Tropikal na prutas
Ang mga tropikal na prutas ay ang mga bunga ng mga halaman na tumutubo lamang sa mainit na mga bansa o bansang nasa ekwador, ngunit sila ay lumaki din sa mga bahay-patubuan kung ang bansa ay malamig. Kabilang sa mga prutas na tropikal ang saging, pinya, papaya, dalandan, lemon. Sa karamihan ng mga tropikal na prutas, hindi ito tatagal sa temperatura malapit sa 0 °C, hindi tulad sa mga prutas mula sa lugar na may katamtaman o malamig na klima.[1] Nasisira ito o di magiging maayos ang paghihinog kapag bumaba ang temperatura sa 4 °C.[2]
Ang mga lugar sa mundo na nagluluwas ng tropikal na prutas ay ang Malayong Silangan, Latino Amerika, ang Karibe, Aprika (sa mababang antas), at baybaying tropikal ng Granada (Espanya). Ang apat na pangunahing prutas na niluluwas ayon sa dami ay mangga, pinya, papaya at abokado.
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Pilipinas, kabilang sa mga tropikal na prutas ang saging, pinya, rambutan, dilaw at pulang pakwan, melon, kaymito, longan, pomelo, ilang uri ng niyog at marami pang iba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nouvelles formulations d'enrobages pour la conservation des fruits tropicaux, Elizabeth Baldwin, Conservation et transformation des fruits : nouveaux enjeux, nouvelles techniques. (sa Pranses)
- ↑ Norbert P. Psuty, Paul Sanford Salter, Land-Use Competition on a Geomorphic Surface: The Mango in Southern Florida, Annals of the Association of American Geographers, Bol. 59, No. 2. (Hun., 1969), p. 264 (sa Ingles)