Wikang Arameo
Arameo | |
---|---|
ܐܪܡܝܐ / ארמיא / 𐡀𐡓𐡌𐡉𐡀 Arāmāyā | |
Distribusyong heograpiko: | Mesopotamya, Levant, Mabungang Gasuklay, Northern Arabia |
Klasipikasyong lingguwistiko: | Afro-Asiatiko |
Mga subdibisyon: |
Ang wikang Arameo o wikang Aramaiko ay isang wikang Semitiko na sinalita sa Aram na lumitaw noong ca. 1000 BCE. Ang Alpabetong Aramaiko ay binatay sa Alpabetong Phoenicio at nagmula sa mga silangang rehiyon ng Aram. Dahil dahil sa migrasyon na Arameo pasilangan, ang mga kanluraning labas na sakop ng Asirya ay naging bilingual na gumagamit ng parehong Wikang Akkadiyo at Aramaiko. Nang sakupin ng hari ng Imperyong Neo-Asirya na si Tiglath-Pileser III ang mga lupaing Arameo sa kanluran ng Ilog Eufrates, ang Aramaiko ang naging ikalawang opisyal na wika ng Imperyong Neo-Asirya at buong pumalit sa wikang Akkadiyo. Mula 700 BCE, ang wikang Aramaiko ay lumaganap sa lahat ng direksiyon. Ang iba't ibang dialekto ay lumitaw sa Asirya, Babilonya, Levant at Ehipto. Noong 600 BCE, ang haring Cananeo na si Adon ay gumamit ng wikang Aramaiko upang sumulat sa paraon ng Sinaunang Ehipto. Sa pananakop ng Imperyong Akemenida sa Mesopotamya sa ilalim ni Dario I, ang Aramaiko ay ginamit na wika ng isinusulat na pakikipagtalastasan sa pagitan ng iba't ibang rehiyon sa buong imperyo.
Ebolusyon ng wikang Aramaiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Klaus Beyer (1929–2014):[1]
- Lumang Aramaiko, mula sa pinakamaagang rekord hanggang c. 200 CE
- Gitnang Aramaiko, mula c. 200 CE, hanggang c. 1200 CE
- Modernong Aramaiko, mula c. 1200 CE hanggang sa modernong panahon
Ayon kay Joseph Fitzmyer (1920–2016):[2]
- Lumang Aramaiko, mula pinakamaagang rekord hanggang 700 BCE
- Opisyal na Aramaiko, mula c. 700 BCE hanggang c. 200 BCE
- Gitnang Aramaiko, mula c. 200 BCE hanggang c. 200 CE
- Huling Aramaiko, mula c. 200 CE hanggang c. 700 CE
- Modernong Aramaiko, mula c. 700 CE hanggang modernong panahon
Recent periodization of Aaron Butts:[3]
- Lumang Aramaiko, mula sa pinakamaagang rekord hanggang c. 538 BCE
- Akemenidang Aramaiko, mula c. 538 BCE hanggang c. 333 BCE
- Gitnang Aramaiko, mula c. 333 BCE hanggang c. 200 AD
- Huling Aramaiko, mula c. 200 CE hanggang c. 1200 AD
- Neo-Aramaiko, mula c. 1200 CE hanggang modernong panahon
Aramaikong Biblikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Aramaiko pamBibliya ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Tanakh:
- Aklat ni Ezra 4:8-6:18 at 7:12-26
- Aklat ni Daniel 2:4b-7:28
- Aklat ni Jeremias 10:11
- Aklat ng Genesis 31:47
Ang Aramaiko ng Bibliya ay isang pinaghalong dialekto.
Mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan at Hesus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniwalaan ang wikang Aramaiko ang wika na sinalita ni Hesus ng dialektong Galilea batay sa mga salitang Aramaiko gaya ng Talitha cumi na binanggit ni Hesus sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 6:41), na may kahulugang "Ineng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka." gayundin ang mga salitang Ephphatha (Ἐφφαθά),Abba (Ἀββά[ς]), Raca (Ρακά), Mammon (Μαμωνάς), Rabbuni (Ραββουνί),Maranatha (Μαραναθά), Eli, Eli, lema sabachthani (Ἠλί, Ἠλί, λεμὰ σαβαχθανί), isang tuldok o isang kudlit (Ἰῶτα ἓν ἢ μία κεραία),Korban (Κορβάν),Sikera (Σίκερα),Hosanna (Ὡσαννά), Boanerges (Βοανηργές),Cephas (Κηφᾶς), Thomas (Θωμᾶς),Tabitha (Ταβιθά), Gethsemane (Γεθσημανῆ), Golgotha (Γολγοθᾶ),Gabbatha (Γαββαθᾶ),Akeldama (Ἀκελδαμά), Bethesda (Βηθεσδά). Ito ang ebidensiya na nakikita ng mga iskolar na ang mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griyegong Koine dahil kinailangan nilang isalin ang mga salitang Aramaiko sa Griyego upang maintindihan ng mga mambabasang Griyego.
Wika ni Adan, ng Talmud, Targum, at Zohar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Babilonyong Talmud (Sanhedrin 38b), ang wikangn Aramaiko ang wika ni Adan na unang tao. Ito rin ang wika ng Targum na saling Aramaiko ng Tanakh. Ito rin ang wika ng Herusalem Talmud, Babilonyong Talmud at Zohar
Bilang sagradong wika sa Kristiyanismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilang mga anyo ng Aramaiko ay itinuturing na sagrado o banal na wika at ginagamit sa liturhiya sa Kristiyanismong Syriac, Asiryong Simbahan ng Silangan, Kaldeong Katolikong Simbahan, Simbahang Maronite at Mga Kristiyano ni Santo Tomas sa Kerala, India.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Beyer 1986.
- ↑ Fitzmyer 1997, pp. 60–63.
- ↑ Butts 2019, pp. 224–25.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.