Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 7
Itsura
Apat na maninisid mula sa Palestina napatay ng Hukbong Dagat ng Israel. (Reuters) (New York Times) (AP via Google)
172 katao patay sa bahang dulot ng Bagyong Agatha sa Guatemala. (Xinhua) (AP via Google)
Hindi bababa sa pito ang kumpirmadong patay sa pagragasa ng buhawi at bagyo sa estado ng Ohio sa gitnang-kanlurang bahagi ng Estados Unidos. (Sydney Morning Herald) (Xinhua)(AP via Google) (BBC News)
Hindi bababa sa tatlong katao ang namatay at sampu pa ang nawawala sa pagsabog ng isang daluyan ng natural na gas sa Cleburne, Texas. (MSNBC)
Dalawang katao patay at labing-apat pa ang nasugatan nang araruhin ng isang kotse ang mga manonood sa isang pagkilos para sa Pandaigdigang Araw ng Kapaligiran sa Gatsibo sa Rwanda. (BBC) (Times Live)
Bilang ng mga migranteng manggagawa na namatay o nasugatan sa mga pagawaan sa Timog Korea tumaas sa huling taon at umabot na sa halos 14,500. (Yonhap)
Limampu't limang katawan natagpuan ng mga pulis sa isang abandonadong minahan sa Guerrero, Mehiko. (BBC)
Kansilyer Angela Merkel pumayag sa pagtitipid ng €80 bilyon sa loob ng apat na taon sa kanyang gabinete. (BBC)
Hilagang Korea nagsagawa ng ikalawang sesyon ng parlamento, kung saan hinirang si Choe Yong-rim para pumalit kay Kim Yong-il bilang Punong Ministro. (Aljazeera) (BBC) (Xinhua)
Isang estudyante sa Thailand nanunog ng paaralan dahil sa presyur na nararanasan sa pag-aaral. Inamin ng bata na ginaya niya ang gawa sa nakita sa nakaraang kaguluhan sa Bangkok. (AP via Google) (Today Online) (Bangkok Post) (Washington Post)
Pangulong Jacques Rogge ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko ininspeksyon ang lugar na pagdarausan ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014 sa Sochi, Rusya. (BBC)