Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2020
Itsura
Disyembre 2020
[baguhin ang wikitext]- ... na pinaniniwalaang ginamit bilang isang pangkalkula ng mga simpleng operasyon sa matematika ang buto ng Ishango?
Nobyembre 2020
[baguhin ang wikitext]- ... na ayon sa mga tradisyon, nagsimula ang Kristiyanismo sa India nang lumapag si Santo Tomas ang Alagad sa Baybaying Malabar at si San Bartolome ang Alagad sa Baybaying Konkan?
- ... na ang Scala Sancta, isang hagdang relikya na kinuha ni Reyna Elena mula sa praetorium ng palasyo ni Poncio Pilato sa Herusalem, ay diumano inakyatan ni Hesukristo bilang bahagi ng kanyang Pasyon?
- ... na ang lungsod ng Multan sa Pakistan ay isa sa mga sentro ng Islamikong medyebal ng India at kinalalagyan ng mga dakilang mausoleo?
- ... na ang toga ay isang komplikadong pananamit na naging isang panseremonyang kasuotan kalaunan ng mga nakatataas na tao sa sinaunang Roma?
- ... na galing ang pangalan ng Simbahan ng Santa Maria sopra Minerva sa pag-aakalang nakatayo ito sa pundasyon ng gumuhong templo ng diyosang si Minerva, ngunit napag-alamang ito pala ay isang templong inialay sa Ehiptong diyosang si Isis?
- ... na si Mimar Sinan, na nagtrabaho sa ilalim ni Suleiman ang Maringal, ay itinuring bilang isa sa mga pinakadakilang arkitektong Otomano at madalas inihahambing kay Michelangelo?
- ... na itinuring na isa sa mga Ama ng Arkitekturang Baroko si Francesco Borromini dahil sa kanyang unang solong proyekto - ang Simbahan ng San Carlo alle Quattro Fontane sa Roma?
- ... na gawa-gawa lamang ang pangalan ni Fibonacci noong 1838 ni Guillaume Libri, isang Pranko-Italyanong historyador?
Abril 2020
[baguhin ang wikitext]- ... na ang mga bayan ng Rizal na Montalban at San Mateo ay dating napapaloob sa dating lalawigan ng Maynila?
- ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pebrero 2020
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Kaesong, Hilagang Korea ay ang tanging lungsod na nagbago ang mayhawak kasunod ng Kasunduan ng Armistisyo ng Korea noong 1953?