Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 8
Itsura
- Hindi bababa sa labindalawa ang nalunod at siyam pa ang nawawala matapos lumubog ng isang bangka sa Distrito ng Sunamganj, Bangladesh. (Aljazeera) (Bangkok Post) (BBC) (TIME) (Xinhua)
- Mga manggagawa ng pampublikong sekto sa Espanya nagsagawa ng malawakang protesta laban sa 5% pagbabawas sa sweldo na ipapatupad na ngayong buwan bilang bahagi ng paghihipit ng pamahalaan. (CNN) (Financial Times)
- Mga siyentipiko nakakita ng mga ebidensiya na nagkaroon ng malalaking karagatan sa Mars. (BBC)
- Tsina pormal nang nagprotesta sa Hilagang Korea matapos malubhang masugatan ang tatlong Tsino ng mga sundalo ng Hilagang Korea sa may hangganan ng dalawang bansa. (AP) (Global Times) (Chosun Ilbo) (Radio Television Hong Kong)
- Hindi bababa sa dalawang tonelada ng cocaine na nagkakahalaga ng aabot sa US$1 bilyon na ibabyaheng Europa ang nasakote sa Ang Gambiya. (BBC)
- Bansang Libya inatasan ang ahensiya sa panganganlong ng Mga Nagkakaisang Bansa, ang UNHCR, na lisanin ang bansa sa hindi malamang kadahilanan. (Al Jazeera) (Reuters Africa)
- Noynoy Aquino nahalal na Pangulo ng Pilipinas sa Halalan sa Pagkapangulo kung saan si Jejomar Binay ang nahalal na Pangalawang Pangulo. (ABS-CBN News) (GMA News) (Philippine Star) (Business World Online)
- Bansang Singapore nais pabalikin sa bansa ang Briton na hinihinalang gumawa ng bandalismo sa isang tren. (AFP via Google) (UKPA via Google) (BBC) (Guardian)
- Punong Ministro Naoto Kan pinangalanan na ang kanyang gabinete at naghihintay na lamang ng pormal na panumpain ni Emperador Akihito. (BBC) (Business Week) (Telegraph) (Reuters)
- Dalawang sundalong Awstralyano at sampung iba pa mula sa ibang bansa ang patay sa magkakahiwalay na pag-atake sa Apganistan. (ABC News) (Hindustan Times) (Sydney Morning Herald) (AP via Google)
- Lindol na may kalakhang 3.7 yumanig sa Look ng Santa Monica sa Los Angeles, California. (CS Monitor) (The Daily Inquirer) (LA Times) (Contra Costa Times)