Unibersidad ng Suriname Anton de Kom
Anton de Kom University | |
---|---|
Anton de Kom Universiteit | |
Sawikain | Kennis maken en kennis delen in duurzaam partnerschap |
Sawikain sa Ingles | Creating and sharing knowledge in sustainable partnership |
Itinatag noong | Novembre 1, 1968[1] |
Kansilyer | Prof. dr. Jack Menke |
Lokasyon | , |
Websayt | www.adekus.edu |
Ang Unibersidad ng Suriname Anton de Kom (Ingles: Anton de Kom University; Olandes: Anton de Kom Universiteit van Suriname) ay ang tanging unibersidad sa Suriname. Ito ay matatagpuan sa kabisera ng Paramaribo, at ipinangalan kay Anton de Kom, isang anti-kolonyalista aktibista na pinatay ng mga Nazis habang nasa exile sa Netherlands.
Ang mas mataas na edukasyon sa Suriname ay nagsimula noong ika-19 siglo. Noong 1882, meron nang tersiyaryo edukasyong inihahain sa pamamagitan ng "Geneeskundige School" at mayroong ding umiiral na edukasyong pang-abogasya, na itinatag noong dekada '40. Higit pa rito mayroong iba pang mga kursong, gaya ng disiplina upang maging agrimensor, dentista at parmasyutiko.
Mga fakultad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Unibersidad ay hinahati sa mga sumusunod na mga fakultad:[2]
- The Faculty of Medical Sciences
- The Faculty of Social Sciences Law Economics
- The Faculty of Technological Sciences
- The Faculty of Humanities
- The Faculty of Mathematical and Physical Sciences
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Amigoe di Curacao, Universiteit van Suriname gaat vandaag open, 1 november 1968
- ↑ University website Naka-arkibo June 18, 2011, sa Wayback Machine.
5°48′50″N 55°12′59″W / 5.814°N 55.2163°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.