Wikipedia:Kapihan/Arkibo 11
Pagnomina para sa mabilisang pagbura
[baguhin ang wikitext]Aking ninonomina para agarang mabura ang mga sumusunod na artikulo dahil hindi "notable" ang mga personalidad na ito ayon sa mga panuntunan ng Wikipedia. Nabura na rin ang mga kaparehong artikulo nito sa English Wikipedia noong nakaraang taon. (Tignan ang Wikipedia:Articles for deletion/Jenny Bituin para sa ibang detalye)
- Michiko Tiongson
- Jo Anne Chua
- Katherine Masilungan
- Archie de Leon
- Louie Paraboles
- Montreal Repuyan
- Grace Cornel
- Michael Punzalan
- Rowena Raganit
- Vincent Gutierrez
Akin ring ninonomina ang kategoryang ito para mabura sa kaparehong kadahilanan.
- Category:Pinoy Dubber
Maraming salamat! -Danngarcia 17:16, 23 Marso 2008 (UTC)
- Ang proseso rito para magbura ay:
- Idagdagdag itong {{Mungkahi-burahin}} sa pahinang iyong balak inomina.
- Sa bawat paglagay mo ng suleras na iyon. Pindutin ang "pinagmungkahian nito"ng pula. Gagawa iyon ng panibagong pahina.
- Sa panibagong pahinang iyon ilagay mo ===[[ang nominasyon mo]]=== enter sa baba yung dahilan kung bakit kailangang burahin.
- Pindutin ang "itala ang pahina" sa kababaan upang magawa ang pahina.
- Idagdag ang {{Wikipedia:Mga pahinang buburahin/[pangalan ng iyong ninomina]}} sa tutok ng seksyong artikulo ng WP:BURA. Maglagay ng ---- sa pagitan ng bawat nominasyon.
- Gawin ito sa rami ng iyong ninomina. Kaya kung 5 ang iyong inonomina 5 beses mo gagawin yung sa itaas.
- -- Felipe Aira 03:26, 24 Marso 2008 (UTC)
Gabay - Wikipedia:Paano magsimula ng pahina
[baguhin ang wikitext]- Pakitingnan na rin ang mga pagbabagong ginawa ko dito: Wikipedia:Paano magsimula ng pahina. Kasama po ang mga kawing. Baguhin na lamang po kung dapat. Salamat. - AnakngAraw 03:15, 24 Marso 2008 (UTC)
Mga problema
[baguhin ang wikitext]May problema ang pag-access ko ng Kapihan sa Mozilla Firefox. Kapag binubuksan, agad iyan sumasarado at sinasabi na may kamalian. Baka ang pinagmulan ng problema ay dahil sa mga naka-paskel dito. --Sky Harbor 04:45, 24 Marso 2008 (UTC)
- Baka kompyuter mo may problema kasi ok naman sa Mozilla ko. O kaya baka isa itong bug na kakaresolba lang. Kasi bago nagsimula Mozilla ko inupdate ko muna ito, baka outdated na iyang sa iyo. -- Felipe Aira 05:03, 24 Marso 2008 (UTC)
- Tulad din kay Felipa Aira, baka lang sa computer mo ito. I-update mo ang browser. O di kaya, may malware ang computer mo. Sana nakatulong ito. Mariel, Labis na Tagahanga ni Thalía, 14:29, 6 Abril 2008 (UTC)
Lahi vs Grupong etniko
[baguhin ang wikitext]Ano ba ang dapat gamitin natin sa mga artikulo ng tao, lahi o grupong etniko? Halimbawa: Tagalog (lahi) vs Tagalog (grupong etniko). Para sa akin dapat lahi. -- Felipe Aira 13:42, 26 Marso 2008 (UTC)
- Ang lahi ay race at ang pangkat etniko ay ethnic group. May pagkakaiba ang dalawang mga terminolohiya. --Sky Harbor 14:00, 26 Marso 2008 (UTC)
sa aking palagay ang lahi ay tumutukoy sa malaking pangkat ng tao katulad ng kayumanggi o brown race.samantala ang etnikos ay napapasa loob ng lahi na ito ay maaaring tawaging lipi.halimbawa ;ang tagalog ay siyang pinakamalaking lipi ng kayumanngi sa pulo ng luzon.o ang tagalog ang malaking pangkat etnikos sa pulo ng luzon.maari ding tawaging ang liping tagalog ang pinakamalaking pangkat ng lahi ng kayumanggi sa pulo ng luzon.—Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan elliseo (usapan • kontribusyon) noong {{{2}}}.
Mungkahi: Para sa mga hindi nagsasalita ng Tagalog
[baguhin ang wikitext]Maaari po ba tayong maglagay ng kawing sa Unang Pahina – sa ilalim ng Ang Komunidad ng Tagalog Wikipedia ng isang maikling kawing tulad ng “If you don’t speak Tagalog”, para sa mga hindi nagsasalita at nakababasa ng Tagalog. Para po sana sa mga gustong makipag-ugnayan sa atin sa ibang wika (partikular na ang nagsasalita ng Ingles). Baka meron din po kasing humingi ng tulong para matuto ng Tagalog, o magbigay ng mungkahi para mapabuti pa natin ang Tagalog na Wikipedia, at iba pa. Binabanggit ko po sa ibaba ang tatlong halimbawa ng mayroong kawing na magagamit ng mga hindi nagsasalita ng Tagalog.
Puwede naman po siguro tayong lumikha ng isang pahina para sa kanila lamang, na maaari nating tawaging Tagalog Wikipedia Café o Tagalog Wikipedia Embassy. O kaya kung gusto ninyo diretso na natin sa kasalukuyang Kapihan (kaya lang mahahalo po sa halos Tagalog na usapan). (Tila meron na po yatang embahada tayo pero walang kawing mula sa Unang Pahina).
Ano po ba sa tingin ninyo? Ako po e para sa kawing na patungo sa isang matatawag na Tagalog Wikipedia Café na magsisilbing pinaka-embahada na rin. - AnakngAraw 03:46, 31 Marso 2008 (UTC)
- O kaya lagyan na lamang ng salitang "Embahada", "Ambassade" atbp. sa kababaan. Ano sa tingin niyo? Lalagyan ko ang Unang Pahina/Temp bilang halimbawa. -- Felipe Aira 05:28, 31 Marso 2008 (UTC)
- Ang mga ginawa ko roon ay batay sa 10 pinakamalalaking Wikipedia, ngunit mapapasin niyo ay 9 lang iyan. Kasi sa Pranses at Olandes pareho lamang ang salin ng Embahada. Nasa ibaba ang aking idinagdag. -- Felipe Aira 05:59, 31 Marso 2008 (UTC)
Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館
Iyan ang mga salin ng Embahada sa iba-ibang wika.
- ambasada: Bosnyan, Croata, Polines at Serbyong Romano
- ambasciata: Italyano
- ambassad: Kurdes, Suweko
- ambassade: Aprikaans, Danes, Norwego, Olandes at Pranses
- Botschaft: Aleman
- embaixada: Portuges
- embajada: Espanyol
- embassy: Ingles
- 大使館: Hapon
Sa lahat-lahat 17 wika ang kinasasakupan ng mga saling iyan. Nangangahulugang kung mayroon mang bumisita sa atin na nagsasalita ng 17 wikang iyan maaari silang mapunta sa embahada. -- Felipe Aira 05:59, 31 Marso 2008 (UTC)
- Sang-ayon - mainam po ang inyong ginawang ito. Sana ay maipatupad na agad. Kung may mga dapat baguhin lalo na sa mismong pahina ng ating embahada, makikita po natin yan kapag may mga nakipag-ugnayan na... - AnakngAraw 20:34, 31 Marso 2008 (UTC)
mas mainam po kung pagyamanin muna ang tagalog wikipedia ng mga informasyon o mga ibat ibang kaalaman.ang pagsasalin ng mga ito sa iba pang wika ay maaaring isunod kapag lubus na ang mga nakasulat o nakalathala sa usaping ito.salamat po.—Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan elliseo (usapan • kontribusyon) noong {{{2}}}.
Mga kulay sa Unang Pahina
[baguhin ang wikitext]Ito po ay isang mungkahi lamang uli: sa tingin ko mukhang masyadong kahawig ng Ingles na Wikipedia ang "pabalat" ng Unang Pahina ng Tagalog na Wikipedia. Maaari po sigurong dapat na magkaroon ng kaunting pagkakatangi ang Wikipediang Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay na sumusunod:
- #FFE6F8 (rosas),#FFFACD (dilaw),#F0F8FF (bughaw); dapat meron din pong kinatawan ang puti (naaaninag lamang o transparent)
Ito po ang minumungkahi ko para magkaroon ng representasyon ang watawat ng Pilipinas, bilang pagkakakilanlan lamang po sa Tagalog Wikipedia. Mapupusyaw po ang mga nasa itaas na kulay kung ikukumpara sa talagang mga kulay ng watawat ng Pilipinas, upang mabigyan ng konsiderasyon ang mga taong (mga mata nila) maaaring may suliranin sa pagtingin at pagkilala sa mga kulay. Salamat po muli. Ano po sa tingin ninyo?
- Pakisilip ang Unang Pahina/Temp. -- Felipe Aira 03:58, 1 Abril 2008 (UTC)
- Masyado po atang mapula yung pangpamagat ng kahon. Medyo masakit sa mata. Kailangan po ata yung mapanglaw katulad ng sa rosas. Pusyawan pa po sana ang pangkahon, at pumili ng di gaanong mapanglaw para sa pamagat ng kahon. Salamat po. Sana masubok po rin ninyo yung iba pang kulay na nasa itaas, hanggang sa maging tumpak ang timpla. - AnakngAraw 04:02, 1 Abril 2008 (UTC)
- Tila dapat po yata, isang kulay para sa bawat kahon. Para po talagang pangwatawat. Yun po bang kung paano nakalahad ang bandila kapag nakasabit lang sa dinding ng pahaba. Yung mga pampagat na Napiling Larawan, Alam Ba Ninyo?, Napiling Artikulo, at Kasalukuyang Pangyayari e kamag-anak ng kulay ng nasa loob ng kani-kaniyang kahon, pero bahagyang grado lang ang kaibahan (mas maitim bahagyang-bahagya lamang siguro). - AnakngAraw 04:08, 1 Abril 2008 (UTC)
- Sumubok na po ako dun sa Unang Pahina/Temp. Ang kasalukuyang pagbabago po ay hinggil sa mga pamagat ng kahon na naging "krema" (hindi na dilaw). Kung may mas magandang ideya pa po kayo at iba, paki na lang po. Nagkumpara na ako ng ibang kulay, pero ito lang po ang pinakamalapit sa mungkahi ko na di masakit sa mata. Salamat po. - AnakngAraw 05:12, 1 Abril 2008 (UTC)
- Tila dapat po yata, isang kulay para sa bawat kahon. Para po talagang pangwatawat. Yun po bang kung paano nakalahad ang bandila kapag nakasabit lang sa dinding ng pahaba. Yung mga pampagat na Napiling Larawan, Alam Ba Ninyo?, Napiling Artikulo, at Kasalukuyang Pangyayari e kamag-anak ng kulay ng nasa loob ng kani-kaniyang kahon, pero bahagyang grado lang ang kaibahan (mas maitim bahagyang-bahagya lamang siguro). - AnakngAraw 04:08, 1 Abril 2008 (UTC)
- Masyado po atang mapula yung pangpamagat ng kahon. Medyo masakit sa mata. Kailangan po ata yung mapanglaw katulad ng sa rosas. Pusyawan pa po sana ang pangkahon, at pumili ng di gaanong mapanglaw para sa pamagat ng kahon. Salamat po. Sana masubok po rin ninyo yung iba pang kulay na nasa itaas, hanggang sa maging tumpak ang timpla. - AnakngAraw 04:02, 1 Abril 2008 (UTC)
Mga pambati para sa di-kilala/di-kilala at bandalo
[baguhin ang wikitext]Iminumungkahi ko nga po pala na kung maaari ay palitan natin ang mga katagang "Kung magpapatuloy pa rin ang iyong walang kabutihang paninira, mapipilitan kaming harangin ka" para sa mga bandalo at hindi makilala. Sa pananaw ko po dapat na maging mas magkaroon ng diplomasya ang mga pananalitang gamitin, sapagkat ang mga bandalo at di-kilala ay maaari pa ring mahikayat na "magbago" at maging ganap at may-kasanayang Wikipedista. Maaari po sigurong palitan ito ng katulad nito:
"Kung magpapatuloy pa rin ang iyong mga pagbabagong nakaaapekto sa kalidad ng mga artikulo, maaaring mapilitan kaming pigilan ka, na maaaring humantong sa pagharang sa iyo. Maaari kaming tumulong sa iyo upang maging ganap kang katanggap-tanggap na Wikipedista kung susundin mo ang aming payo. Salamat sa iyong pagdinig sa aming kahilingan."
Ano po sa tingin ninyo? Mas mabuti po siguro ang ganito. Salamat po uli. - AnakngAraw 01:43, 1 Abril 2008 (UTC)
- Oo nga pala po, dapat nating bigyan ng konsiderasyon ang mga bagong tagamit at ang kanilang edad, at maging ang katayuan nila sa paggamit ng kompyuter. Meron kasing wala namang kompyuter sa bahay, yung iba ay nakikigamit lang pero sa tingin ko gustong maranasan kung paano maging wikipedista, yung iba e nagbabayad para makagamit ng kompyuter at walang sapat na panahon dahil may "taning" ang bayad sa paggamit ng kompyuter. Salamat po uli. Matuturuan po natin sila kung paano magamit ng husto ang kanilang oras lalo na kung mag-aambag sila sa Tagalog na Wikipedia. - AnakngAraw 02:03, 1 Abril 2008 (UTC)
- Sige babaguhin ko. Pero tanong muna, pula pa rin ba o normal na? -- Felipe Aira 04:29, 1 Abril 2008 (UTC)
- Subukan po ninyo ang asul sa di-kilala at kayumanggi para sa di-kilala at bandalo. Para banayad lang po at hindi tayo magmukhang galit at matapang. Alam na po siguro ninyo ang ibig kong sabihin. Salamat po. - AnakngAraw 04:33, 1 Abril 2008 (UTC)
- Ayon po sa mungkahi ninyo, sinusubukan ko na baguhin ang kulay, pero di ko po malaman kung paano. Kaya sana pakigawa ninyo sa susunod na pagbukas ninyo ng inyong kompyuter. Gusto ko sana gawin dahil nandito pa ako pero di ko talaga makita kung saan babaguhin ang kulay at paano. At saka nga po pala, isa lang po ang nabago ninyong mensahe yung para sa bandalo at di-kilala lang. Para dun sa bandalo lang, hindi pa nababago. Ayaw ko naman baguhin pa kasi baka magkamali ako. Paki na lang din po... - AnakngAraw 04:55, 1 Abril 2008 (UTC)
- Pero kung nandiyan po ang tagapangasiwa, baka puwedeng pakigawa habang namamahinga si Ginoong Felipe. Salamat po. - AnakngAraw 04:55, 1 Abril 2008 (UTC)
- Ayon po sa mungkahi ninyo, sinusubukan ko na baguhin ang kulay, pero di ko po malaman kung paano. Kaya sana pakigawa ninyo sa susunod na pagbukas ninyo ng inyong kompyuter. Gusto ko sana gawin dahil nandito pa ako pero di ko talaga makita kung saan babaguhin ang kulay at paano. At saka nga po pala, isa lang po ang nabago ninyong mensahe yung para sa bandalo at di-kilala lang. Para dun sa bandalo lang, hindi pa nababago. Ayaw ko naman baguhin pa kasi baka magkamali ako. Paki na lang din po... - AnakngAraw 04:55, 1 Abril 2008 (UTC)
- Subukan po ninyo ang asul sa di-kilala at kayumanggi para sa di-kilala at bandalo. Para banayad lang po at hindi tayo magmukhang galit at matapang. Alam na po siguro ninyo ang ibig kong sabihin. Salamat po. - AnakngAraw 04:33, 1 Abril 2008 (UTC)
- Nagawa ko na pong palitan ang kulay, pero napansin ko hindi po gumagana para sa "template:bandalo" ang pagbabago. Paki-tsek na lung kung bakit? Umeepekto dun lang sa "template:pambati|hindi kilala at bandalo". Salamat... - AnakngAraw 20:06, 1 Abril 2008 (UTC)
Napiling Larawan
[baguhin ang wikitext]Napansin ko po na wala na tayong reserbang Napiling Larawan, dahil wala na pong lumilitaw sa Unang Pahina. Maryoon po akong nabasa dati na iminumungkahi ni tagapangisawang User:Jojit fb na kumawing po muna tayo mula sa Napiling Larawan ng Wikimedia Commons (kung tama po ang natatandaan ko) para laging papalit-palit ang larawan natin dito sa Tagalog Wikipedia. Palitan na lamang po iyon kung mayroon magharap sa pagkanapiling larawan. Ano po ba ang nangyari sa usaping ito? Kung makikita pa po ninyo kung kawing sa usapang iyon, pakilagay na lang dito. Salamat po... - AnakngAraw 01:50, 1 Abril 2008 (UTC)
- Saka nga po pala, dapat nagkaroon tayo ng "pansalo" na hindi muna mapapalitan hangga't wala pang nominasyon dahil naubusan po tayo ngayon. Dapat po yata yung pinakahuling larawan e nanatili muna sa Unang Pahina. Nawala/nawalan na lang po tayo e. Salamat po uli. - AnakngAraw 01:52, 1 Abril 2008 (UTC)
- Isasagawa na rin po ba ang isinasaad sa unang taludtod? - AnakngAraw 17:26, 12 Abril 2008 (UTC)
Tagalog Wikipedia o Filipino Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Pananaw at tanong lamang po. Ano po ba talaga ang dapat nating itawag sa wika ng mga Pilipino? Sa akin, Filipino dapat sana, kasi kumakatawan sa lahat ng Pilipino at maging sa lahat ng wika sa Pilipinas. Maaaring nagkaroon na kayo ng talakayan tungkol sa kung dapat bang Tagalog Wikipedia ito o Filipino Wikipedia (wikipedya ng mga Pilipino) ang tawag dito. Pero napuna ko po na sa Ingles na Wikipedia, tumuturo ang Filipino wikipedia patungo sa Tagalog Wikipedia. At ang pangalan ng komisyon para sa pambansang wika sa Pilipinas ay Komisyon ng Wikang Filipino. Kung gayon, bakit hindi po tinatawag itong wikipedia na ito bilang Filipino Wikipedia (bilang kinatawan ng mga Pilipino sa mga wikipedia at kinatawan ng [mga] wika sa Pilipinas)? Sumasaklaw din kasi ang Filipino Wikipedia, kung gagamitin, sa lahat ng mga uri ng Pilipino, yung nasa Pilipinas, nasa ibang bayan, may-halong lahi, at iba pa... Ano na po ba ang katayuan natin sa paksang ito ngayon, sa loob man o labas ng Wikipedia? - AnakngAraw 23:51, 1 Abril 2008 (UTC)
- Eto ang pagkakaalam at opinyon ko. Sa baba yung may tag. -- Felipe Aira 02:23, 2 Abril 2008 (UTC)
Noong panahon ng komonwelt, panahon ni Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa, naghayag siya ng isang opisyal na wika sa unang pagkakataon ng kasaysayan ng Pilipinas; kasi noong panahon ng Kastila walang opisyal ngunit de facto ang Kastila. Ito ang wikang Tagalog, na noong kaunahang panahon ay ganoon na ang pangalan, na binansagan ding Wikang Pambansa. Pinapamahalaan ito noon ng Surian sa Wikang Pambansa. Tandaan Tagalog ang Wikang Pambansa. Pinili ang Tagalog kasi marami nang nagsasalita nito noong panahong iyon (ito ang wika ng Maynila, ang trono ni Quezon.), at hindi na nahahati sa iba pang mga wika; hindi katulad ng Bikol na may Bikol Central, Bicol Rinconada atbp. Ang pasyang ito ay ikinagalit ng maraming di-Tagalog, lalo na ng mga taga-Cebu. Mayroon pa ngang nagkaproblema sa Lupang Hinirang (Tagalog), kaya may sarili silang saling Sugboanon. Itong sunod nabasa ko sa librong nakalimutan ko na ang pamagat: Noong panahon ni Rizal, ang pinakaginagamit na wika noon sa buong Pilipinas, maliban sa Kastila, ay Cebuano hindi Tagalog, kakaunti nga lang noong panahon ang mga nananagalog. Nagkataon lamang na ang mga rebolusyonaryo ay mga Tagalog, at ang rebolusyon, karamihan nito, ay naganap sa Katagalugan. Kaya tandaan ang isinisigaw ng mga Katipunero ay "Mabuhay ang Katagalugan!" hindi "Mabuhay ang Pilipinas!".
Noong bandang 1960's, nabasa ko rin sa aklat at Wikipedia, pinalitan ang pangalan ng wikang pambansang Tagalog sa Pilipino. Ito raw ay para mas maging makabansa ang wika at hindi tumukoy sa isang pangkat etniko (mga Tagalog) o lugar (Katagalugan); ngunit hindi ito ikinasaya ng marami. Tingin nila ay pumapanig ang pamahalaan sa Katagalugan at/o mayroong Imperyalismong Tagalog.
Noong ginawa ang saligang batas noong panahon ni Aquino matapos patalsikin si Marcos sa Hawaii, uminit nanaman ang debate. Nakalagay kasi sa saligang batas na (eksakto; may kopya ako ng saligang batas sa bahay):
Artikulo 14 - Seksyon 6
“ | Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa (batay sa) umiiral na wika sa Pilipinas (Ito ang Tagalog; pinakaginagamit/umiiral) at sa iba pang mga wika (minoridad). | ” |
Ayon sa iba ang wikang Filipino ang bagong modernong katawagan sa Tagalog. Para sa akin ito ay isang bagong wika na kahalintulad ng Tagalog. Gaya nga ng sinabi sa saligang batas batay sa Tagalog ngunit hindi ang papalit sa Tagalog.
Ang pinagkaiba ng Filipino at Tagalog sa isa't isa ay pinagdedebatihan pa rin dahil hanggang ngayon hindi pa rin umaaksyon ang Komisyon (sa Wikang Filipino).
Pero ito ang pagkakaiba:
- Alpabeto:
- Filipino: A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z (Ñ: Kastila; NG:Tagalog)
- Tagalog: A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y
- Bigkas ng alpabeto:
- Filipino: ey bi si di i ef dji eyts ay djey key el em en enye endji ow pi ...
- Tagalog: a ba ka da e ga ha i la ma na nga o pa ra sa ta u wa ya
- Bokubolaryo: sa Filipino lahat na halos ng maiisip mong banyagang salita ay idinagdag nila sa talasalitaan: asaynment, titser atbp.
At oo nagkaroon na kami ng talakayan Wikipedia:Filipino o Tagalog, sa mga arkibo ng WP:KAPE, at sa Wikipedyang Ingles, lalo na sa WP:TAMBAY. -- Felipe Aira 02:23, 2 Abril 2008 (UTC)
- At oo nga pala para sa akin ay Tagalog pa rin dahil ito ay upang mapanatili ang pagyayaman ng Wika hindi ng mula sa mga banyagang salita kundi mula sa atin. At naniniwala rin akong mayroong Imperyalismong Tagalog sa totoong buhay, at hindi lunas ang Filipino roon. -- Felipe Aira 02:27, 2 Abril 2008 (UTC)
- Aha, kaya po pala! Napakamakasaysayan ng inyong paliwanag na lubhang malinaw at maaliwalas pa. Balang araw meron pa rin naman siguro talagang matatawag na Wikang Filipino (kailangang magkasundo muna siguro bago dumating yun, kelan kaya?). Pero tama kayo diyan, batay sa pagkaintindi ko sa mga binanggit niyo, ang wikipediang ito ay dapat lamang na Tagalog Wikipedia nga. Salamat po ng marami, kahit napagod ata kayo sa pagmakinilya ng tugon ninyo. Muli, salamat sa impormasyong ipinagkaloob ninyo rito... - AnakngAraw 03:52, 2 Abril 2008 (UTC)
bago pa man nagkaroon ng katawagang filipino sa pilipinas ay may wikang tagalog na.Kaya mainam na manatili ang salitang tagalog at siyang maging batayan ng paglagay ng mga pamagat na may kaugnayan dito.ang pag gamit ng salitang filipino ay kolokyal at di ito nagpapahayag ng pagiging orihinal ng tinutukoy na wika at bansa.maaaring manatili ang salitang filipino sa mga bagay na tinutukoy na panglahukang pangkat sa buong bansa at gamitin ang tagalog sa pagtukoy ng pambansang wika dahil orihinal nga ito! —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan elliseo (usapan • kontribusyon) noong {{{2}}}.
Pamayanan
[baguhin ang wikitext]Idinagdag ko ang {{Pamayanan}} sa lahat ng pahinang usapan ng pamayanang Wikipedya pati na rin sa /Temp ng Unang Pahina. Ito ay para hindi lamang dalawang tao ang nag-uusap dito. At makahikayat ng mas marami pang mga Wikipedista. Bukas ko na idaragdag ang interwiki sa /Temp; inalis ko muna kasi. -- Felipe Aira 11:01, 2 Abril 2008 (UTC)
- Maganda pong ideya iyan, para mahikayat ang pakikipag-ugnayan. - AnakngAraw 14:01, 2 Abril 2008 (UTC)
- Saka, sumagot din po pala ako sa pahina ko ng usapan, hinggil sa tanong ninyo tungkol sa kulay. - AnakngAraw 14:25, 2 Abril 2008 (UTC)
Bagong mungkahi: bagong seksyon/kahon para sa unang pahina
[baguhin ang wikitext]Ibig ko po sanang imungkahi na dapat po na magkaroon tayo ng dagdag na "kasangkapang-katangian" (o feature) para sa Unang Pahina ng Tagalog Wikipedia: na tatawagin po sanang Pagbabalik-tanaw o kaya Balik-sulyap sa nakaraan (mga mungkahing pamagat lamang po ito). Kung ihahambing po sa Ingles na Wikipedia (at iba pang wikipedia), ito po ay parang On this day.... Pero dahil parang wala pa tayong kakayahang gawin ang isang On this day o Sa Araw Na Ito katulad ng bilang ng mga artikulo o kakulangan ng "tauhan" (at oras ng tauhan, at iba pang mga maaaring dahilan) na magpapatakbo sa ngayon nito, maaari po sigurong isang malawakang pagbabalik-pansin sa mga impormasyon mula sa nakalipas muna.
Narito po ang ilan sa mga layunin (o "panuntunan") ng magiging Pagbabalik-tanaw sa unang pahina:
- Muling mabigyan ng pansin ang mga lumang artikulo o tila "nakalimutan" nang mga artikulo.
- Mapaikot pa uli o maiharap sa madlang mambabasa ang mga artikulong ito para makapukaw muli ng pansin para mapahaba, madagdagan, mapaunlad at iba pa.
- Parang katulad po ng Alam Ba Ninyo? pero, iyon nga po, para lamang sa mga lumang artikulo na mapipili naman o makukuha kapag ginamit ang buton (nasa kaliwa natin) ng Pumili ng alin mang artikulo.
- Maaaring piliin ang mahaba at ganap na artikulo o mga sadyang maikli pa rin kahit na nagtagal nang "naimbak".
- Puwedeng gamitin ang taon o buong petsa ng kaganapan (tulad ng kaarawan, anibersaryo, sakuna, pagtatatag ng isang samahan o kumpanya, at iba pang katulad). Pero taon po muna bago ang buong petsa kapag isinulat sa linya (halimbawa: 1889 - Abril 2 - Naitatag ang samahang XYZ...)
- Hindi lamang mababalikan ang mga luma at dati nang artikulo, kundi makapagbibigay pa ng matatawag na "kaalamang pangkasaysayan" (dahil nakalipas na at luma na ang mga artikulo); mabibigyan ng "bagong buhay" kapwa ang nakalipas na kaganapan at mga nakaraang bagong artikulo.
- Kahalagahang nakikita ko kung maipatupad ito: Maaaring magbigay daan para sa isang ganap at umaandar na Sa Araw Na Ito o maaaring maipatupad ang dalawang (marahil) hiwalay na Sa Araw Na Ito at Pagbabalik-tanaw sa mga naganap sa nakaraan (malawak)
sa hinaharapbalang araw. Sa ngayon, masisimulan po ang "proyektong" ito sa pamamagitan ng huli: ang bagong kahon/seksyon ng Pagbabalik-tanaw na hindi limitado sa iisang araw lamang ng kasaysayan.
Saan ilalagay: maganda po sigurong ilagay ang parihabang pahalang na kahon/seksyon ito sa Unang Pahina sa ilalim ng kasalukuyang mga parihabang patayong mga kahon na naglalaman ng Napiling Artikulo, Napiling Larawan, Kasalukuyang Kaganapan at Alam Ba Ninyo?. At tatawagin nga po sanang Balik-tanaw o Balik-pansin o Sulyap-nakaraan. Kung mayroon kayong ibang pamagat o kung mapapabuti pa ninyo ang pamagat na ito, pakibanggit na lamang po. - AnakngAraw 14:25, 2 Abril 2008 (UTC)
Mga nagawa na (update) para sa Kayarian ng suleras na ito
[baguhin ang wikitext]- Masisilip na po ang halimbawa sa Unang Pahina/Temp.
- Tingnan din ang Wikipedia:Mga nagdaang pangyayari, na kaagapay nito. May kalendaryo dito.
- Pinamagatan po muna itong Noong unang panahon, at malawak ang sakop nito na pangnakaraan lamang - hindi pang-isang araw lamang (tulad ng Sa araw na ito o On this day ng Ingles na Wikipedia). Pero malawak nga po ang sakop na panahon nito na pangnakalipas. Sakop "lahat" ng pangyayari sa nakaraan na nakalaman sa isang lumang artikulo.
- Tatakan din ang pahina ng usapan, pakisilip ang Template:NoongUnangPanahonUsapan (pakisuri din ang mga icon na ginamit).
- Magagawa po ang gabay sa pagpili ng artikulo ayon sa mga nasa itaas at mga opinyon na ilalagay pa sa usaping ito. Ilalagay ang gabay sa Wikipedia:Mga nagdaang pangyayari. Ang mga halimbawang nasa suleras nito ngayon ay nakuha sa pamamagitan ng pagpindot lamang ng "Pumili ng alin mang artikulo" .
- Dagdag na layunin: mahihikayat ang tagapili o iba pang Wikipedista na maglagay na ng mga kaganapan, kapanganakan sa mga kawing ng taon at petsa, katulad ng ginawa ko sa mga paksang napili ko para maging halimbawa. Samakatuwid, malalagyan ng laman ang mga pahina ng taon at petsa. - AnakngAraw 16:51, 2 Abril 2008 (UTC)
- Maaari pong palitan kung ibig ninyo ang kulay ng suleras nito. - AnakngAraw 17:14, 2 Abril 2008 (UTC)
- Hinggil sa pamagat: Sa halip na Noong unang panahon, puwede rin pong Kahapon lamang, pero mas maganda yata ang diwa ng Noong unang panahon, ano po? Iba pong mungkahi?... - AnakngAraw 19:10, 2 Abril 2008 (UTC)
- Maaari pong palitan kung ibig ninyo ang kulay ng suleras nito. - AnakngAraw 17:14, 2 Abril 2008 (UTC)
Isa pang mungkahi para sa Unang Pahina
[baguhin ang wikitext]Puwede naman po sigurong lagyan ng mga sagisag o icon ang mga pamagat ng Napiling artikulo, Kasalukuyang kaganapan, Napiling larawan, Alam ba ninyo... at pati na yung bagong dagdag na Noong unang panahon (kung mapapatupad at aayon kayo). Salamat po. - AnakngAraw 17:12, 2 Abril 2008 (UTC)
- Ginawa na! -- Felipe Aira 02:29, 3 Abril 2008 (UTC)
- Ayan, salamat... atraktib na talaga... - AnakngAraw 03:12, 3 Abril 2008 (UTC)
Kawing patungo sa WP:Tambay
[baguhin ang wikitext]Puwede po bang magkaroon na rin tayo dito sa WP:Kape ng kahit maliit na kawing (para bang tuwirang daan) patungo sa WP:Tambay ng Ingles na Wikipedia. Para kasi madaling pumunta roon kung kailangan natin. Katulad ng ginagawa natin nitong mga huling araw. Salamat po. May sagisag (icon) na rin po siguro kung puwede. - AnakngAraw 00:45, 4 Abril 2008 (UTC)
- Sa totoo lang, ang totoong katumbas ng Tambayan Philippines ay WikiProyekto Pilipinas natin dito. At ang katumbas ng Kapihan natin ay ang Village Pump ng sa Ingles. Nagktaong parehong mga Pilipino ang mga nag-uusap dito at sa tambayan, pero ang sakop ng mga usapan nila ay mga paksang Pilipino lamang, hindi katulad ng Kapihan nating buong Wikipedya. -- Felipe Aira 03:53, 4 Abril 2008 (UTC)
- Aha... naunawaan. Salamat po. - AnakngAraw 18:18, 4 Abril 2008 (UTC)
Hiling para sa mga tagapangasiwa
[baguhin ang wikitext]- Bumalik na ang aktibidad ninyo; bakit sabay-sabay yata kayong nawala?
- Makilahok naman kayo sa usapan; napakaliit lamang ng ating pamayanan, at dahil pinioili niyo pang hindi makilahok nangyayari tuloy dalawa o, paminsan-minsan, tatlo na lamang ang nag-uusap dito kaya ang hirap makakilatis ng sang-ayunan.
-- Felipe Aira 02:16, 7 Abril 2008 (UTC) PS. Ilalagay ko ito sa mga usapang pahina nila.
Mga larawan at pagbura
[baguhin ang wikitext]Kasalukuyan pa ring naglilipat ng mga larawan sa Commons kaya huwag muna pong burahin lahat ng mga nasasangalan-espasyo ng Image: kung wala pa itong tag ng {{NasaCommons}}. Salamat. -- Felipe Aira 04:10, 19 Abril 2008 (UTC)
- Burahin lamang po ang mga pahina sa ilalim ng Special:Whatlinkshere/Template:NasaCommons. -- Felipe Aira 04:15, 19 Abril 2008 (UTC)
- O kaya para mas madali. Itong mga napangkat dito sa Category:Mga malalayang larawang may kopya sa Commons ang burahin ninyo. -- Felipe Aira 10:38, 19 Abril 2008 (UTC)
Tulong para sa audio sample
[baguhin ang wikitext]Nais kong maglagay ng mga audio sample ng mga awitin ni Thalía. Ngunit hindi ko ito magawa dahil kulang ang template para sa paglalagay ng audio sample katulad ng sa Wikipedia Ingles. Tignan ang pahina ni Mariah Carey sa Wikipedia Ingles. Maraming salamat. Mariel, Labis na Tagahanga ni Thalía, 13:37, 7 Abril 2008 (UTC)
Populasyon ng Pilipinas
[baguhin ang wikitext]- Opisyal na pahayag. Ang populasyon ng Pilipinas ay 88,574,614 noong Agosto 1, 2007. Ngayon kailangan nang baguhin ang nga pahina ukol sa mga bayan, lungsod at lalawigan sa Pilipinas. --Exec8 21:35, 16 Abril 2008 (UTC)
- Pwede kitang tulungan. Alam natin ang total na populasyon ng Pilipinas pero paano natin malalaman kung ano ang populasyon ng bawat lalawigan at rehiyon. Hindi naman pwedeng hatiin nalang natin ang populasyon sa dami ng lalawigan di ba? Redmask 06:22, 18 Abril 2008 (UTC)
Problema sa Suleras ng Link FA
[baguhin ang wikitext]Balak kong lagyan ng {{Link FA}} na suleras sa Alkoholismo ngunit ayaw lumitaw ang mga gintong bituin sa mga interwiki ng Hrvatski at Vietnamese. Starczamora 15:13, 21 Abril 2008 (UTC)
- Alam ko na ang problema. Mayroong kulang sa MediaWiki:Monobook.css at MediaWiki:Monobook.js, at maling kodigo sa Template:Link FA. Inihihiling ko po sa mga tagapangasiwang idagdag ang nilalaman ng User:Felipe Aira/monobook.js sa MediaWiki:Monobook.js, at ng User:Felipe Aira/monobook.css sa MediaWiki:monobook.css. Tapos palitan naman ang nilalaman ng Link FA ng User:Felipe Aira/tl. Sa paggamit ng mga iyon, nasubukan kong iyon ang kulang. -- Felipe Aira 01:38, 22 Abril 2008 (UTC)
Tapos na. --bluemask 10:45, 3 Mayo 2008 (UTC)