Pumunta sa nilalaman

Toyohashi

Mga koordinado: 34°46′9″N 137°23′29.5″E / 34.76917°N 137.391528°E / 34.76917; 137.391528
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Toyohasyi, Aitsi)
Toyohashi

豊橋市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Pangunahing Kalye ng Ekimae-Ôdôri; Kastilyo ng Yoshida; Futagawa-juku; Tanggapang Panlungsod ng Toyohashi; Pantalan ng Toyohashi; Toyohashi Zoo and Botanical Garden
Watawat ng Toyohashi
Watawat
Eskudo de armas ng Toyohashi
Eskudo de armas
Map
Kinaroroonan ng Toyohashi sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Toyohashi sa Prepektura ng Aichi
Toyohashi is located in Japan
Toyohashi
Toyohashi
 
Mga koordinado: 34°46′9″N 137°23′29.5″E / 34.76917°N 137.391528°E / 34.76917; 137.391528
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Lawak
 • Kabuuan261.86 km2 (101.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Disyembre 1, 2019)
 • Kabuuan377,453
 • Kapal1,400/km2 (3,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
Mga sagisag ng lungsod 
PunoCamphor Laurel
BulaklakAzalea
Bilang pantawag0532-51-2111
Adres1 Imabashi-chō, Toyohashi-shi, Aichi-ken 440-8501
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Toyohashi (豊橋市, Toyohashi-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Disyembre 2019 (2019 -12-01), may tinatayang populasyon ito na 377,453 katao sa 160,516 mga kabahayan [1] at kapal ng populasyon na 1,400 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 261.86 square kilometre (101.10 mi kuw). Kung ibabatay sa lawak ng lupa, ang Toyohashi ay ang dating pangalawang pinakamalaking lungsod ng Prepektura ng Aichi hanggang sa Marso 31, 2005 nang nilagpasan ito ng lungsod ng Toyota, na sinanib ang anim na mga munisipalidad sa paligid nito.

Tinitirhan na ang lugar ng kasalukuyang Toyohashi sa loob ng libu-libong mga taon. Natuklasan ng mga arkeologo ang mga labi ng tao mula sa panahon ng Paleolitikong Hapones, na pinetsahan sa higit sa 10,000 B.K. pati ang mga buto ng mga elepanteng Naumann. Maraming natuklasang mga labing buhat sa panahong Jōmon, at lalo mula sa mga panahong Yayoi at Kofun, kabilang na ang mga bunton ng puntod ng kofun.

Noong panahong Nara, itinalaga ang lugar sa mga distrito ng Atsumi, Hoi at Yana ng Lalawigan ng Mikawa at lumago sa kasunod na mga panahon bilang isang hintuan sa isang mahalagang tawiran ng Tōkaidō na nag-uugnay ng kabisera sa mga lalawigan sa silangan. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan nang husto ang lugar sa pagitan ng angkang Imagawa na nakahimpil sa Lalawigan ng Suruga at samu't-saring pampook na mga lider-militar, na nakapagtayo ng ilang mga kuta sa lugar tulad ng Kastilyo ng Yoshida. Kalaunan, kinontrabalansehin ng lumilitaw na kapangyarihan ng angkang Matsudaira at ng pagkakaanib nila kay Oda Nobunaga ang banta mula sa Imagawa, at ang lugar ay naging bahagi ng mga lupain ni Tokugawa Ieyasu. Kasunod ng Labanan sa Odawara noong 1590, ipinag-utos ni Toyotomi Hideyoshi ang angkang Tokugawa na lumipat sa rehiyong Kantō at itinalaga ang kastilyo kay Ikeda Terumasa. Pinagyaman ni Ikeda ang nakapaligid na bayang kastilyo at sinimulan ang malaki at mapangaraping panukala upang itayo muli ang Kastilyo ng Yoshida. Subalit siya ay inilipat sa Kastilyo ng Himeji pagkaraan ng Labanan sa Sekigahara.

Pagkaraan ng pagtatag ng kasugunang Tokugawa, ang Kastilyo ng Yoshida ay naging sentro ng Dominyong Yoshida, isang estadong piyudal ng mga angkan. Itinalaga ang dominyo sa ilang mga angkang fudai daimyō hanggang sa napunta ito sa kamay ng angkang Matsudaira (Nagasawa-Ōkōchi) noong 1752, na nanatili sa kanilang tahanan sa Yoshida hanggang sa Pagpapanumbalik ng Meiji. Sinuko ni Matsudaira Nobuhisa, ang huling daimyō ng Yoshida, ang dominyo sa pamahalaang Meiji noong 1868. Noong 1869, pormal nang binago ang pangalan ng dominyo sa Toyohashi mula sa dating Yoshida.

Kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa ilalim ng pamahalaang Meiji noong 1879, itinatag ang bayan ng Toyohashi sa loob ng Distrito ng Atsumi, Prepektura ng Aichi. Itinatag ang Toyohashi Zoo noong 1899. Nakamit ng bayan ang katayuang panlungsod noong 1906. Itinatag ang isang sistemang trambiya (kasalukuyang Pangunahing Linya ng Asumadai ng Daambakal ng Toyohashi) noong 1925. Noong 1932, pinalaki ng Toyohashi ang teritoryo nito nang idugtong ang bayan ng Shimoji mula sa Distrito ng Hoi; mga nayon ng Takashi at Muroyoshida mula sa Distrito ng Atsumi; at nayon ng Shimokawa mula sa distrito ng Yana. Napinsala ang Toyohashi nang tumama ang lindol sa Tōnankai (1944), at lalong napinsala sa kasagsagan ng pagsalakay mula sa himpapawid sa Toyohashi noong Hunyo 1945. Higit sa 60% ng lungsod ang napuruhan sa pagsalakay na ito.

Lumawak muli ang teritoryong heograpiko ng Toyohashi noong 1955 nang idinugtong nito ang nayon ng Maeshiba Village mula sa Distrito ng Hoi; mga nayon ng Futagawa, Takatoyo, at Oitsu mula sa Distrito ng Atsumi; at nayon ng Ishimaki mula sa distrito ng Yana. Noong 1999, itinalagang core city ang Toyohashi kalakip ng pinalaking pagsasarili mula sa pamahalaan ng prepektura.

Matatagpuan ang Toyohashi sa timog-silangang Prepektura ng Aichi, at punong lungsod ito ng impormal na "Rehiyon ng Higashi-Mikawa" ng prepektura. Hinahangganan ito ng Prepektura ng Shizuoka sa silangan, ng Look ng Mikawa at ng mga punong lupain ng Tangway ng Atsumi sa kanluran, at ng Look ng Enshu ng Karagatang Pasipiko sa timog. Ang pag-iral ng mainit-init na Agos ng Kuroshio malayo sa pampang ay nagbibigay ng klimang templado sa lungsod. AngDalampasigan ng Katahama Jusan-ri (片浜十三里) sa Toyohashi ay isang pook ng pamumugad ng mga pawikan.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng Toyohashi sa nakalipas na 60 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1950 185,984—    
1960 215,515+15.9%
1970 258,547+20.0%
1980 304,273+17.7%
1990 337,982+11.1%
2000 364,865+8.0%
2010 376,861+3.3%

Mga kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sister cities
Friendship cities

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Toyohashi City official statistics Naka-arkibo 2020-09-27 sa Wayback Machine. (sa Hapones)
  2. Toyohashi population statistics
  3. 3.0 3.1 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Interactive City Directory". Sister Cities International. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 11 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]