Wikipedia:Kapihan/Archive 3
Filipino
[baguhin ang wikitext]Sang ayon ako na hindi dapat tawaging "Taglish" ang proyektong ito. Kahit ngayon ko lamang natutunan na magkaiba pala ang "Pilipino" sa "Filipino" ay isa dapat sa dalawang ito ang dapat na itawag sa Wikipedia na ito (hindi "Taglish" o "Tagalog"). Sa aking opinyon ay mas naaayong tawagin itong "Filipino Wikipedia" dahil sa aking pagkakaalam, ito ang kasalukuyang tinuturo sa ating mga paaralan simula pa lang sa elementarya. Ang paggamit ng titik na "F" ay nagmumungkahi ng pagsama ng mga banyagang titik sa ating orihinal na "abakada" upang mabuo ang Bagong Alpabetong Filipino (na katulad ng American Alphabet at dinagdagan lamang ng "Ng" at Ñ "enye"). Sa aking opinyon, dahil sa sobrang dami ng hiniram na salita ng Pilipino ay talagang mahirap na pag-usapan ang paksang ito. Tawagan na lang natin ang pangulo ng Pilipinas at itanong sa kanya. Nais ko rin na sabihin na wag naman sana natin tawaging ignorante ang kapwa nating Pilipino at pare-pareho lamang tayo ng pinanggalingan at magtulungan tayo sa proyektong ito. Salamat po.
- Papaano naman po yung wikang tagalog? parang lugi naman po yata siya. siguro mas maganda po kung hiwalay sila dahil mag-kaibang wika po sila. Tinuturo ngang wika ang Filipino para sa buong kapuluan upang magkaroon ng medium of communication ang mga Pilipino. Ang tagalog wikipedia sa tingin ko ay para sa mga katutubong tagapagsalita ng tagalog, tulad ng sa cebuano, ilocano, waray, kapangpangan pangasinense at chavacano wikipedia.
--Mananaliksik 07:48, 6 Marso 2007 (UTC)
Ano ba dapat ang pangalan ng proyektong ito?
[baguhin ang wikitext]Dito na natin ituloy ang usapan tungkol sa isyu na nagmula sa Unang Pahina. Ano nga ba dapat ang pangalan ng proyektong ito? Tagalog Wikipedia, Filipino Wikipedia o Taglish Wikipedia?--Jojit fb 4 July 2005 10:38 (UTC)
Dapat yung naiintindihan ng mga taong bumabasa at naghahanap ng mga kasagutan lalu na kung dito sa internet nila makikita di ba.!! —Ang komentong ito ay idinagdag ni 124.217.14.5 (usapan • kontribusyon) noong 07:36, 6 Marso 2007.
Sa aking palagay, and proyektong ito ay dapat tawaging "Tagalog Wikipedia",(Subalit, pwede tayong magsalita ng Taglish - dahil marami talaga tayong salita na hiram sa Ingles), sapagkat ang tinutukoy natin dito ay ang pagkakasulat sa isa sa mga diyalektong Pilipino.. tulad ng Cebuano, Boholano, Ilokano etc...Siguro marapat na magkaroon tayo ng isang "Main Directory" na tawagin nating "Fipino Wikipedia" (Tulad ng Indonesian, Chinese, French,etc) na tutukoy sa ating bansang Pilipinas... at sa ilalim nito ay papasok ang mga wikipedias sa iba't ibang diyalektong Pilipino. --Windmelody 09:44, 27 Hunyo 2007 (UTC)--anglo648
Wikimedia Pilipinas
[baguhin ang wikitext]Pinaplano na ang Wikimedia Pilipinas, ang lokal na sangay ng Pundasyong Wikimedia para sa bansang Pilipinas. Hinihiling ko na ang mga aktibong manggagamit ng Wikipedia sa Tagalog ay lumahok sa usapan sa Tambayan. Maaari rin kayong mag-ambag sa isinusulat na mga Artikulo ng Inkorporasyon (sa Ingles), at/o isalin ito sa Tagalog. --Sky Harbor 08:12, 18 Pebrero 2007 (UTC)
Nagamit ang artikulo sa isang porn community website
[baguhin ang wikitext]Nais ko sanang isumbong sa mga namamahala ng Tagalog Wikipedia ang ilegal na paggamit ng artikulo ni Yuuta Koseki ng isang porn community website sa wikang Pranses (patesuesh.ifrance.com/images/small/yuuta/).
Nagamit marahil ang kanyang pangalan at ilang sipi mula sa kanyang artikulo dahil sa may kapangalan siyang isang porn star na Hapones, na anu't-ano pa man ay walang kinalaman sa inosenteng si Yuuta Koseki.
May maaari po ba tayong magawang aksyon upang hindi na ito matulad pa sa iba pa nating mga artikulo?
Umaasa po ako na mabibigyang linaw ang suliranin na ito.
Lubos na umaasa, User:GNHK
- Kinalulungkot ko pero wala yata akong magagawa dito. Ang ginamit lamang ng website ay isang pangungusap lamang. Itatanong ko sa mga Admins ng English Wikipedia tungkol dito. --bluemask 01:44, 26 Marso 2007 (UTC)
- Hello! Ang sa ganang akin lang, dahil ito ay maitututing na isang pagkakabanggit lang ("direct quote/citation"), walang malinaw na paglabag sa kahit anong batas o panuntunan ang (maling) pagkakabanggit sa pangalan ni Yuuta Koseki. Ang pinakamainam sigurong gawin dito ay sulatan ang mga may-ari, admin o moderator ng naturang web site at ipaalam sa kanila ang tungkol sa bagay na ito para magawa nila kung ano ang kailangang gawin dito. --- Titopao 02:36, 26 Marso 2007 (UTC)
Mga Tanong at Suhestiyon
[baguhin ang wikitext]Bago lang po ako sa paggamit ng Wiki at gusto kong mag-ambag dito sa Tagalog Wikipedia. Mayroon bang sinusundan format ang mga artikulo tungkol sa mga tao, halaman, hayop, pelikula, atbp. Ang ibig kong sabihin yun paghahati ng mga nilalaman. Halimbawa sa pelikulang Captain Barbell_(1964). Meron itong sinopsis, petsa, klase ng pelikula, atbp. Mas magandang tignan kung pare-pareho sila ng ayos. Ang ibang artikulo sa pelikula ay sumusunod sa ganitong ayos subalit ang iba ay may mga talata lamang. May namamahala ba para dito?
Suhestiyon
- lingks na panlabas, panlabas na lingks (External Links) → Kawing Panlabas
- ano po ba mas nararapat, Kawing Panlabas o Kawing Palabas? -- Ataman
- (References) → Sanggunian
- tribya (Trivia) → Dagdag Kaalaman
- (preview) → Unang sulyap
-- Ataman 15:25, 30 Marso 2007 (UTC)
Tagalog Wikinews
[baguhin ang wikitext]Sa mga interesadong tao, maaari na kayong sumali sa pag-sulong ng Tagalog Wikinews, ang malayang tipunan ng balita kung saan maaari kang sumulat. Kung nais niyong tumulong sa proyektong ito, maaari kayong lumagda dito sa Meta-Wiki. --Sky Harbor 02:51, 10 Abril 2007 (UTC)
"Television Network" sa Tagalog
[baguhin ang wikitext]Mayroon bang direktang salin sa Tagalog ang salitang "Television Network". Balak ko kasing isalin ang karamihan ng mga artikulo ng English Wikipedia ukol sa mga TV network ng Pilipinas dito sa Tagalog Wikipedia. Hindi kasi pwedeng gamitin ang salitang himpilan o estasyon ng telebisyon kasi ang ibig sabihin nito sa wikang ingles ay "television station". Magkaiba rin ang ibig sabihin ng "television network" at "television station" ayon sa English Wikipedia. Salamat! -Danngarcia 16:41, 11 Abril 2007 (UTC)
- maari sigurong gamitin ang network pantelebisyon o television network mismo. --bluemask 06:26, 13 Abril 2007 (UTC)
"Network" sa Tagalog
[baguhin ang wikitext]Ayon sa Diccionario Ingles-Español-Tagalog ni Calderon (1915), ito ay ang salin ng "network" sa Tagalog: yaring tila lambat (baka para sa mga lambat na fishing net). Hindi ko naiintindihan kung ano ang salin na iyan. Alam ko na sa ngayon, ang salitang "network" sa Espanyol ay "red", pero ang salin nito noong 1915 ay "ronda" o "obra de malla". Ano kaya ang maaari nating gamitin para sa salin ng "network"? --Sky Harbor 14:20, 18 Abril 2007 (UTC)
- Magandang Umaga. Maaari po sigurong "Talastasan" ung "Network". Kung "Television
- Network"..."Talastasang Pantelebisyon"? Baka masmaganda kung
- "Patalastasan"....."Patalastasang Telebisyon". :)
- Naisip ko lang kasi ung tawag natin sa "Commercials","Patalastas"...tapos nang tingnan ko
- sa dictionary...ang "Talastas" ay announcement o advisory,na isang pangunahing layunin ng tv
- networks - squalluto
- Mas mainam na gamitin ang salitang "himpilan" upang tumukoy sa salitang network na ginagamit sa radyo at telebisyon.-RebSkii 18:31, 18 Abril 2007 (UTC)
- Paano naman kapag kompyuter ang pinaguusapan? Gagamitin rin ba ang salitang himpilan o (pa)talastasan? --Sky Harbor 19:15, 18 Abril 2007 (UTC)
- no. as i said, ginagamit ang himpilan sa radyo at telebisyon lamang. hindi rin ito ginagamit sa ibang teknolohiya tulad ng cellphone at ibapa. -RebSkii 19:39, 18 Abril 2007 (UTC)
- (This is why I regret the general lack of technical terms for Tagalog...borrow without changing, but it does not sound right.) Alam ko ang himpilan at/o (pa)talastasan ay ginagamit sa konteksto na iyan ay estasyon (hal. ...at ng himpilang ito = ...and this (television/radio) station), hindi bilang network, kung tama ako. --Sky Harbor 20:27, 18 Abril 2007 (UTC)
- Sabi ko nga po...himpilan. :P hehe.Squalluto 13:08, 19 Abril 2007 (UTC)
(reset indent) Sang-ayon ako kay Sky. Ang himpilan ay mas malapit sa channel o station. Dahil sa kakulangan ng katawang teknikal ang Tagalog (at Filipino), kailangan nating gamitin ang katawagang Ingles nang walang pagbabago sa baybay. Hangga't maari ay huwag tayong gumawa o mag-imbento ng mga katawagan na pantapat sa mga konseptong ito. Kung mayroon tayong patunay na ang mga bagong salita ay ginagamit sa kanilang larangan (gaya ng mga babasahin), sa panahon lamang na iyon magagamit ang mga ito. Tandaan lang natin ang proyekto natin ay isang encyclopedia at hindi tayo ang Komisyon sa Wikang Filipino. --bluemask 02:47, 20 Abril 2007 (UTC)
- Hmmm...binasa ko lang po muli ang "thread"...sa palagay ko po,kung "television network" ang pag-uusapan,tama lang po siguro ang himpilan...kaya lang po kung sa "computer networks" ang paggagamitan,marahil masmainam nga pong gamitin ang "network" nang walang pagbabago sa baybay. Sa wikang Mandarin ng Tsina,may mga salita din po silang hindi na binabago ang baybay sa diyaryo dahil masmaayos at mauunawaan nang mabuti ang isulat ito sa alpabeto at wikang Ingles tulad ng "De La Salle University","B.S.in Commerce major in Entreprenuership" at "Ateneo de Manila University"...hindi na po nila ito isinusulat sa wikang Mandarin. Dahil buhay ang wikang Filipino,maaari itong humiram ng salitang banyaga upang mapalawak at mapagaan ang pagunawa sa mga bagay-bagay. :) Tama po kayo, kung nakasulat nga po ang ensiklopedyang ito sa purong Tagalog (at "tagalized words"),ngunit hindi naman mauunawaan ng mga Pilipino,bale wala po ang layunin nating magbigay ng mabilisang impormasyon sa kapwa nating pinoy. :) Squalluto 13:25, 20 Abril 2007 (UTC)
Tingnan ang halimbawang ito: network (en:ABS-CBN Broadcasting Corporation) vs station (en:List of ABS-CBN channels and stations). Ano ang itatawag natin sa "network" at "station"? --bluemask 03:31, 21 Abril 2007 (UTC)
Saklolo! patulong po.
[baguhin ang wikitext]Magandang Gabi po. Maaari po bang magpaturo kung papaano gumawa ng panibagong sub-headline sa isang pahina? Paano din po magpalaki ng mga letra? Tsaka bakit po hindi ko magamit ung mga "buttons" sa itaas ng "subject headline" kapag may binabago ako sa isang artikulo? :) salamat.Squalluto 15:07, 20 Abril 2007 (UTC)
- Pakitignan ang Paano baguhin ang isang pahina. Maaaring makatulong ito. Di ko rin alam kung bakit hindi pa magamit yun mga buttons. -- Ataman 15:31, 20 Abril 2007 (UTC)
- Salamat po Ataman. tsaka na ang buttons. hehe.Squalluto 16:43, 20 Abril 2007 (UTC)
- tinutukoy mo ba ang headings at subheadings? kung ito nga, ang heading ay nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng ==titulo ng heading== at ang mga subheadings naman ay ginagamit ang wikicode na: ===
tulad ng: ===titulo ng subheading=== at ====titulo ng subheading====, halimbawa:
- tinutukoy mo ba ang headings at subheadings? kung ito nga, ang heading ay nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng ==titulo ng heading== at ang mga subheadings naman ay ginagamit ang wikicode na: ===
heading:
Talaan ng medalya
[baguhin ang wikitext]Pos. | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Pilipinas (PHI) | 1 | 1 | 1 | 3 |
subheading:
Mga medalya sa indibidwal na larangan
[baguhin ang wikitext]Larangan | Ginto | Pilak | Tanso |
Pencak silat | Juan dela Veracruz Pilipinas (PHI) |
Pedro Santander Timor Leste (TLS) |
Manus Boonjumnong Thailand (THA) |
sana ay nakatulong it. -RebSkii 20:04, 20 Abril 2007 (UTC)
- uy,salamat po! ang galing galing...may tables pa! gagawin natin yan kapag kailangan na. ehehe. salamat po muli.Squalluto 12:48, 21 Abril 2007 (UTC)
Istandardisasyon ng Tagalog na ginagamit sa Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Nakita ko sa Wikipedia sa Ilokano na sila ay may patakaran tungkol sa tamang paggamit ng Ilokano sa kanilang Wikipedia (silipin ang Wikipedia:Annuroten iti Grammar ken Ispeling). Ngayon, nais kong magmungkahi ng isang mungkahi para sa tamang paggamit ng Tagalog sa Wikipedia. Magiging pamantayan ang mungkahi na ito para sa pagsulat ng lahat ng artikulo sa Wikipedia.
Ang mungkahi na ito ay bumubuo ng mga sumusunod na tuntunin:
- Ang pagbaybay ng mga salita na ginagamit sa Wikipedia ay aayon sa kasalukuyang palabaybayan o ortograpiya na may bisa ngayon. Sa ngayon, ito ay ang Ortograpiyang Filipino ng 1987 na pinawalang-bisa noong 2001 at ibinalik noong 2006 sa utos ng Kagawaran ng Edukasyon.
- Ang pamantayan para sa lahat ng gagamiting salita ay dalawang diksyonaryo: ang UP Diksyonaryong Filipino at ang mga diksyonaryo ni Padre Leo James English. Kapag may salita na wala sa dalawang diksyonaryo pero ito ay nasa ibang diksyonaryo (Calderon, atbp.) at ito ay ginamit bilang pamagat ng artikulo, dapat ang salitang ginamit ay may sanggunian (tingnan ang abestrus para sa isang halimbawa). Kapag ang salita ay ginamit sa karaniwang teksto ng artikulo, maaaring gamitin ang salita, pero dapat ito ay may salin sa Ingles sa parentesis o sa ibang paraan na nagpapakita ang paggamit ng salitang iyon.
- Ang mga salitang walang salin sa Tagalog ay maaaring mahulog sa sumusunod na tuntunin ayon sa Ortograpiyang Filipino ng 1987:
- Maaaring hiramin ang salitang Espanyol. May preperensiya sa mga salitang mula sa Espanyol na nakatala sa isang diksyonaryong Tagalog o Filipino, pero maaari ring humiram ng salitang wala sa leksikon ng Tagalog pero nasa leksikon ng Espanyol na naka-sanggunian.
- Maaaring ibaybay ang salita sa pamamagitan ng palabaybayan ng Filipino. Pero, kapag walang sintido ang baybay ng salita sa Tagalog, maaaring gamitin ang salita sa Ingles na naka-titik na kursiba (italics, ayon kay Calderon)
- Kapag ang isang salita ay may salitang katutubo, mula sa Espanyol at mula sa Ingles, magbigay ng prayoridad sa katutubong salita. Kapag walang katutubong salita, magbigay prayoridad sa salitang Espanyol.
- Kapag ang salitang Espanyol ay malabo, dapat ito ay may sanggunian, ayon sa ikatlong tuntunin ng mungkahing ito. Kung malabo ang katutubong salita, dapat ito rin ay may sanggunian sa mas alam na salita.
- Lahat ng mga salitang teknikal ay maaaring gamitin na naka-Ingles. Pero, dapat sila ay naka-italics.
- Para sa mga salitang teknikal na may katumbas na katutubong salita, dapat gamitin ang katutubong salita (hal. ginto para sa gold, tipaan para sa teklado o keyboard, atbp.)
- Para sa mga salitang teknikal na may katumbas sa Espanyol, maaaring gamitin ang salita kapag ito ay nakatala sa isang diksyonaryo ng Tagalog o Filipino (ayon sa ikalawang tuntunin). Pero, kapag malabo ang salita, o wala ang salita sa leksikon ng Tagalog ngunit ito ay nasa leksikon ng Espanyol, dapat ito ay naka-sanggunian.
- Kapag ang isang salitang teknikal ay nagmumula sa Ingles at ito ay may tinatanggap na pagbaybay ayon sa palabaybayan ng Tagalog, maaaring gamitin ang salita ayon sa pagbaybay na iyon (hal. kompyuter).
- Kapag maaaring isalin ang isang salitang teknikal, maaaring gawin ito, pero dapat ang salitang Ingles ay naka-italics sa loob ng parentesis o ibang paraan na nagpapakita na ang salita ay salin.
- Para sa mga salita na may maraming paraan ng pagbaybay (hal. lalaki at lalake), maaaring gamitin ang anuman sa mga uri ng salita, pero dapat isang uri lamang ang ginagamit sa buong artikulo at sa pamagat. Pero, sa introduksyon ng artikulo, dapat nakasulat ang lahat ng paraan ng pagbaybay ng salita.
Sana ang mungkahi na ito ay magiging paksa ng mabungang usapan. --Sky Harbor 02:19, 24 Abril 2007 (UTC)
- Ayos. para hindi pabago-bago ang porma...consistent,ika nga po sa ingles. Hmmm...ung ukol sa Espanyol...siguro po masmakakabuti kun ung Ingles ang batayan ng mga teknikal na salita imbes na Espanyol,may mga salitang tagalog po kasi na direktang hinango mula sa wikang Espanyol ngunit may iba po kasing salita na masmainam kung Ingles ang batayan... :)Squalluto 14:15, 25 Abril 2007 (UTC)
Magandang Araw po sa inyo.Mawawala po ako nang pansamantala dito sa Wikipedyang Tagalog dahil sa isang proyektong pampersonal(anu kaya un. hehe...trabaho lang.) Pakitulungan na lang po ako sa mga nasimulan kong artikulo kung inyo pong nanaisin. Don't fret,I'll shall return! Huwag mag-alala,ako po'y magbabalik! hehe. Maraming Salamat po.Squalluto 14:15, 25 Abril 2007 (UTC)
- Medyo masunodsunuran (flexible) ang mungkahi na ito: maaaring gumamit ng salitang teknikal na may batayan sa Espanyol o Ingles. Nakikita ko na mas maraming gagamit ng salitang teknikal na may batayan sa Ingles, at maaari lang gumamit ng salitang teknikal na may batayan sa wikang Espanyol kapag ito ay nakatala sa isang diksyonaryong Tagalog o Filipino sa pinakamaraming kaso. --Sky Harbor 14:41, 25 Abril 2007 (UTC)
- Pano yan, wala akong spanish dictionary? and i tend to prefer using english when it comes to terms (na sa tingin ko ay walang salin sa tagalog), e.g. ang mga salitang: pommel horse, balance beam, uneven bars atbp lahat ay mayroong salin sa espanol ngunit mas madaling intindihin sa ingles kaysa sa espanol. ang mga sumusunod na salita ay hinanapan ko nang salin sa internet: bantamweight, flyweight, welterweight pero lahat magiging tunog griyego kapag binasa ng mga taong marunong magbasa ng tagalog. --RebSkii 16:42, 28 Abril 2007 (UTC)
- Nagbibigay muli ako ng empasis na masunudsunuran ang mungkahi na ito. Ang mungkahi ay nagbibigay lamang ng espasyo para gumamit ng salitang Espanyol kapag ito ay nakatala sa isang diksyonaryong Tagalog o Filipino sa pinakamaraming kaso. At maraming diksyonaryong Espanyol sa Internet (and by the way, the proposal has means to provide translations of words that sound Greek to Filipinos, example being tipaan (keyboard), since tipaan, although listed on the Fr. English dictionary, is quite uncommon) :). --Sky Harbor 02:06, 29 Abril 2007 (UTC)
Para sa mga katawagang teknikal, kung may katibayan na ginagamit ang salita (native Tagalog word, constructed Tagalog word, Talagalized Spanish word, or Tagalized English word) sa larangan nito, ito ang prayoridad. Kung wala, o hindi sapat ang katibayan, gamitin natin ang salitang Ingles na walang pagbabago sa baybay. --bluemask 09:49, 29 Abril 2007 (UTC)
- Maaari ring gawin iyon dahil sa kakulangan ng salitang teknikal sa Tagalog. --Sky Harbor 19:15, 29 Abril 2007 (UTC)
- so let's start this! i'm actually excited being part of this guideline. anong itatawag natin sa guideline na ito? kasi as far i know, wala yata tayong Manual of Style dito (please correct me if i'm wrong). sana simulan na 'to ngayon na ah! hahahaa! --RebSkii 17:40, 30 Abril 2007 (UTC)
- You are correct, there is no MoS on the Tagalog Wikipedia. Hindi ko alam kung ano ang magiging pangalan ng tuntunin/patnubay na ito, pero iniisip ko kung paano ito masusunuran. --Sky Harbor 15:32, 1 Mayo 2007 (UTC)
- NOTE: Sisimula ko na ang patnubay na ito. Ilalagay ko ito sa WIkipedia:Patnubay sa Estilo (o Manwal ng Estilo, kung ano ang mas maganda). Sasamahin ko rin ang salin ng ilan sa mga patnubay sa estilo ng pagsusulat ng artikulo na makikita ko sa Wikipedia sa Ingles. --Sky Harbor 00:01, 11 Mayo 2007 (UTC)
- Uy! geym din ako dyan! sama-sama ba sa pahinang ito ung Estilo sa paggamit ng Filipino Language at ung Estilo sa pagsulat ng mga artikulo? sige po dadaan-daan po ako para updated kahit papaano...salamat po! :) Squalluto 17:20, 11 Mayo 2007 (UTC)
Pagnomina para sa mabilisang pagbura
[baguhin ang wikitext]Magandang araw! Nais ko sanang inomina para sa mabilisang pagbura (CSD sa English Wikipedia) ang karamihan ng artikulong nakapaloob sa kategoryang ito. (Category:Pinoy Dubber) Halos lahat ng artikulo dito ay isinulat na parang account sa Friendster. Gusto ko rin po sanang paalalahanin na ang bersyon ng mga artikulong ito sa English Wikipedia ay binura rin sa katulad na dahilan.
Paano po bang mag-CSD o mag-PROD dito sa Tagalog Wikipedia? Ako po ay bago lamang dito. Salamat po! -Danngarcia 17:15, 25 Abril 2007 (UTC)
- Wala sa ngayon dahil walang proseso para sa pagbubura ng mga artikulo o kategorya. Maaaring mag-hiling dito, o magtanong sa mga tagapangasiwa dito. --Sky Harbor 18:02, 25 Abril 2007 (UTC)
- Ganun po ba? Dito ko na lamang siguro hihilingin na burahin ang mga sumusunod na artikulo:
- Tulad ng nasabi ko kanina, ang bersyon ng mga artikulong ito sa English Wikipedia ay binura dahil ang mga sumusunod na personalidad ay hindi gaanong kilala at "notable" para gawan ng artikulo sa Wikipedia at ang kanilang pagkakasulat ay maihahalintulad sa isang Friendster account. (en:Wikipedia:Articles for deletion/Jenny Bituin). Sana mabigyan ito ng kaagarang aksyon. Salamat! -Danngarcia 18:45, 25 Abril 2007 (UTC)
"Redirecting" sa Tagalog
[baguhin ang wikitext]Ang salita para sa redirecting ay ikinakarga, ayon sa KWF, kaya ang "Redirecting from (article)" dapat ay "Ikinakarga mula sa (artikulo)". Salamat na ang websayt ng KWF ay wiki rin. --Sky Harbor 00:01, 11 Mayo 2007 (UTC)
Barnstars
[baguhin ang wikitext]Naisip ko lang na dapat ay meron tayong mga barnstars o mga awards para sa mga miyembrong nagpapagod na tumulong sa Tagalog - Wikipedia. Parang sa mga barnstars sa Wikipediang Ingles. Felipe Aira 10:44, 17 Setyembre 2007 (UTC)
Pagsasalin ng mga templates mula sa Ingles
[baguhin ang wikitext]Sa lahat ng mga tagapangasiwa:
Gusto ko lang i-suggest na maisalin ang mga templates na ginagamit natin sa Tagalog-Wikipedia sa Tagalog mula Ingles. Katulad ng "see also template", "Infobox OS version" et cetera. Lahat ng mga templates na ito ay Ingles at dahil Tagalog-Wikipedia naman ito ay sana ay maisalin ito sa wikang Tagalog. Salamat na lang sa kung sino mang gagawa ng aksyon ukol dito. Salamat. Felipe Aira 10:19, 15 Setyembre 2007 (UTC)
Suhestyon sa Pagsasaayos
[baguhin ang wikitext]Magandang araw po! naisip ko lang po nung isang gabi na baka makakatulong po kung magkakaroon din tayo ng mga "contact persons" o mga "in-charge" sa specific categories dito...'yun bang may mga nagmomonitor na mga tao sa bawat,kunwari si userAAA at userBBB naka-pokus ung mga edits at new pages nila sa Science tapos sina UserCCC at UserDDD sa Politics & Governance. :) isasaad ko po ung mga naisip kong kategorya...
- Siyensya (Science)
- Sining (Arts)
- Negosyo at Ekonomiya (Business & Economics)
- Pampalakasan (Sports)(tama ba?)
- Pelikula at Artista
- Pulitika & Pamahalaan
- Teknolohiya
- Kulturang Pilipino
- Heograpiya ng Pilipinas
- Kasaysayan ng Pilipinas
- at marami pa pong iba.
Pero naisip ko po baka kukulangin din po tayo sa tao...hehehhe. sa wari ko lang po. salamat! :) Squalluto 17:51, 11 Mayo 2007 (UTC)
- sa iniisip ko ay hindi dapat itong mangyari sa sumusunod na kadahilanan:
- Ang Wikipedia ay isang malayang ensiklopediya.
- Ang pagkakaroon ng mga people in-charge ay magbubunga ng byurokrasya (tulad sa Wikipedia:Esperanza) na hindi yata tama. Magkakaroon ng pag-aangkin ang mga tao sa mga specific categories na babantayan nila.
- Ang pag-eedit ng kahit anong pahina na gustuhin ng editor na hindi kailangang sumangguni sa taong in-charge ay isang mahalagang esensya ng encyclopediang ito.
- maaaring mali ang pananaw kong ito, pero sa tingin ko mas mainam na magtatag ng isang wikiproyekto sa mga nabanggit na kategorya kung may sapat na mga tao na pupuno sa pangangailangan ng isang proyekto. kung saan ang lahat ng miyembro ay magtutulungan sa kanilang subject of interests at titignan ang bawat isa na pantay-pantay, walang presidente, walang in-charge at lalong walang subordinates.
--RebSkii 18:36, 11 Mayo 2007 (UTC)
- magandang umaga po! actually hindi po "head" o hindi po posisyon ung "in-charge",kumbaga un bang pokus lang nila un mga kategoriyang naassign sa bawat isa,pero lahat po pwede pa rin mag-edit sa lahat ng mga artikulo...para lang siguro mapabilis...hehe...pero mukha ngang hindi na natin kailangan sabihin kasi may kanya-kanya na tayong mga artikulo na interesado tayong baguhin at gawin. :) regarding po sa wikiproyekto...may nabasa nga po akong isang pahina na wikiproyekto:pilipinas parang ganun...hindi ko po maintindihan masyado "although" parang isang pahina na umiikot sa mga artikulong nagko-"concentrate" sa mga konseptong Pilipino...tama po ba? :) kung ganun po...parang iyon na nga po ung idea na naisip ko...na naisip na pala..heheh. :) sige po salamat muli! Squalluto 19:25, 11 Mayo 2007 (UTC)
- Agham (Science), Pangkabuhayan (Economics), Pampamahalaan (Governance) -Filipinayzd 18:39, 29 Hulyo 2007 (UTC)
Kitaan sa SM Megamall
[baguhin ang wikitext]Tara usap tayo sa Mayo 20, 2007, 1:00 ng hapon sa SM Megamall, Building A, doon sa Kenny Rogers. --Exec8 12:12, 12 Mayo 2007 (UTC)
- paran san to? pwede naman tayong mag-usap sa Kapihan. megamall is accesible to me, pero pano naman ang iba? --RebSkii 18:39, 12 Mayo 2007 (UTC)
- Isang impormal na miting ito ng lahat ng mga Wikipedista na nag-aambag sa lahat ng proyektong Wikimedia sa lahat ng wika ng Pilipinas. Maraming uusapan doon...lol. Sana may mga taga-dito na pupunta. --Sky Harbor 07:35, 18 Mayo 2007 (UTC)
- Sana ay makadalo ako... --Mananaliksik 04:19, 19 Mayo 2007 (UTC)
- Isang impormal na miting ito ng lahat ng mga Wikipedista na nag-aambag sa lahat ng proyektong Wikimedia sa lahat ng wika ng Pilipinas. Maraming uusapan doon...lol. Sana may mga taga-dito na pupunta. --Sky Harbor 07:35, 18 Mayo 2007 (UTC)
ako din... pwede po ba sumama? —Ang komentong ito ay idinagdag ni 206.191.69.149 (usapan • kontribusyon) noong 06:43, 18 Hulyo 2007.
WEB SAYT at PAHINANG WEB
[baguhin ang wikitext]ATTN. Ataman. Magandang gabi po! pasensya na po,ngayon ko lang nagawang halungkatin ung libro namin sa kolehiyo na sasagot po sa tanong niyo. :) Makikita po ung mga talakayan ukol sa mga "tagalized English words" sa librong "PULITIKA ng WIKA" na "in-edit" nina Teresita Fortunato at Ma.Stella S. Valdez. Compilation siya ng mga salaysay at artikulo na isinulat ng mga propesor at sikat na "lingwist" tulad nina Dr.Isagani Cruz(hindi ung lawyer sa Inquirer kundi dating undersecretary ni Roco sa dating DECS at DEPed na ngayon) at Andrew Gonzales. Siguro po pareho ang kolehiyong pinasukan ko sa kolehiyo ng mga nagsulat sa artikulong ito (Pahinang Web),kasi po sumusunod sila sa iminumungkahi ng librong PULITIKA NG WIKA. Sabi po kasi sa libro ung Filipino po ay nagbabago at "fleksibol". Para dumami po ung vocabulary ng Filipino kinakailangan po manghiram sa ibang wikang banyaga,lalo na po sa Ingles. At kung hihiramin daw po ito,ibabaybay po sa wikang Tagalog/Filipino style. Halimbawa,ung nickname po ni Mananaliksik...pwede na po niyang "i-syortkat" at magiging "risertser" na lang. :P Kung sa akin po,hindi po ako sang-ayon sa paggamit ng ganitong pamamaraan kasi po baka tuluyan na pong makalimutan ng mga Pilipino(baka pati mga tagalog-speakers) ang wikang Filipino/Tagalog...tsaka po parang tatamarin tayong mga Pinoy na gamitin ung tutoong wika natin at basta-basta na lamang po magsasalin ng salitang Ingles sa baybay ng wikang Filipino...tulad na lamang po ng salitang "MASTERI" na ginamit sa nasabing libro(Introduksyon page) ...ung pangungusap na ginamit ay ito "Focus ng pag-aaral ngayon sa kursong...ang pagbibigay-halaga sa pag-angkin ng estudyante ng masteri sa sariling wika"...sa tingin ko po pwede naman gamitin ung kadalubhasaan. Ang ginagawa ko din po kapag ung salitang ingles,lalo na po ung mga teknikal na salita,ay malabo pakinggan kapag isinalin sa Filipino,iniiwan ko na lang po sa orihinal na baybay...minsan po ginagawa kong italicized..tsaka po ung mga letra ng bago nating alpabeto parang english alphabet na rin po may "enye"(di ko po makita sa keyboard) at "ng(enji)" lang ung atin...wala naman po sigurong masama kung ibaybay sa orihinal na salitang ingles. :) sige po sana nakatulong...pero mukhang lalo ko po atang pinagulo...tsaka po pala sa libro ung "survey" ay "sarbey" tapos ung "parents" hindi magulang kundi "peyrents" may letrang "y" pa. :) Squalluto 15:13, 18 Mayo 2007 (UTC)
- Kaya ko po tinatanong ang mga bagay na ito kasi mukhang hindi na sumasang-ayon ang ayos ng pagbabaybay ng mga salita. Ang ibig ko pong sabihin ay yung salitang sayt sa web sayt. Di ba ang mga baybay sa Tagalog ay mga "a,ba,be,bi,bo,bu,ka,.."? Ang ibig ko pong sabihin ay pwede namang web site na lang yun titulo ng artikulo, tanggap na naman ito sa Tagalog/Filipino. Yung Pahinang web, ito ay magkahalong Tagalog at Ingles na salita. Bakit hindi na lang web page ang titulo, malabo kasi pag "pahinang sapot" ang nakalagay =D.
- May Komisyon ng Wika sa UPLB na namamahala sa mga pagsalin ng mga teknikal na salita sa ating wika, subalit wala na akong balita tungkol sa kanilang mga ginagawa. Mayroon po ba tayong ibang mapagsasanggunian ukol sa pagsasalin ng mga wikang banyaga/teknikal, maliban sa diskusyon na nakasulat itaas Wikipedia:Kapihan#Istandardisasyon ng Tagalog na ginagamit sa Wikipedia
- -- Ataman 05:17, 19 Mayo 2007 (UTC)
- e di ok pala kung may Komisyon ng Wika sa UPLB,kaya lang po,sa tingin ko po,di na sana kailangan pang isalin ang mga salitang teknikal sa tagalog,pwede na sigurong kunin at gamitin ang orihinal na baybay sa inggles o kung saan mang wika nakuha.....nabasa ko din po pala sa Diksyunaryo ni LEO JAMES ENGLISH,sa may simula,ang sabi po nya masmainam daw po kung hindi na papalitan ang baybay ng salitang banyaga...ang sagwa nga po ng "pahinang sapot". :) pero siguro hindi na po natin kailangan problemahin masyado ung salin at mga isyu sa wika...ipapaubaya ko na lang ung mga gawa ko sa mga pinoy wikipedista na dalubhasa sa larangang ito...maliban na lang po kung masagwa nang pakinggan. :) salamat po. :) Squalluto 12:37, 26 Mayo 2007 (UTC)
- May bagong balita tungkol sa Komisyon ng Wikang Filipino na sinasabi ko: KFW -- Ataman 05:43, 18 Hunyo 2007 (UTC)
- Uy! eksayting!(exciting!) nabasa ko po ung artikulo...mukhang makakabuti ang plano nina Nolasco. Tsaka sana maipasok nila ung proyekto sa sistema ng DepEd...un bang kapag science at math gamitin ung lokal na wika then sympre may Filipino at English subjects pa rin...hehehe...un mga nakaraan na balita kasi nais po ata ni Gloria na masbigyan ng diin ung English,tapos may mga grupo at mga "academicians" na tumutol...ung nais po nila science at math pinapaliwanag sa Filipino...Hmmmm.....mukhang isang magandang balita ito para sa bansa dahil maaari itong magpasimuno sa muling pagbuhay ng nasyonalismo sa Pilipinas..tapos babalik na uli ung mga OFW..tapos gaganda uli ung lokal na industriya ng pelikula...tapos mawawala na si gloria..hehehe...pwede din siguro kung magkakaroon ng mga elective subjects na local dialects. :P kaya lang wala naman tayo sa position nila..heheheh....kaya dito na lang ako sa wikipedia. :) salamat! Squalluto 08:50, 18 Hunyo 2007 (UTC)