Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Marso 24
Itsura
- Ang inaasahang magsasalba sa krisis sa pananalapi na kumperensiya ng G20 sa London ay hindi magiging mabisa kumpara sa inaasahan. (Forbes)
- Binalaan ng Hilagang Korea ang Estados Unidos, Hapon at Nagkakaisang mga Bansa na huwag nitong pakikialaman ang plano nitong pagpapadala ng misyong pangkalawakan sa susunod na buwan sapagkat diumano ito ay makakasagabal para sa pagpapatuloy ng kasunduang pagtigil sa paggamit ng mga sandatang nukleyar. (Associated Press)
- Muling nagbalik ang mga balyenang nakulong sa mga baybayin ng Sydney sa Australia kung saan ito ay kinabibilangan ng 87 balyenang long-finned pilot at limang bottlenose lumba-lumba. (AFP)
- Siniguro ng pamahalaan ng Mehiko ang pagbibigay ng $ 2 milyong sa sinumang makapagtuturo sa kinalalagyan ng 24 na top drug lord ng bansa. (Associated Press)
- Kinumpirma ng pamahalaan ng Timog Aprika na hindi na muna nito tatanggapin ang paanyayang pagbisita ng Dalai Lama ng Tibet sa bansa hanggang sa 2010 Football World Cup dahil sa takot na baka madamay ang bansa sa lumalalang tensiyon sa Tibet. (Associated Press)
- Kinondena ng kawing-militar ng Sri Lanka ng pakikipagsabwatan ang mga grupong pandaigdigan na nagpapadala ng tulong-medikal sa bansa, sapagkat ito daw ay nag-aakit sa pagdagsa ng mga terorista sa bansa at tumutulong sa pagpapapalala ng kasalukuyang umiiral na digmaang sibil. (Reuters)
- Nakabingwit ang isang Griyegong mangingisda sa Dagat Aegean ng isang 2,200 taong gulang na estatwa ng isang kabayo. (Unyong Europeo)