Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 30
Itsura
- Malubhang panahon na may kasamang nyibe at hangin, nagdulot ng kaguluhan at pagkamatay ng humigit kumulang tatlo sa Bavaria at North Rhine-Westphalia. (Deutsche Welle) (BBC) (The Hindu) (Press TV)
- Resulta ng Lindol sa Hayti noong 2010:
- Sinuspende ng Estados Unidos ang pagpapalikas medikal sa resulta ng lindol dahil sa pagtatalo kung sino ang dapat gumastos para sa paggamot. (New York Times)
- Ilang Amerikano ang kinasuhan ng pagpupuslit ng mga bata sa pagtatangka ng mga ito na dalhin ang mga batang Haytian sa Republikang Dominikana. (BBC)
- Iniimbestigahan na ng Puerto Rico ang isang grupo ng mga doktor na kumuha ng larawan ng pasyente at nagsagawa ng operasyon sa lugar ng lindol habang nakangiti, umiinom, at may hawak na baril.. (Primera Hora)(BBC) (CNN) (Miami Herald) (The Washington Post)
- Mga hukom sa Italya naglunsad ng welga laban sa mga mungkahing pagbabago sa hudikatura ni Punong Ministro Silvio Berlusconi. (Reuters) (euronews) (BBC)
- Labindalawang katao ang patay at dalawampu pa ang nawawala sa isang aksidente sa bangka sa Distrito ng Kanlurang Godavari, Andhra Pradesh sa Indiya. (The Hindu) (RTÉ) (Sky News) (Taiwan News)
- Pangulo ng Bangko Sentral ng Arhentina nagbitiw matapos ang sigalot sa Pangulo ng bansa na si Cristina Fernández de Kirchner. (Buenos Aires Herald) (The Financial Times)
- Sinuspende ng Tsina ang pakikipagpalitang militar at nirebesa ang kooperasyon sa mga isyu sa Estados Unidos matapos ang pagsang-ayon ng huli na magpanukala ng pagbebenta ng mga armas sa Taywan. (The Hindu)