Pumunta sa nilalaman

Gitnang Java

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Triharjo, Gemuh, Kendal)
Administratibong mapa ng Gitnang Java

Ang Gitnang Java (Indones: Jawa Tengah; Javanes: Jåwå Tengah; Hanacaraka: ꦗꦮꦠꦼꦔꦃ) ay isang lalawigan ng Indonesia, matatagpuan sa gitna ng pulo ng Java. Semarang ang administratibong kabisera nito. Napapaligiran ito ng Kanlurang Java sa kanluran, ang Karagatang Indiyano at Espesyal na Rehiyon ng Yogyakarta sa timog, Silangang Java sa silangan, at ang Dagat Java sa hilaga. May kabuuang sukat ito na 32,800.69 km², na may populasyon na 36,516,035 ayon sa senso noong 2020 [1] na ginagawang ikatlong pinakamataong lalawigan sa parehong Java at Indonesia pagkatapos ng Kanlurang Java at Silangang Java. Kabilang din sa lalawigan ang pulo ng Nusakambangan sa timog (malapit sa hangganan ng Kanlurang Java), at ang Kapuluang Karimun Jawa sa Dagat Java. Isa ring konseptong pangkalinangan ang Gitnang Java na kinakabilangan ng Natatanging Rehiyon at lungsod ng Yogyakarta. Bagaman, sa pamamahala, may nabuo ang lungsod at palibot nitong rehensiya na hiwalay na natatanging rehiyon (katumbas ng isang lalawigan) simula noong lumaya ang bansa, at pinapamahalaan ito ng hiwalay. Bagaman kilala bilang "puso" ng kalinangang Javanes, may mga ilang ibang di-Javanes na pangkat etniko, tulad ng mga Sunda sa hangganan nito sa Kanlurang Java. Nakakalat sa buong lalawigan ang mga Tsino Indonesiyo, Arabe Indonesiyo, at Indiyano Indonesiyo.

Nanirahan din sa lalawigan ang mga tao simula noong panahon bago ang kasaysayan. Natagpuan ang mga labi ng isang Homo erectus, kilala bilang "Taong Java", sa mga pampang ng Ilog Bengawan Solo, at pinetsahan na nabuhay ang Taong Java noong 1.7 milyong taong nakaraan.[2] Ang ngayo'y Gitnang Java ay dating na sa ilalim ng kontrol ng ilang mga kahariang Hindu-Budista, sultanatong Islamiko, at ang Silangang Indiyas ng Olanda na pamahalaang kolonyal. Gitnang Java din ang sentro ng kilusang kalayaan ng Indonesia. Habang ang mayorya ng kasalukyang mga Indonesiya ay may lahing Javanes, may isang malaking epekto ang parehong Gitnang Java at Silangang Java sa panlipunan, pampolitika, at ekonomikong buhay ng Indonesia.

Mga dibisyong administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga lungsod ng Gitnang Java
Kabisera at ekonomikong sentro ang Semarang ng lalawigan, gayon din bilang ang pinakamalaking lungsod.
Kilala din ang lungsod ng Surakarta bilang kabisera ng kalinangan ng mga Javanes.
Matatagpuan sa timog ng Semarang, kilala ang Salatiga sa malamig nitong klima at lokasyon nito sa mataas na elabasyon.
Kilala ang Magelang sa akademya ng Pambasang Sandatahang Lakas ng Indonesia at ang pasukan sa templo ng Borobudur.

Sa bisperas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1942, nahati ang Gitnang Java sa pitong paninirahan o residensya (Olandes: residentie o residenties sa maramihan, Javanes karésiḍènan or karésidhènan) na higit kumulang na tumutugma sa mga pangunahing rehiyon ng lugar na ito. Ang mga residensyang ito ay Banjoemas, Kedoe, Pekalongan, Semarang, at Djapara-Rembang gayon din ang tinatawag na Gouvernement Soerakarta at Gouvernement Jogjakarta. Bagaman, pagkatapos ng lokal na halalan noong 1957, nabawasan ang ginampanan ng mga residensyang ito hanggang nawala na rin sila sa wakas.[3]

Noong 2021, nahati ang Gitnang Java (kabilang ang Espesyal na Rehiyon ng Yogyakarta) sa 29 rehensiya (kabupaten) at anim na mga lungsod (kota, dating kotamadya at kota pradja), ang huli ay malaya sa kahit anumang rehensiya. Hindi kinikilala ng Pamahalaan ng Indonesia ang lugar sa Timog-silangan (Solo) na dating Surakarta Sunanate hanggang noong monarkiya. Karagdagan pang mahahati ang mga kapanahong rehensiya na ito sa 565 distrito (kecamatan). Nahahati pa ang mga distrito na ito sa 7,804 rural na mga komuna o "nayon" (desa) at 764 urbanong komuna (kelurahan).[4]

Nakatala ang mga distrito sa ibaba sa kanilang mga lugar at populasyon noong mga senso ng 2000, 2010 at 2020, at nakagrupo (para sa kaginhawaan) ayon sa wala na ngayong residenties na kung saan dating matatagpuan.

Pangalan Kabisera Sukat (km²) Populasyon
Senso ng 2000
Populasyon
Senso ng 2010
Populasyon
Senso ng 2020
Rehensiyang Cilacap Cilacap 2,124.47 1,613,964 1,642,107 1,944,857
Rehensiyang Banyumas Purwokerto 1,335.30 1,460,324 1,554,527 1,776,918
Rehensiyang Purbalingga Purbalingga 677.55 788,675 848,952 998,561
Rehensiyang Banjarnegara Banjarnegara 1,023.73 838,962 868,913 1,017,767
Rehiyong Timog-kanluran (Banyumas)[a] 5,161.05 4,701,925 4,914,499 5,738,103
Rehensiyang Kebumen Kebumen 1,211.74 1,166,604 1,159,926 1,350,438
Rehensiyang Purworejo Purworejo 1,091.49 704,063 695,427 769,880
Rehensiyang Wonosobo Wonosobo 981.41 739,648 754,883 879,124
Rehensiyang Magelang Mungkid 1,102.93 1,102,359 1,181,723 1,299,859
Lungsod ng Magelang Magelang 16.06 116,800 118,227 121,526
Rehiyong Timog (Kedu)[b] 4,403.63 3,829,474 3,910,186 4,420,827
Rehensiyang Boyolali Boyolali 1,008.45 897,207 930,531 1,062,713
Rehensiyang Klaten Klaten 658.22 1,109,486 1,130,047 1,260,506
Rehensiyang Sukoharjo Sukoharjo 489.12 780,949 824,238 907,587
Rehensiyang Wonogiri Wonogiri 1,793.67 967,178 928,904 1,043,177
Rehensiyang Karanganyar Karanganyar 775.44 761,988 813,196 931,963
Rehensiyang Sragen Sragen 941.54 845,320 858,266 976,951
Lungsod ng Surakarta (o Solo) Surakarta 46.01 489,900 499,337 522,364
Rehiyong TImog-silangan (Solo)[c] 5,712.45 5,852,028 5,984,519 6,705,261
Rehensiyang Grobogan Grobogan 2,013.86 1,271,500 1,308,696 1,453,526
Rehensiyang Blora Blora 1,804.59 813,675 829,728 884,333
Rehensiyang Rembang Rembang 887.13 559,523 591,359 645,333
Rehensiyang Pati Pati 1,489.19 1,154,506 1,190,993 1,324,188
Rehensiyang Kudus Kudus 425.15 709,905 777,437 849,184
Rehensiyang Jepara Jepara 1,059.25 980,443 1,097,280 1,184,947
Rehiyong Hilagang-silangan[d] 7,679.17 5,489,552 5,795,493 6,341,511
Rehensiyang Demak Demak 900.12 984,741 1,055,579 1,203,956
Rehensiyang Semarang Ungaran 950.21 834,314 930,727 1,053,094
Lungsod ng Salatiga Salatiga 57.36 155,244 170,332 192,322
Lungsod ng Semarang Semarang 373.78 1,353,047 1,555,984 1,653,524
Rehensiyang Temanggung Temanggung 837.71 665,470 708,546 790,174
Rehensiyang Kendal Kendal 1,118.13 851,504 900,313 1,018,505
Rehiyong Hilaga (Kedungsepur)[e] 4,237.31 4,844,320 5,321,481 5,911,575
Rehensiyang Batang Batang 788.65 665,426 706,764 801,718
Lungsod ng Pekalongan Pekalongan 45.25 263,190 281,434 307,150
Rehensiyang Pekalongan Kajen 837.00 807,051 838,621 968,821
Rehensiyang Pemalang Pemalang 1,118.03 1,271,404 1,261,353 1,471,489
Lungsod ng Tegal Tegal 39.68 236,900 239,599 273,825
Rehensiyang Tegal Slawi 876.10 1,391,184 1,394,839 1,596,996
Rehensiyang Brebes Brebes 1,902.37 1,711,364 1,733,869 1,978,759
Rehiyong Hilangang-kanluran[f] 5,607.08 6,346,519 6,456,479 7,398,758
Mga kabuuan 32,800.69 31,223,258 32,382,657 36,516,035

Mga pananda


Lumalabas na ngayon ang mga rehensiya sa pormal na ayos na inatas ng Lupon ng Estadistikang Indonesiyo (Badan Pusat Statistik).

  1. Katumbas ng rehiyong Timog-kanluran ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Banjoemas.
  2. Katumbas ng rehiyong Timog ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Kedoe, kasama ang pagtatanggal sa Rehensiyang Temanggung.
  3. Katumbas ng rehiyong Timog-silangan ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Soerakarta (kabilang ang Residentie Klaten), dating Surakarta Sunanate. Katumbas din ito ng pinalawak na kalakhang sona ng Surakarta (Subosukawonosraten).
  4. Katumbas ng rehiyong Hilaga-silangan ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Djepara-Rembang, kasama ang pagdagdag ng Rehensiyang Grobogan na nakatala na ngayon ng BPS.
  5. Katumbas ng rehiyong Hilaga ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Semerang, kasama ang pagtatanggal ng Rehensiyang Grobogan. Katumbas din ito ng kalakhang sona ng Semarang (Kedungsapur). Kabilang na ang Rehensiya ng Temanggung sa rehiyon na ito ng BPS (nakatala sa pagitan ng Rehensiyang Semerang at Rehensiyang Kendal).
  6. Katumbas ng rehiyong Hilangang-kanluran ang dating Silangang Indiyas ng Olanda na Residentie Pekalongan.

Ang katamtamang temperatura ng Gitnang Java ay nasa pagitan ng 18–28 °C (64–82 °F) at nag-iiba ang relatibong kahalumigmigan sa pagitan ng 73–94%.[4] Habang mataas ang kahalumigmigan sa karamihan ng mga mababang lugar ng lalawigan, makabuluhang bumababa ito sa matataas na bundok.[4] Naitala sa Salatiga ang pinakamataas na katamtamang taunang dami ng ulan sa 3,990 mm na may 195 araw na maulan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Badan Pusat Statistik, Jakarta, 2021 (sa wikang Indones).
  2. Binanggit sa Whitten, T.; Soeriaatmadja, R.E.; Suraya, A.A. (1996). The Ecology of Java and Bali (sa wikang Ingles). Hong Kong: Periplus Editions Ltd. pp. 309–312:{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    Pope, G. (1988). "Recent advances in far eastern paleoanthropology". Annual Review of Anthropology (sa wikang Ingles). 17: 43–77. doi:10.1146/annurev.an.17.100188.000355.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    Pope, G. (15 Agosto 1983). "Evidence on the Age of the Asian Hominidae". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America (sa wikang Ingles). 80 (16): 4988–4992. Bibcode:1983PNAS...80.4988P. doi:10.1073/pnas.80.16.4988. PMC 384173. PMID 6410399.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    de Vos, J.P.; Sondaar, P.Y. (9 Disyembre 1994). "Dating hominid sites in Indonesia" (PDF). Science Magazine (sa wikang Ingles). 266 (16): 4988–4992. Bibcode:1994Sci...266.1726D. doi:10.1126/science.7992059. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2009. Nakuha noong 14 Marso 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Robert Cribb, Historical Atlas of Indonesia (2000:165) (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 [1] Naka-arkibo 2006-06-29 sa Wayback Machine. (sa Indones)