Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Marso 16
Itsura
- Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng coronavirus ng 2019–20
- Pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Estados Unidos
- Nakumpirma ng Estados Unidos ngayon ang 4,459 kaso ng COVID-19, na nagdulot ng 86 patay. Nanatili ang Kanlurang Virginia bilang ang estado na walang kumpirmadong kaso. (CNN)
- Nakasara lahat ng paaralang K–12 sa 37 estado ng Estados Unidos sa ngayon, na naapektuhan ang kabuuang 37.4 milyong mag-aaral sa 72,000 paaralan. (Education Week)
- Ang mga gobernador ng Bagong York, Bagong Jersey, Connecticut, Michigan, Louisiana, Ohio, Illinois, Massachusetts, at Washington, at mga alkalde ng mga lungsod at ibang mga estado, ay inuutos ang pagsasara ng lahat ng mga bar at restawran at ipinagbabawal ang mga pagtitipon ng mula 50 katao pataas sa kanilang mga estado o lungsod bilang pagtugon sa pandemya. (CNBC) (WJBK) (Business Insider)
- Pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Pilipinas
- Dineklera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang "pinagbuting kuwarantinang pamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon noong ikalawang araw ng pagpapatupad ng pagkuwarantina ng pamayanan sa Kalakhang Maynila. (GMA News)
- Si Senador Juan Miguel Zubiri ang naging isa sa 142 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nang nagpositibo ang kanyang resulta.(CNN Philippines)
- Pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Estados Unidos