Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 8
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Nasakop ng grupong al-Nusra Front ang makasaysayang Kristiyanong bayan ng Ma'loula mula sa mga hukbo ng Sirya; nanawagan ang Rusya na protektahan ang nasabing bayan.(CNN) (Interfax)
- Napatay ng mga Taliban ang apat na miyembro ng pambansang hukbo ng Apganistan sa pag-atake sa isang opisina ng kaalaman malapit sa Kabul. (AP via Fox News)
- Isang grupo ng mga kalalakihan na nakasakay sa kotse ang namaril sa labas ng bayan ng Lungsod ng Guwatemala na ikinasawi ng 11 katao at 18 ang nasugatan. (AP via San Francisco Chronicle)
- Sakuna at aksidente
- Labing-isa ang nasawi sa aksidente ng bumangga ang isang maliit na bus sa isang tren sa Iași sa Rumanya. (Xinhua)
- Politika at eleksiyon
- Ayon sa resulta ng eleksiyon, mahahalal si Sergei Sobyanin bilang Alkalde ng Mosku kung saan siya ay nakakuha ng 50 porsyento ng mga boto. (Reuters) (BBC)
- Bumoto ang mga mamamayan sa Rusya para sa Araw ng Eleksiyon 2013 para sa rehiyonal at lokal na eleksiyon. (RIA Novosti)
- Muling nahalal sa pangatlong termino bilang Alakalde ng Tehran si Mohammad Bagher Ghalibaf sa Iran. (Tabnak)
- Isinagawa ang isang seremonya ng pagpapaalam para kay Pangulong Asif Ali Zardari ng Pakistan bilang pagtatapos ng kanyang limang taong pamumuno bilang pangulo ng bansa, siya ay papalitan ni Mamnoon Hussain. (AP)
- Palakasan
- Pinagbotohan ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko na muling ibalik ang larong buno sa palarong Olimpiko sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Tokyo.(ESPN)