Pumunta sa nilalaman

Washington (estado)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Vancouver, Washington)
Washington
Watawat ng
Watawat
Opisyal na sagisag ng
Sagisag
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoWashington Territory
Sumali sa UnyonNobyembre 11, 1889 (42nd)
KabiseraOlympia
Pinakamalaking lungsodSeattle
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarSeattle metropolitan area
Pamahalaan
 • GobernadorJay Inslee (D)
 • Gobernador TinyenteBrad Owen (D)
LehislaturaState Legislature
 • Mataas na kapulunganState Senate
 • [Mababang kapulunganHouse of Representatives
Mga senador ng Estados UnidosPatty Murray (D)
Maria Cantwell (D)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos5 Democrats, 4 Republicans
Populasyon
 • Kabuuan(2,010) 6,724,540
 • Kapal88.6/milya kuwadrado (34.20/km2)
 • Panggitnang kita ng sambahayanan
$58,078
 • Ranggo ng kita
10th
Wika
Latitud45° 33′ N to 49° N
Longhitud116° 55′ W to 124° 46′ W

Ang Estado ng Washington ay isang estado sa hilagang kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Isinunod ang pangalan kay George Washington, ang unang Pangulo ng Estados Unidos, ang estado ay nabuo mula sa Teritoryo ng Washington, na isinuko ng Britanya noong 1846 sang-ayon sa Kasunduan sa Oregon na dulot nagpagkakasundo sa tunggalian ng hangganan ng Oregon. Tinanggap ito sa Unyon bilang ika-42 estado noong 1889. Olympia ay ang kabisera ng estado.

Ika-18 pinakamalaking estado ang Washington na may sukat na 71,262 milya kwadrado (184,827 km. kwadrado), at ang ika-13 pinakamataong estado na may mahigit na 7 milyong mamamayan. Tinatayang nasa 60 bahagdan ng mga mamamayan ng estado ay naninirahan sa Kalakhang Seattle, ang sentro ng transportasyon, kalakalan, at industriya. Ang nalalabing bahagi ng estado ay kinapapalooban ng mga malalawak na kagubatan sa kanluran, mga bulubundukin sa kanluran, gitna, hilagang silangan, at sa dulong timog silangan. Ikalawa ang estado ng Washington sa pinakamataong estado sa Kanlurang baybayin ng Estados Unidos, sunod sa California.

Nangungunang prodyuser ng troso ang estado ng Washington. Mahalaga rin ang ambag ng pagsasaka at pangingisda sa kabuuang kita ng estado. Ang mga industriya sa paggawa sa Washington ay kinabibilangan ng paggawa ng mga eroplano, misayl, paggawa ng barko, at iba pang gamit pantransportasyon, pagtotroso, paggawa ng pagkain, mga produktong metal, kemikal at makinarya.

Historical population
TaonPop.±%
1850 1,201—    
1860 11,594+865.4%
1870 23,955+106.6%
1880 75,116+213.6%
1890 357,232+375.6%
1900 518,103+45.0%
1910 1,141,990+120.4%
1920 1,356,621+18.8%
1930 1,563,396+15.2%
1940 1,736,191+11.1%
1950 2,378,963+37.0%
1960 2,853,214+19.9%
1970 3,409,169+19.5%
1980 4,132,156+21.2%
1990 4,866,692+17.8%
2000 5,894,121+21.1%
2010 6,724,540+14.1%
2016 7,288,000+8.4%
Pagtataya 2016: [2][3][4][5]; 1910-2010: [6]

Mga bayan at lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. State Symbols
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 2015CensusH8); $2
  3. "Washington". State & County QuickFacts. U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2016. Nakuha noong Mayo 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Census2012); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CensusGuide); $2
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 2010Census); $2
  7. "Population Estimates". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-19. Nakuha noong 10 Setyembre 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)