Tempeh

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Sariwang tempeh sa pamilihan sa Jakarta. Sa kinaugalian, ang tempeh ay ibinabalot sa mga dahon ng saging.

Ang tempeh ( /ˈtɛmp/; Habanes: témpé, IPA[tempe]) ay isang kinaugaliang produktong utaw (soy) na nagmumula sa Indonesya. Ginagawa ito sa pamamagitan ng isang likas na paglinang at kontroladong proseso ng pagbuburo na nagbibigkis ng mga balatong sa anyong keyk.[1] Bukod-tangi ang tempeh sa mga pangunahing kinaugaliang pagkaing balatong sa kadahilanang ito lamang ang hindi nangaling sa putaheng Gran Tsino.

Tempeh
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz)
Enerhiya 803 kJ (192 kcal)
7.64 g
10.80 g
20.29 g
Bitamina
Thiamine (B1)
(7%)
0.078 mg
Riboflavin (B2)
(30%)
0.358 mg
Niacin (B3)
(18%)
2.640 mg
Bitamina B6
(17%)
0.215 mg
Folate (B9)
(6%)
24 μg
Bitamina B12
(3%)
0.08 μg
Mineral
Kalsiyo
(11%)
111 mg
Bakal
(21%)
2.7 mg
Magnesyo
(23%)
81 mg
Mangganesyo
(62%)
1.3 mg
Posporo
(38%)
266 mg
Potasyo
(9%)
412 mg
Sodyo
(1%)
9 mg
Sinc
(12%)
1.14 mg
Iba pa
Tubig 59.65 g

Ang mga bahagdan ay pagtataya
gamit ang US recommendations sa matanda.
Mula sa: USDA Nutrient Database

Nagmula ito sa ngayo'y Indonesia, at sikat ito sa pulo ng Java, kung saan ito ay pangunahing pinagkukunan ng protina. Tulad ng tokwa, gawa ang tempeh sa mga balatong, subalit ito ay buong produktong balatong na may mga iba't-ibang katangiang nutrisyon at kalidad ng tekstura. Ang proseso ng pagbuburo nito at pagpapanatili buong butil ay nagbibigay ito ng mas-mataas na laman ng protina, hiblang diyetaryo, at mga bitamina. Mayroon itong matatag na tekstura at mala-lupang (earthy) lasa na nagiging mas-kapansin-pansin pagkatanda nito.[2][3] Dahil sa kahalagahang nutrisyon nito, ginagamit ang tempeh sa buong mundo sa putaheng behetaryano o putaheng makagulay, kung saan ginagamit ito bilang kapalit sa karne.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa
  1. "Tempeh". Dictionary.com. http://www.dictionary.com/browse/tempeh?s=t. 
  2. Bennett, Beverly Lynn; Sammartano, Ray (2008). The Complete Idiot's Guide to Vegan Cooking. Penguin. p. 17. ISBN 9781592577705. https://books.google.com/books?id=3Y97sfq4eWoC&pg=PA17#v=onepage&q&f=false. Hinango noong 6 Mayo 2011. 
  3. Dragonwagon, Crescent; Gourley, Robbin (2002). Passionate Vegetarian. Workman Publishing. p. 639. ISBN 9781563057113. https://books.google.com/books?id=xY-g93zG698C&pg=PA639#v=onepage&q&f=false. Hinango noong 6 May 2011.