Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 12
Itsura
- Hindi bababa sa walong katao nasugatan sa paghagupit ng isang buhawi sa pulo ng Duene ng Alemanya sa Dagat Hilaga. (BBC)
- Estados Unidos natuwa sa mungkahi ng Rusya na maaaring magbuo ang Iran ng sandatang nukleyar sa hinaharap, isang hindi inaaasahang pag-amin mula sa Moscow. (Reuters)
- Pangulong Nicolas Sarkozy ng Pransiya nagsalita na sa pambansang telebisyon para pabulaanan ang mga alegasyon na tumanggap siya ng ilegal na donasyon mula kay Liliane Bettencourt. (BBC News)
- Pandaigdigang Hukuman ng Krimen kinasuhan si Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan ng tatlong bilang ng pagpatay ng lahi para sa kanyang papel sa Digmaan sa Darfur. (AP) (BBC) (Japan Today) (The Independent)
- Pitong bilanggo dahil sa politika pinalaya ng Kuba at ipinatapon sa Espanya , ang una sa sigwa ng 52. (AP via Google News)
- Heneral ng sundalong militar ng Italya na si Giampaolo Ganzer nahatulan ng 14 na taong pagkakabilanggo at danyos na €65,000 para sa pagpupuslit ng druga mula 1991 hanggang 1997. (BBC)
- Suwisa hindi sinang-ayunan ang kahilingan ng Estados Unidos na pabalikin ang Franco–Polish na direktor ng pelikula na si Roman Polanski para harapin ang mga sentensiya sa kasong pakikipagtalik sa mga bata noong 1977. (The Daily Telegraph)