mabanglo |
1991 | Rowena F. Festin |
1990 | Ariel N. Valerio |
1989 | Lilia Quindoza Santiago |
1988 | Tomas F. Agulto |
1987 | Fidel D. Rillo. Jr. |
1986 | Mike L. Bigornia |
1985 | Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera |
1984 | Virgilio S. Almario |
1983 | Flor Condino Gonzales |
1982 | Pedro L. Ricarte |
1981 | Edmundo Libid |
1980 | Lamberto E. Antonio |
1979 | Jesus Manuel Santiago |
1978 | Jesus Manuel Santiago |
1977 | Galeny G. Topacio Manalaysay |
1976 | Teo T. Antonio |
1975 | Romulo A. Sandoval |
1974 | Isaias Villaflores |
1973 | Aurelio G. Angeles |
1972 | (Walang Idineklara) |
1971 | Ramon H. Belen |
1970 | (Hindi Ginanap) |
1969 | Rogelio G. Mangahas |
1968 | Victor S. Fernandez |
1967 | Celestino M. Vega |
1966 | Federico Licsi Espino |
1965 | Vict. V. dela Cruz |
1964 | Teo S. Baylen |
1963 | Bienvenido A. Ramos |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Mga Tuntunin ng Talaang Ginto 2008 sa wika.pbworks.com
- ↑ Tungkol sa Komisyon sa Wikang Filipino Naka-arkibo 2009-07-09 sa Wayback Machine. sa KWF Website
- ↑ Ferrer, Jesus E., patnugotn. Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula Gantimpalang Collantes (1999-2006). Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2009.
- ↑ MGA MAKATA NG TAON (1963 – 2006) ng Komisyon sa Wikang Filipino
- ↑ https://kalatasliteraryezine.wordpress.com/2013/03/20/paggagawad-ng-makata-ng-taon-tampok-sa-araw-ni-balagtas/
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Araw ni Balagatas Naka-arkibo 2021-11-23 sa Wayback Machine. sa WikiFilipino
- Talaang Ginto: Makata ng Taon Naka-arkibo 2021-11-23 sa Wayback Machine. sa WikiFilipino