Tambo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang mga lumalagong tambo sa maalat na marisma sa estuaryo ng Ilog Tay.

Ang tambo (Ingles: reed, Kastila: caña ) ay isang uri ng talahib o mataas na damo na may butas na katawan na namumuhay sa mga basang lugar o tabing-ilog. Nagagamit sa paggawa ng mga walis (walis-tambo) ang mga ito.[1]

Pagkakaiba-iba[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasapi ang lahat ng mga ito sa orden na Poales na kinabibilangan ng:

Sa pamilyang damo na Poaceae[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Karaniwang tambo (Phragmites australis), ang orihinal na espesye
  • Malaking tambo (Arundo donax)
  • Burmang tambo (Neyraudia reynaudiana)
  • Tambo na damong-kanaryo (Phalaris arundinacea)
  • Tambo na damong-matamis(Glyceria maxima)
  • Tambong maliit (Calamagrostis)

Sa pamilyang Cyperaceae[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Papyrus (Cyperus papyrus) na materyal na ginamit ng mga Sinaunang Ehipsiyo bilang sulatang materyal. at ginamit rin sa paggawa ng mga bangkang tambo

Sa pamilyang Typhaceae[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Bur-reed (espesyeng Sparganium)
  • Mace-reed (espesyeng Typha) na tinatawg ring bulrush o cattail

Sa pamilyang Restionaceae[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Tambong panakip ng bubong (Elegia tectorum), isang restio na mula sa Timog Aprika
  • Tambong pambubong (Thamnochortus insignis) isa pang restio sa parehong rehiyong pangheograpiko

Gamit[baguhin | baguhin ang batayan]

Walis tambo[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Pilipinas, ginagamit ang halamang tambo para makagawa ng walis. Ang walis tambo ay ang pinakaraniwang kagamitang panlinis sa bansa.[2] Thysaolaena maxima ang partikular na espesye ng tambo na ginagamit sa paggawa ng walis tambo.[2] Naging potensyal na kumikitang pangkabuhayan ang paggawa ng walis tambo sa mga magsasaka sa kabundukan dahil sa mataas na pangangailangan para sa mga walis na yari sa halamang tambo.[2] Naitampok ang walis tambo sa isang pagdiriwang ng pista ni San Antonio Abad sa isang bayan sa Nueva Ecija.[3]

Paggamit sa konstruksyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang bahay na yari sa tambo na nasa ilalim ng konstruksyon sa mga latian ng Iraq, 1978

Maraming iba't ibang kalinangan ang gumamit ng mga halamang tambo sa konstruksyon ng mga gusali ng iba't ibang uri sa nakalipas na hindi bababa sa mga libong taon. Isang halimbawang kontemporaryo ang Latiang Arabe.

Pag-aatip[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang lalaki sa Alemanya na inaatip ang isang bubong gamit ang mga halamang tambo

Ginagamit ang Phragmites australis, ang karaniwang tambo, sa maraming lugar sa pag-aatip ng mga bubong. Sa Estados Unidos, kilala ang paggamit ng karaniwang tambo para sa layuning ito bilang Norfolk reed (tambong Norfolk) o water reed (tambong tubig).

Galerya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. 2.0 2.1 2.2 "An In-Depth Study of the Production Practices of Broom Reed Industry of the Philippines" (sa Ingles). 2019. doi:10.2139/ssrn.3463599. {{cite journal}}: Kailangan ng cite journal ang |journal= (help)
  3. Galang, Armand (2012-01-16). "Nueva Ecija town features 'tambo' in patron saint's feast". INQUIRER.net (sa Ingles). Philippine Daily Inquirer. Kinuha noong 2022-05-17.