Pumunta sa nilalaman

Bagyong Auring (2009)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Auring
Depresyon (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)
Bagyong Auring noong ika-4 ng Enero
Nabuo3 Enero 2009
Nalusaw7 Enero 2009
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 55 km/h (35 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 35 km/h (25 mph)
Pinakamababang presyur1000 hPa (mbar); 29.53 inHg
Namatay1 tuwiran, 1 di-tuwiran, 9 nawawala
Napinsala~ $498,000 (2009 USD)
ApektadoPilipinas
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2009

Si Bagyong Auring (Tropical Depression Auring) ay ang unang bagyo na nabuo sa Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009. Si Auring ay nabuo mula sa isang sama ng panahon sa silangan ng Pilipinas. Ika-3 ng Enero habang kumikilos pakanluran, ito ay naging isang mahinang tropical depression ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA). Kinahapunan, binigyan ng Pangasiwaang Pilipino sa Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko (PAGASA) ang bago ng pangalan na Auring. Pagkatapos pangalanan, si Auring ay nag-umpisa nang humina dahil sa papalakas ng vertical wind shear. Ika-7 ng Enero, si Auring ay nawalan ng convection at naging isa na lamang low pressure area.

Si Auring ay nagdulot ng malakas na ulan na naging sanhi ng pagbabaha sa silangang bahagi ng Pilipinas. Dalawang tao ang namatay habang siyam ang napaulat na nawawala. May kabuuan na 305 kabahayan ang nawasak habang may 610 na iba pa ang nasira. Sa karagdagan, umabot sa 53 hektarya na pananim na palay at 3.5 na pananim na mais ang nasira. Nasa 43,851 ang naapektuhan at tinatayang aabot sa 23 milyong piso pinasala ang naging dulot ng bagyo.

Pangmeteorolohiyang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Map plotting the storm's track and intensity, according to the Saffir–Simpson scale

Ika-30 ng Disyembre, inulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na isang sama ng panahon ang nabuo sa silangan ng Pilipinas.[1] Kinahapunan ng 1 Enero 2009, habang ito ay kumikilos pakanluran, inulat ng JTWC na ayon sa imahe na kuha mula sa satellite na nagpapakita ng malalim ng convection na namumuo sa isang mahinang low level circulation center.[2] Inulat din nila na ang bahagi nito ay may magandang outflow at nasa lugar kung saan may mahina hanggang sa katamtaman ng wind shear.[2] Sinabi ng JTWC na ang kakayahan nito para maging isang bagyo ay mahina "poor" dahil na rin sa papalakas ng vertical wind shear.[2] Umaga ng ika-3 ng Enero, ito ay isa nang mahinang bagyo ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).[3]

Tanghali ng araw ng iyon, binigyan ng Pangasiwaang Pilipino sa Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko (PAGASA) ang bagyo ng pangalan na Auring habang ito ay nasa layong 140 km sa silangan ng Lungsod ng Surigao sa hilagang Mindanao.[4] Kinahapunan din ng araw na iyon, ayon sa JTWC ang kakayahang nito para maging isang ganap na bagyo sa loob ng 24 oras ay katamtaman "fair" dahil sa bumubuti nitong low level structure.[5] Umaga ng sumunod na araw, ayon sa PAGASA ito ay nag-iba ng direksiyon na tinatahak at ngayon ay kumikilos patungo ng hilagang-silangan.[6] Ika-5 ng Enero, ayon sa JTWC, ang imahe na kuha mula sa infrared satellite ang nagpapakita na ang low level circulation center ay nag-uumpisa nang humina. Inulat din nila na si Auring ay nag-uumpisa nang mag-interact sa baroclinic zone kaya ibinaba nila ang kakayahan nito para maging isang bagyo sa loob ng 24 oras sa mahina "poor".[7] Ito ang naging dahilang upang ibaba ng PAGASA ang antas nito bilang isang low pressure area.[8] Umaga ng sumunod na araw, ang JMA ay naglabas ng kanilang huling babala para sa isang mahinang tropical depression (Auring)[9] habang ang JTWC ay inulat na ito ay naglaho na.[10] Ika-7 ng Enero, ang labi ni Auring ay dumaan sa Pilipinas bago tuluyang naglaho.[11][12]

Paghahanda at epekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang ito ay isa nang tropical depression, ang Pangasiwaang Pilipino sa Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko (PAGASA) ay naglabas ng babala ng bagyo bilang isa sa Samar, Leyte, sa Isla ng Camotes, Surigao del Norte, Isla ng Siargao at sa Kapuluan ng Dinagat na makakaranas ng hanging aabot sa 60 kada oras (km/h).[4] Pagkalipas ng tatlong oras, ang Kapuluang ng Biliran ay nasama sa na rin sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.[13] Ika-4 ng Enero, ang lahat ng babala ng bagyo ay inalis na maliban lang sa silangang ng Samar nang si Auring ay kumilos palayo ng Pilipinas.[6] Nang sumunod na araw, ang babala ng bagyo sa silangan ng Samar ay inalis.[14]

Malakas ng pag-uulan ang dulot ni Auring na naging sanhi ng pagbaha sa mga probinsiya sa silangan ng Pilipinas. Umabot sa 38,764 na katao ang naapektuhan ng pagbabaha. Ang pag-uulan ay nagdulot ng pag-apaw ng Ilog ng Cagayan, na nagdulot naman ng pagkamatay ng isang labing-dalawang taong gulang na bata sa Lungsod ng Gingoog.[15] Sa Lungsod ng Talisay, sa Cebu, isang 27 taong gulang na babae ang namatay dahil makuryente ng maputol ang kable ng kuryente dahil sa malalakas na hagin dulot ni Auring.[16] Siyam na mga bata ang napaulat na nawawala.[17] Nasa 12,211 na pasahero sa mga pantalan ang naantala dahil sa masamang kondisyon ng karagatan dahil sa bagyo. Mayo 14 na trucks, 44 na light cars, 75 na pampasaherong bus, 27 na vessels at 295 na rolling cargoes ang naantala rin.[18] Malalang pagbaha ang nagwasak sa 305 kabahayan, ang 199 dito ay sa Macasandig. Mayo 610 na iba pa ang nasira. Tinatayang aabot sa 53 hektarya ng pananim na palay at 3.5 na hektarya ng pananim na mais ang nasira. Nasa 43,851 ang naapektuhan ng bagyo, na karamihan ay malapit sa Ilog ng Cagayan.[19] Ang labi ni Auring ay nagdala ng malakas na ulan sa mga binahang lugar noong ika-7 ng Enero, na nagdulot ng pagguho ng lupa na naging sanhi ng pagkabara ng mga daanan at pagkatumba ng mga linya ng kuryente, na naging dahilan ng pagkawala ng kuryente sa Catanduanes.[11] Ang naging sira mula sa bagyo ay tinatayang aabot sa 23 milyong piso at tinatayang aabot sa 5000 pamilya ang ang nawalan ng bahay.[20]

Ang matinding pagbaha ang naging dahilan upang ang Isla ng Siargao ay isailalim sa state of calamity.[21] Karagdagan sa Kapuluan ng Siargao, 16 na bayan sa Lungsod ng Cagayan de Oro ay kasama rin sa mga lugar na malalang naapektuhan ng bagyo.[17] Habang si Auring ay nananalasa, ang Department of Social Welfare and Development ng mga pagkain at tulong sa mga nawalan ng bahay dahil sa pagbaha na nagkakahalaga ng 372,760 piso. Ang relief funds na nagkakahalaga ng 292,189.11 piso, mga pagkain na nagkakahalaga ng 77,431.2 piso at mga kagamitan na nagkakahalaga ng 413,568 piso ay maaring gamitin kung kinakailangan. Ang mga nawalan ng bahay sa Lungsod ng Iligan binigyan ng tulong na tinatayng aabot sa 1,129,870 piso.[19]

Ang Robinson's Supermarket ay nagbigay ng 97 na supot ng bihon, 77 na supot ng bihon palabok,525 ng supot ng misua, at 208 na lata ng 555 carne norte; ang Cagayan de Oro Hotel and Restaurant Association ay nagbigay ng 12 bag na linen; ang Nestlé ang nagbigay ng 51 kahon ng Milo; Grains Confederation of the Philippines ay nagpadala ng 30 sako ng bigas; ang National Transmission Corporation ang nagbigay ng siyam ng kahon ng de lata; ang Rptary International District 3870 ay nagbigay ng anim ng sako ng bigas, mga damit at mga tinapay; ang STI Rotary Club of Center Point ay nagbigay ng 50 kahon ng mga pagkain; ang SM City Cagayan ay nagbigay ng 180 family food packs; Dynamic Pharmacy ay nagbigay ng isang kahon ng mga gamot; Xavier Estate Catholic School ay nagpadala ng mga damit at pagkain; ang Bombo Radyo Philippines ang nagbigay ng tatlong kahon ng inuming tubig at mga pagkain, at ang Philippine National Red Cross (PNRC) ay nagbigay ng 36 na sako ng bigas, 18 kahon ng sardinas at 38 ng kahon ng noodles.[19]

Sinundan:
Ulysses (2008)
Pacific typhoon season names
2009
Susunod:
Bising

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Tropical Depression Auring Best Track (part 1)". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-08. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and South Pacific Oceans 01-01-09 23z". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "JMA Advisory 03-01-09 00z". Japan Meteorological Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-10. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "PAGASA Advisory 03-01-2009 11z". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-03. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and South Pacific Oceans 03-01-09 20z". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "PAGASA Advisory 04-01-2009 09z". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-04. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and South Pacific Oceans 05-01-09 22z". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "PAGASA Advisory 05-01-2009 21z". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "JMA Advisory 06-01-09 03z". Japan Meteorological Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-10. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and South Pacific Oceans 06-01-09 06z". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Minor Flooding and Landslides in Catanduanes" (PDF). National Disaster Coordinating Council. 2009-01-07. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-11-08. Nakuha noong 2009-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Tropical Depression Auring Best Track (part 2)". Joint Typhoon Warning Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-07. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "PAGASA Advisory 03-01-2009 15z". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-03. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "PAGASA Advisory 05-01-2009 03z". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-05. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Rene Acosta (5 Enero 2009). "Thousands of 'Auring' victims still in evacuation centers". Business Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2010. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Rene F. Alima (6 Enero 2009). "Mother electrocuted in Talisay". Cebu Daily News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2009. Nakuha noong 10 Mayo 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Cong B. Corrales (7 Enero 2009). "16 villages declared 'calamity areas'". The Sun Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-08. Nakuha noong 10 Mayo 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Helen Flores (5 Enero 2009). "'Auring' threatens eastern Visayas". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobiyembre 2009. Nakuha noong 5 Enero 2009. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  19. 19.0 19.1 19.2 "Consolidated Report on Flash Floods in Cagayan de Oro City and Gingoog City" (PDF). National Disaster Coordinating Council. 6 Enero 2009. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-05-30. Nakuha noong 9 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Staff Writer (4 Enero 2009). "PNRC aids 5,000 families left homeless by Auring". GMA News. Nakuha noong 10 Mayo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Government of the Philippines (2009-01-09). "PGMA orders immediate rehabilitation of flood-ravaged areas in Regions X, XIII". Reliefweb. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-05. Nakuha noong 2009-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tropical cyclones of the 2009 Pacific typhoon season
JMA Tropical Cyclone
Strength Classification
TD TS
STS TY