Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 27
Guniya nagsagawa ng kauna-unahang demokratikong halalan sa kasaysayan ng bansa. (Aljazeera) (The Sydney Morning Herald)
Kyrgyzstan nagkaroon ng makabuluhang reperendum para sa Saligang-batas na umano'y dulot ng takot na malugmok ang bansa. (Aljazeera) (The Sydney Morning Herald)
Dalawang mediko mula sa Kanada patay sa Apganistan, namatay sila mga dalawampung kilometro sa kanluran ng lungsod ng Kandahar sa Distrito ng Panjwaii. (Vancouver Sun)
Dalawang babae ang pinatay at itinapon ang katawan sa isang kanal. Tatlong suspek nahuli matapos matagpuan ang mga katawan mula sa kanal ng kanlurang Yamuna malapit sa Barwasni. (The Hindu)
Lungga ng mga Taliban sa mataas na bahagi ng Ahensiya ng Orakzai binayo ng eroplanong pandigma, labing-apat na Taliban patay, walo pa sugatan. (Dialy Times PK)
Dalawampu't limang katao patay, 44 pa nasugatan sa aksidente sa lansangan sa Bulibya sa pagitan ng Cochabama at Potosí. (China Dialy)
Italya naghihintay sa kalalabasan ng pagdinig sa kaso na maaaring makapagpakulong sa matandang tagapayo ni Punong Ministro Silvio Berlusconi sa loob ng labing-isang taon na si Marcello Dell'Utri. (The Independent)
Limang katao patay sa pagsabog sa isang minahan ng uling sa Nagsasariling Rehiyon ng Ningxia Hui sa Tsina. (China Dialy)
Mga makakalikasan sinisisi ang politika ng Hong Kong sa pagpigil sa mga hakbangin na malinis ang hangin ng lungsod. (The Sydney Morning Herald)
Isang helikopter bumagsak sa Borneo, pilotong Amerikano patay. (Peope Daily) (Mail Tribune) (Hindustan Times) (AP via Google)
Pitong Briton kasama sa 39 na nasugatan sa banggaan ng dalawang bangkang pangturista sa Thailand. (ABC News) (Asia One) (Sydney Morning Herald) (Press Association via Google)